Kanina

346 25 3
  • Dedicated kay Sa lahat ng na-two time
                                    

Nag-break kami kanina.

Nakakagago kasi. Hindi ko alam kung kami pa, o naging kami nga ba talaga. Technically, “kami” pero lumalabas na hindi.

Nung Paskuhan, pinuntahan ko siya sa school niya. Nag-usap kami na magkikita kami. Ang ending, sumama ako sa mga kabarkada kong doon din nag-aaral. Pa’no, mga 30 minutes na akong naghihintay doon sa babaan ng jeep nung mag-text siya na hindi siya makakapunta kasi kasama niya mga kaibigan niya.

 Pakshet ‘di ba?

Nag-break kami kanina.

Tinawagan ko siya noong New Year, saktong 12 AM. Di ako lumabas ng kwarto ko kasi maingay sa labas, maraming nagpapaputok. Pagka-receive niya ng tawag ko, isang malakas na “Happy New Year Mahal” ang bungad ko sa kanya. Sabi niya, “Happy New year din,”  saka nagpaalam, magsi-CR lang daw siya. Nag-antay ako ng mga 5 minutes, naka-hold lang yung tawag hanggang sa maputol. Tinawagan ko siya ulit, walang sumagot. Tinext ko siya kung nasaan na siya, paulit-ulit kada minuto. Tumawag ako ulit, out of coverage area na ang naririnig ko. Kinabukasan, nag-text siya, sorry daw kasi nakalimutan niya yung phone niya. Nakisaya kasi siya sa mga nagpapaputok.

Wow talaga. Tae.

Nag-break kami kanina.

Noong Valentine’s, inaya ko siya sa Baywalk. Pakiramdam ko kasi, ‘yon yung perpektong lugar kung saan pwede siyang dalhin. ‘Lam niyo yun. Romantic shit. Panonoorin namin yung sunset. Tapos, tatambay kami sa may fountain sa Malate. O kaya pupunta kami sa Ocean Park or Star City. Basta, ganun.

Nag-usap kami na magkikita kami ng 5:30 para panoorin yung sunset. Dumating ba naman siya ng alas syete. Pa ‘no, nung t-in-ext ko kung nasaan na siya, sabi ba naman, kakagising lang niya. Natulog daw kasi siya pag-uwi niya galling sa school.

Tanginang ‘yan.

Nag-break kami kanina.

Noong birthday ko, di ko siya nakita. Di siya nagparamdam. Ilang beses ko siyang tinawagan pero walang sumagot. Sobrang nag-alala ako. Ni text, ni tawag, wala akong natanggap. Malay ko ba kung ano nang nangyari sa kanya? Tinawagan ko nanay niya, sabi umalis daw. Nagpaalam na pupunta sa birthday ko. E dahil nga sinabi ng nanay niya, naniwala ako. Nag-antay ako hanggang ala una, tulog na lahat ng mga tao, nagsiuwian na mga kaibigan at bisita ko, pero walang Jade na dumating.

Kinabukasan, nagkita kami. Tinanong ko siya kung bakit di siya nakadalo. Dahilan niya, di raw siya pinayagan ng nanay niya.

Ano yun? Nagsinungaling sa ‘kin nanay niya?

Nag-break kami kanina.

Noong isang araw, naggala kami sa mall. Nanood ng sine, nag-food trip, nag-ice skating. Kung anuman yung inis at hinanakit na naramdaman ko noong mga panahong kailangan ko siya at wala siya, kinalimutan ko na lang. Mahal ko e. Ang importante, kasama ko siya noong mga oras na iyon, katabi ko, kahawak ko ng mga kamay.

Habang naglalakad kami, may lumapit sa kanyang tatlong babae. Bigla niyang binitawan yung kamay ko, di ko alam kung bakit. Noong tinanong siya kung kaanu-ano niya ako, aba, ang sagot ba naman niya e pinsan niya ako.

Puta. Pinsan? Mag-pinsan ta’s nag-de date? Pinsan, ta’s magka-holding hands? Gaguhan?

Nag-break kami kanina.

Simula noong isang araw, simula noong makita kami ng mga kaibigan niya sa mall, di na siya nagparamdam sa ‘kin. F-in-lood ko na ng messages sa facebook pati text. Tawag ako ng tawag pero lagging out of coverage area yung kabilang linya. Kapag nanay niya naman tinatawagan ko, ganoon din. Dalawang araw na kaming di nakakapag-usap. Dalawang araw ko na siyang di nakikita. Dalawang araw ko nang na-mi miss ang presensya niya. Dalawang araw na akong di mapakali kung ano nang nangyari sa kanya.

Hanggang sa makita ko siya kanina. Sa simbahan. May katabing ibang lalaki.

Ang katunayan, likod niya lang ang nakita ko. Kaya may posibilidad na baka naipagkamali ko lang siya sa ibang babae. Napatingin ako sa katabi niyang lalaki. Silang dalawa lang yung nasa kaliwa ng upuan. Sa kanang bahagi naman ng upuan, isang Lolo at isang batang lalaki ang nakaupo. Kung paano haplusin noong Lolo yung ulo batang lalaki, nahinuha ko agad na apo niya iyon. Pero ang ipinagtataka ko, bakit masyadong malapit yung lalaki kay Jade? Kapatid niya kaya? Imposible. Wala siyang kapatid. Pinsan? Siguro.

Siguro hindi siya si Jade.

Akala ko, namamalikmata lang ako. Pero nang mag-o offer na ng sign of peace sa isa’t isa, nakumpirma kong hindi ako nag-I ilusyon. Na si Jade nga yung nakita ko. Humarap siya sa mga tao sa likod para mag-bow. Umalis agad ako sa upuan ko para lapitan siya. Kaso nakakailang hakbang pa lang ako nang magdesisyon akong huwag nang tumuloy.

Yung katabi niyang lalaki, hinalikan niya sa labi.

Ang unang pumasok sa isip ko, Tangina, nasa simbahan sila.

Naramdaman ko na lang na kumikirot na yung palad ko sa sobrang higpit ng  pagkakakuyom ko sa mga kamay ko. Sa utak ko, pinagmumura ko na sila ng lahat ng murang alam ko.

Kaya pala. Hindi lang pala coincidence yung lahat ng ka-pestehang nangyari sa ‘kin dati. Kaya pala lagi siyang walang oras sa ‘kin. Kasi may ibang hinayupak na umaagaw ng atensyon niya. Ginagago niya na pala ako ng di ko namamalayan.

Binalaan na ako ng mga kaibigan ko tungkol sa kanya. Na may sa-ahas siya at di marunong makuntento. Na may reputasyon daw siya. Na nagging ex na raw siya ng lahat. Na minsan na raw siyang pumatol sa isang may asawa. Di ako naniwala. May pagka-gago rin kasi yung mga kaibigan ko e. Mahilig gumawa ng kwento. Malay ko bang sinisiraan lang nila si Jade.

Sana pala naniwala ako.

Galit na galit ako. Gusto kong magwala. Gusto ko silang sugurin. Gusto kong bugbugin yung lalaki at gusto ko siyang ipahiya sa harap ng maraming tao.

Bago pa man ako gumawa ng eskandalo, lumabas na ako sa Simbahan.

Paglakabas ko, nilabas ko yung cellphone ko at nag-text sa kanya.

‘Break na tayo.’

Tumunog yung dambana ng simbahan. Nagsilabasan na yung mga tao. Pagkaraan ng ilang minuto, nag-ring yung cellphone ko.

“Hello, Babe? What’s with the text?”

Yung boses niya. Putang ina, nung marinig ko yung boses niya, gusto ko siyang pagmumurahin. Gusto ko siya sugurin at saktan.

Pero higit sa lahat, putang ina, ang sakit.

Minahal ko siya. Kahit ilang buwan pa lang kami, minahal ko siya. Kasehodang mukha na akong tanga dahil pinagtatawanan na ako ng mga tao sa likod ko kapag kasama ko siya. Sukdulan pang magbulag-bulagan ako sa mga nakikita, napapansin at naririnig ko tungkol sa kanya.

Putcha, ang sakit.

Pero tama na. Ayoko na.

“Putang ina mo, mamatay ka nang hayop ka!”

Saka ko pinutol yung tawag.

Nag-break kami kanina.

Nag-break kami kanina. Ni hindi ako lumaban. Di ko pinakinggan ang side niya. Hindi ko inalam ang totoo.

Nag-break kami kanina.

Di ko siya pinaglaban. Wala rin namang saysay. Isang malaking kalokohan ang ipaglaban ang taong hindi rin naman ikaw ang gustong makasama. Sa kaso ko, dalawa kaming pinagsasabay niya. Walanghiya talaga.

Nag-break kami kanina.

Tama na ang pagpapakatanga. Hindi siya karapatdapat para sa ‘kin. At mas lalo namang di ako karapatdapat para sa kanya. Kaya lahat ng mayroon kami, lahat ng ugnayan namin, pinutol ko na. Kanina.

KaninaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon