Strαngers (One Shot Story) [Exclusive]

4.4K 215 97
                                    

First time ko lαng po mαgsulαt ng gαnitong concept. TRY lαng. Pαg di mαgαndα, di nα αko gαgαwα nαng gαniyαn. =______= Thαnks po!

♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥.♥

"Anything is possible if you have the intelligence and willpower to make it happen. You need to have DETERMINATION." – Sir Keith.

"STRANGER who stole my first kiss and even the second and third." – Katie Monique Salazar

"STRANGER who stole my heart." – Sir Keith Alvarez

**

"Uyy si Sir iyon diba?" tanong ni Jade, ang best friend ko.

"Hindi. Hindi. Si Manong Guard iyan. =_=" pambabara ko sa kaniya.

"Ayy, leshe ka Katie! Makapambara ka, Vice Ganda 'teh?"

"Hindi. Anne Curtis. -_-"

Nyemas. Wala na ata kaming matinong pag – uusap. Paano ba naman kasi, magtatanong siya samantalang nasa harapan na niya mismo iyong sagot.

Papalapit na kami sa tapat ng aming lab. Doon siya nakatambay. Nakatayo, ayy hindi. Nakarest ang likod niya sa pader habang nakapasok ang kamay sa bulsa niya. Inaamin ko, gwapo si Sir at di malayong gaganahan talaga pumasok at mag – aral ang mga estudyante niya. Kung tatanungin niyo ako kung may CRUSH ako sa kaniya, siyempre WALA. Wala kasi..



gusto ko na siya. Hello? Iba ang CRUSH sa LIKE dibaaaa? O,o

Malalagpasan ko na sana siya kung di nga lang huminto si Jade sa harapan niya at nagpaalam,

"Bye Sir Alvarez! ^_^" at tumango lang si Sir bilang response. Bigla naman akong siniko ni Jade at binulong na, "Hoy babae, di ka ba magpapaalam kay Sir Gwapogi? Ha? Ha? Uyy."

Sheesh. Pahamak na bestfriend. Ayoko nang mga ganito dahil nauutal ako. Idamay mo pa ang mala – kamatis na mukha. >///<

"Ahm, B – bye Sir!" sabi ko sabay hakbang. Hindi ko na hinintay ang pagtango niya as a response. Ano pa bang gagawin ko doon? Mamaya mapahiya pa ako na naghihintay sa simpleng pagtango niya. =_=

"Bye." narinig kong isang salita mula sa kaniya. Di ko na siya nilingon dahil alam kong anytime, pwede ulit akong sumabog sa sobrang pagkapula.

Mas lalo ko na lang binilisan ang paglalakad. "Hoy bruha! Hintayin mo naman ako! Sinabihan ko lang na BYE ni Sir Hot, ganiyan ka na. Nang – iiwan ka na ha? *pout*" pagmamaktol ni Jade.

Bumalik naman ako sa pagkapula ko, "H – ha? Uyy, D – di kaya!" >.>

"Asus. Wag denial 'teh! Halata."

Huminto naman ako sa paglalakad para tumingin sa kaniya sabay sabing, "Waaa! Bestfriend, sinabihan niya ako ng BYE. Ang swerte ko. Nakakakilig talaga. Ang manly pa ng pagkakasabi niya sakin. And yung asdfghjkl.."

"Bestfriend, tama na! OA na masyado. =_=" at binitawan niya na ang pagkakatakip sa bibig ko.

"Sorry." sabi ko habang kinikilig pa rin.

"Lintik ka! Ako, tango lang tapos sayo nag BYE? So unfair." at parang bata na nagta – tantrums si Jade. =.=

"Ayos lang yan bestfriend. Ang BUHAY talaga parang LIFE."

*BOINKS* Opo. Binatukan nga po ako ng aking bestfriend.

"G*ga. Pareho lang iyon."

Strαngers (One Shot Story) [Exclusive]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon