NAALIMPUNGATAN si Hena. Ala-una na ng madaling-araw. Wala sa tabi niya ang asawa. Nagtaka siya. Tumayo siya at sinuot ang tsinelas. Nakita niyang bukas ang pinto sa teresa. Sumilip siya. Nandoon ang asawa at may kausap sa cellphone. Sino naman ang kausap nito sa ganoong oras?
Maybe it was just work. Pero bakit ang kalooban niya ay hindi sumasang-ayon sa naisip niya. Inabutan siya ni Kei na nakatayo. Kitang-kita ang gulat at tensyon sa mga mata nito. Doon na siya kinabahan. May itinatago ba sa kanya ito?
“S-sweetie, kanina ka pa ba diyan?” lumapit ito sa kanya at niyakap.
Pilit siyang ngumiti. “Just now. Sino kausap mo?”
Halos pumiyok siya. Pinipigil niya kasing makahalata ito na nagtataka at naghihinala siya. Iginiya siya nito sa kama.
“Nothing. Si Mr. Choi ‘yun. Don’t worry about it. Let’s sleep.”
Binigyan siya nito ng banayad na halik sa mga labi. Nagpadala na lamang siya rito. Hindi kasi mawala sa isip niya ang pangyayaring iyon. Bumangon ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib.
Hindi niya maipanatag ang kalooban sa pagtulog. Nang hindi mapakali ay bumangon na siya. Ayaw man niyang pakialaman ang CP nito, ngunit kailangan. Hindi siya pakakalmahin ng sarili kung hindi niya malalaman ang kausap nito.
Dahan-dahan siyang tumayo. Kinakabahan man pero desidido siya. Dinampot niya ang CP. Wala siyang sinayang na panahon. Agad niyang tinignan ang recent calls. Parang pinagsisisihan na niya na inalam pa kung sino iyon.
“P-Pam…”
[OTHER SETTING]
ILANG araw na ang nakalilipas nang malaman niyang kausap ni Pam ang asawa niya. Nilamon tuloy ng selos ang buong sistema niya. Hindi siya tuloy mapakali ngayon. Walang oras na bantay-sarado ang mister niya sa kanya. Ito ang sabi ng biyenan niya. Bantayan niya ang bawat kilos nito at obserbahan.
That was hard. Ayaw niyang naghihinala sa asawa niya. Pakiramdam tuloy niya, hindi na normal ang kanilang pagsasama.
Napapitlag siya. Hinalikan siya ni Kei. Ito ang epekto ng kanyang pagseselos, lagi siyang wala sa sarili. Kinalma niya ang sarili at ngumiti dito.
“Do you love me?”
“This past few days, napapadalas ang tanong mo niyan. But don’t worry, I’m always willing to answer. I’ll not get tired to say I love you so much.” Panandaliang humupa ang tinik sa dibdib niya. Hinawakan nito ang mukha niya.
“I love you more. Pero ayoko ng may kahati.”
Tila ito natigilan. Tensyonado at nawala ang coolness sa anyo nito.
“W-What do you mean?”
“Nothing, Sweeatheart! You already know me, right? I don’t let others share with what are mine.”
Iniwan na lamang niya itong nakatunghay sa kanya. Hindi na siya magtataka. Ang kilos nito ay tila sinasagot na ang paghihinala niya.
BINABASA MO ANG
TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)
Любовные романыHelendina Ambrosio was one of the highest paid models in the world of fashion. She was a walking temptation. With her angelic face, sexy body, and fame, she can have every man’s attention. Except Keenan Kress’. Keenan was her first and definitely la...