Nasa loob ako ng boutique branch ng AL Fashion sa Ayala Cebu ngayon. Maraming costumers ang pumapasok, yung iba window shopping lang at may mga bumibili naman. Nandito ako to check the status of my business here and to check my staff's performance din. I am wearing the uniform of my sales lady para mapagkamalan akong sales lady syempre. Habang nag-aasikaso ako ng costumer sa counter ay may biglang sumigaw.
"I told you to stop running!" Sigaw ng babae sa isang batang lalaki.
"Excuse me, what's happening here?" Sabi ko to catch their attention.
"Ma'am natapunan po ng drink ang dress." Sabi nong isa kong staff.
Tinignan ko ang dress na natapunan ng drink noong bata at madumi nga siya. Kinuha ko ang dress at ipinapasok ko nalang sa stock room.
"It's okay. It was an accident though. Next time baby you listen to your mommy okay?" Sabi ko sa bata. Ang gwapo niyang bata yung eyes nya parang eyes ni William tsaka yung lips at ilong niya.
"No, babayaran namin yan. Nakakahiya naman. Here." Sabi babae sabay abot ng five thousand. Siguro hindi niya nakita ang price tag noong dress.
"No, okay lang. Keep it." Sabi ko
"Nasaan ba boss niyo? Bakit ikaw ang kumakausap sa akin eh staff ka lang naman." Tang.na ng babaeng to, hindi to taga dito eh. Sarap sapakin
"Kunin mo nga ang dress ulit." Sabi ko sa staff, pagkatapos niya kunin ang dress ay iniabot ko ito sa babae showing the price tag na ikinagulat niya.
"Wait." Sabi niya at kinuha niya yung check.
"Wala ba yung owner dito?" Tanong niya sa staff na katabi ko
"Siya po ang owner." Sabi noong staff ko at mas lumaki yung mata ng babae at parang nagdadalawang isip siya na iabot ang check. I gave her that smirk she deserves.
Ibinigay niya sa staff ko ang check at lumabas na sila ng baby niya ng boutique. Ipinabigay ko na ang check kay Sam at umalis na kami ng boutique upang dumeretso na sa office.
***
"You will have a meeting with the board mamaya 1PM sa conference room for your business ambassador." Sabi ni Daddy habang kumakain kami ng breakfast
"Can I be one of your ambassadors ate?" Tanong naman ni Alexa
"Our family is the first and best ambassadors of our business sis." Sabi ko sa kanya at nagpatuloy na kami sa pag kain ng breakfast.
Matapos kong magfinalize ng mga kakailanganin para sa meeting ay ipinahanda ko na kay Sam ang presentation for our future campaign dahil isa iyon sa rason kung bakit may meeting kami ngayon. Pagkatapos ng lahat ng preparations ay nagpunta na kami agad sa kabilang building for the meeting. Wala pa ang board kaya ipinaayos ko na kaagad ang conference room sa staffs ng office ni Dad. After ilang minutes ay nagdatingan na sila ngunit 1:05 na ay hindi pa dumadating si Mr. Mayol.
"Call Mr. Mayol, siya nalang ang hinihintay. Masyado siyang matagal bagong parte pa naman siya ng negosyo. Tsk" Sabi ko kay Sam. At agad niya idenial ang number ni Mr. Mayol, buti naman at sumagot agad ito. Baka ganito din si Andrew, late kasi late din tatay niya.
"Ms. nagpapark nalang daw sa parking area." Sabi ni Sam uminom ako ng tubig at nag C.R pagkatapos ay pumasok na sa conference room. Sakto namang pag-upo ko ay bumukas ang pinto at nakita ko si Andrew.
BINABASA MO ANG
Naka-abang
General FictionBabalik o Bibigay? Dalawang letrang nagsisimula sa B. Dalawang salitang napakahirap pagpilian. Dalawang salitang dapat iisa lang ang gugustuhin. Isang salitang magpapabago ng ikot ng buhay mo. Isang salitang magbibigay sakit sa ibang tao. Isang sali...