Alleria Nicole Carpio's POV
"Mama naman! Bakit naman pati posters ko idadamay nyo pa?!" pagmamaktol ko kay mama habang kumakain ng Piattos.
Bakit kasi pati DJP posters ko idadamay pa nila sa shooting shooting na yan. Ang dami dami nun tapos tatanggalin ko isa-isa?! And in the first place, si DJ yun! Kilala mo diba? Oo, si Daniel John Ford Padilla. Anak ni Ms. Karla Estrada at Mr. Rommel Padilla. Si Joaquin, Gino, Patrick, Ivan, Billy at ang future Kenji Delos Reyes, ah basta! Si Daniel Padilla. Ang asawa ko pero wala kaming marriage contract. Wala din kaming wedding ring. Asawa ko sya pero 'di pa kami kinakasal. Asawa ko sya pero 'di nya alam. Asawa ko sya pero may mahal syang iba. Si Kathryn </3
Akmang dudukot si mama sa pagkain ko habang sinasabi, "Leria naman, ibabalik mo din naman pagkatapos ng shooting eh. Hindi naman sila pwedeng mag-shoot sa kwarto mo tapos may poster nyang bakla na 'yan."
Nilayo ko yung Piattos sa kanya.
"Hindi bakla si Daniel!" tumayo ako "Bahala kayo! Hindi-hindi ko ipapagamit itong kwarto ko! Wala akong pake kung makikita ito sa TV. Kung hindi rin lang naman kasali ang gwapong mukha ng boyfriend ko ay wag nalang." pagkasabi ko nun ay dumiretso ako sa kwarto ko sinara ko ang pinto at ni-lock ito. Tinignan ko ang kabuuan ng kwarto ko. May isang kama. Tapos sa tapat nun ay may study table na maraming nakatambak na malilinis na damit na hanggang ngayon ay hindi ko pa tinitiklop. Sa tabi ng study table may basurahan. Tapos halos kalahati ng kwarto ay puro picture ng isang napaka gwapong nilalang. May side-view, tangos ng ilong. May wacky, sobrang cute. May whole body, sexy. Tapos may formal, handsome gentleman.
Lalakad sana ako papunta sa kama pero napahinto ako.
May kamay na nakalitaw. May tao sa ilalim ng kama.
Napalunok ako ng laway at kahit nagsisimula nang manginig ang mga tuhod ay pinilit kong lumakad papunta dun sa kamay. Nakarating ako sa tapat nun. Kahit kinakabahan susubukan kong silipin kung sino ang nasa ilalim. Pero hindi pa ako nakakayuko ay bigla nitong dinakma nung kamay ang paa ko.
"AAAAHHHHCCK!" kakaripas palang ako ng takbo ay biglang, "Aray!" huh?
"DIANDRA!" bulyaw ko sa pinsan ko paglabas na paglabas nya ng kama. Nakahawak sya sa noo nya. Nauntog ito.
"Aray ko ate Leria ah! Inuntog mo na nga ako tapos babasagin mo pa ang precious eardrums ko." sabi nya habang hinihimas himas yung noo nya.
"Anong inuntog ka dyan! Ano ba kasing ginagawa mo dyan sa ilalim ng kama? Katakot ka naman eh. Tapos bigla ka pang mang dadakma ng paa, ang lamig lamig ng kamay mo." sabi ko habang chine-check ko yung kawawang forehead nya.
"Kasi nag-iisip ako."
"Anong iniisip mo?" wala, curios lang.
"Si Jake" pinisil ko yung noo nya. "Ouch!"
"Jake na naman! Crush mo yun no?"
"Huh? Hindi ah! Nagpapatulong kasi sya kung pano manligaw ng babae. Nililigawan nya kasi yung magandang babae dun sa kabilang street. Yana ata ang pangalan."
JE LEEST
A Chance (A Daniel Padilla FanFiction by Gem Martino)
Fanfictie"Alleria you love me right?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nyang out of the blue. At nakatingin din sya sakin. Tumango ako at ngumiti bilang tugon na ang ibig sabihin ay 'oo' "So that means I can trust you?" diretso ang tingin nya sa mga m...