Chapter One: And Then She Escaped

326 22 19
                                    

A/N: This story will have typos, plotholes and grammatical errors, you've been warned. :P Konting drama muna for this chappy ahehe.

*********************

Tatiana Almeda's P.O.V.

Tama na. Ayoko na.

Sawang-sawa na ako.

Paano ba naman kasi ginulpi nanaman ako ni tatay. Puro pasa nanaman ang aking mga legs at arms. Hindi yung normal na pasa na kulay itim, kung di yung pasa na kulay purple at namumula-mula pa. Daig ko pa ata ang mga test na ginagawa ng mga fraternity.

Pero hindi lang yun ang masakit eh. Yung mga sinasabi ni tatay habang ginugulpi niya ako. Yun ang masakit.

Bakit ba ang tindi ng galit sa akin ni tatay? Matataas naman ang grades ko sa school. Di naman ako naiin trouble. Ngayong summer nga pumayag akong maging waitress sa not so sosyal na restawran ni Aling Sasha para may dagdag panggastos. Pero summer man o winter o autumn or fall (echos, dalawa lang ang season sa Pinas xD)basta basta at bigla bigla na lang niya ako ginugulpi.

Kung nandito pa kaya si Mommy, ganto pa kaya ang sitwasyon ko? Lumayas kasi si Mommy sa amin.

At ngayong gabi, 'history will repeat itself' ika nga.

Sabi nila kamukha ko daw si Mommy. Sa kanya daw ako nagmana. Tama sila.

Dahil ngayong gabi napagdesisyunan ko din na lumayas na.

********************

Nakahanda na yung isang maleta at backpack ko mga bandang 9 PM. OA ba? Eh kasi lahat kasi ng gamit ko gusto ko dalhin kahit yung iba ay bigay ni tatay. Masyado kasi ako malapit sa mga bagay na may sentimental value. Aish. Pano ako makakalayas nento eh ang obvious ko. Sana kasi mas matanda ako nung lumayas si mama para na ka ask ako ng tips. Ahahahaha joke T____T

As usual, naglalasing nanaman si tatay. Hindi naman kami mayaman o sobrang mahirap kaya may pambili si tatay ng beer. Hula ko mga 11 jombak na yan, dun ako aalis.

Siyempre yung suot ko akma sa gagawin ko. Black na pants tapos black na shirt na mahaba yung sleeves. Lahat naman ng damit ko ganto, mahahaba. Tinatakpan ko kasi yung mga pasa ko.

Speaking of mga pasa, medyo umo-ok na sila. Purple pa din ang kulay nila, pero nagagalaw ko naman na. Siguro dahil sanay na ako mabugbog tumataas ang pain tolerance ko.

Tama na nga daldal. Kakain muna ako. Tutal di ko rin alam kung kailan ako makakain ulit. Aish kasi eh, nasa Mindanao pa mga kamag-anak namin tapos wala naman akong masyadong friends sa school na pwede kong matuluyan. Ako kasi yung target ng mga bully kaya walang courageous enough na lumapit sa akin. Kung meron man, naiintimidate naman sila kasi may reputation yung tatay ko na "basagulero" at nambubugbog kasi yan (ako yata pinagprapraktisan niyan eh).

((11:30 PM))

Tumunog yung alarm clock ko. Siyempre mahina lang at pinatay ko agad. Natulog kasi muna ako ng saglit pagkakain.

Sinilip ko muna si tatay. Yup. Tama nga ako. Jombak na siya, lakas pa ng hilik. Para di agad mahalata ni tatay na wala ako binuksan ko ng mahina yung radyo sa kwarto ko. Gusto ko nga sana na dalhin yun kaso wag na lang. Mabigat din kasi saka may radyo naman yung cellphone ko eh.

Dumaan ako sa may pintuan sa kusina kasi sa may likod yun. Siyempre tahimik lang ako. Tinignan ko muli si tatay. Hay, kahit naman masama siya sa akin, tatay ko pa rin siya at pinapasalamatan ko din siya. Kaso tama na eh. Di ko na kaya. Haay. Picturan ko kaya muna si tatay? Para may remembrance ako. Aish ano ba pinagsasabi ko. Corby lang phone ko kaya medyo low quality. Wag na lang, baka bukas may bago nanamang selfie si tatay sa fb. I-download ko na lang.

Buti na lang sa may bungad lang ang bahay namin, kung di baka nakita ako ng buong barangay at nagsumbungan na sila kay tatay. Pag nangyari yun paniguradong bugbog sarado nanaman ako kay tatay.

Yes! Success! Nakalabas na ako ng barangay. Hay, nakahinga naman ako ng maluwag. So bali nasa may streets na ako. Di naman highway pero alam mo na nadadaanan ng mga kotse.

Uupo na sana ako sa tapat ng 7 Eleven ng may natanaw ako. Patay. Si Aling Bebang! Yung chismosang na nakatira sa tapat mismo ng bahay namin. Aaaah.

Tumakbo na ako papalayo. Ewan ko ba kung nakita niya ako pero naisipan ko na di ako safe kung sa labas lang ako ng barranggay tatambay. Aish! San ba ako pupunta? :(

Sumakay ako ng isang bus. Di ko nga alam kung san yun pupunta eh. Pero wala na akong magagawa naka-sakay na ako eh. Saka baka may makakita pa sa akin.

"San ka?" tanong nung konduktor.

"Ah, eh, saan po ba yung last stop niyo?" tanong ko.

"Sa Quezon," matipid niyang sagot. Aish naman!!! Hindi pa ako nakakapunta sa Quezon eh. Wala akong kaalam-alam. Ano ba tong bus na pinasok ko :///

"Ah, eh, dun na lang po," sabi ko. Tapos kinapa ko yung pants ko para sa pambayad. Naghanda na kasi ako. Sa ayun nagbayad na ako at kahit 2 pesos na lang yung sukli, hiningi ko pa din.

"Naglayas ka no?" sabi nung lalaking nasa opposite side ko.

Ganto kasi position namin:

Ako |  Aisle | Lalaki

"Ah, eh," yun na lang nasagot ko. Parang kasi ang creepy nung lalaki? Yung ngiti niya di ko gusto. Di lang dahil bungi bungi siya at ang itim ng lips niya (smoker siguro to. yakkk, bad yan for the health!) para kasing may masama siyang balak.

Sinundan ko yung tingin niya at nakita kong pinagmamasadan niya ang backpack ko. Lagot, baka nakawin niya to. Niyakap ko tuloy ang bag at maleta ko at di ko na siya tinignan.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at nagbuntong hininga. Hay. Ano na kaya mangyayari sa akin? Imbis na pumunta ako ng south, papapunta ako ng north.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

if u survived my awkward and amateur-ish writing here's an award. *hands award*

so what do yall think? this is the first chapter of my first book here in watty so be kind.

vote & comment!

And Then There's You (A Justin Melton Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon