Pat's POV
"Cindy! Ano ba naman yan. Ang boring pa din. Pasyal na lang kaya tayo sa labas?" sabi ko habang tumatayo para maghandang lumabas
"Sige na nga" sabi niya sabay tayo na rin
Pagbaba namin nag paalam kami kaagad kay kuya.Papayag din naman sila dahil kasama ko naman si Cindy.
"Mga Kuya kong panget! Labas muna kami ni Cindy. Mag iikiot ikot lang kami sa labas" Sabi ko sa kanila
"Ah panget pala ha? wag na wag kang lalabas ng buhay" sabi sakin ni kuya Zeke
"Hala? kuya Zeke naman eh. Sabi ko kuya kong mga gwapo hindi panget"
"Neknek mo Pat! Oh siya sige layas na.Mag-ingat kayo ha?"
"Sige po! Bye kuya Zeke Bye kuya Gian. Alis na kami. See you later mga kuya kong PANGET" sinigaw ko talaga ang panget tsaka tumakbo na kami ni Cindy
Alam ko kasing patay ako sa kanilang dalawa mamaya. Hahahaha .
Habang tumatakbo kami palabas narinig ko pa yung sigaw ni kuya Zeke na "Pat! bumalik ka dito. Patay ka talaga samin mamaya"
Mga ilang minuto na din kaming nag iikot dito sa subdivision namin
Habang patuloy kaming nag iikot nakita namin si Gian kasama ang ibang barkada niya
"Cindy diba si Gian yun? Akala ko ba busy? kasama lang pala niya yung iba niyang barkada?" sabi ko kay Cindy habang naiinis kay Gian. Bakit niya pa kailangan mag sinungaling para lang makasama niya yung barkada niya? pwede niya naman sabihin yung totoo eh. Maiintindihan naman yun eh kasi noong mga nakaraang araw palagi niya naman kaming kasama
"Oo nga! halika, lapitan natin" sabi ni Cindy saka ako hinila papunta kay Gian at sa mga barkada niya
Habang papalapit kami meron akong napansin. Parang nadagdagan ata yung barkada niya? lima lang sila noon ah? kasama na doon si Gian
Bakit parang may bago? At noong nakalapit na kami hindi nga ako nagkakamali. May bago nga at ang gwapo niya ah. Pero hindi ko muna yun pinansin.
May kasalan pa si Gian sa akin
Busy silang lahat sa pag-uusap kaya hindi nila napansin na papalapit kami
"ARAY NAMAN! Bakit ba?" sigaw sakin ni Gian. Binatukan ko eh .Hahahaha. tsaka hindi niya agad nakita na ako yung bumatok sa kanya. Nakatalikod siya sa akin eh
Pag harap niya sobrang naiinis yung mukha niya. Hahaha. Pero nakita niya na ako yung bumatok sa kanya nawala yung inis sa mukha niya
Alam ko naman hindi niya magawang magalit saakin eh ^_^
"Pat? Bakit ka ba nambabatok? Ang sakit nun ah? Ano ba kasalan ko?" tanong niya saakin habang yung barkada niya nakatingin lahat saakin tapos si Cindy naman nakita ko na nakatingin doon sa bagong barkada ni Gian. Siguro na notice niya na din na parang bago siya.
BINABASA MO ANG
A Time For Love
Teen FictionNa experience niyo na ba na maging super duper ultra mega complicated ang buhay niyo o ang love life niyo? Naranasan niyo na bang pumili ng isang tao na sa umpisa pa lang alam mo nang hindi magiging kayo hanggang sa huli? Pero ikaw itong tanga at pi...