1

116 3 5
                                    

1

"Um, Lau. I really have to leave you. Whatever you're doing or whatever you're up to, you're on your own. Hindi ko na kayang i-risk ang sarili kong reputasyon to cover you. I'm sorry." sabi ni Nica sa akin at naglakad palayo.

Nica's leaving. Nicalaine's leaving. My bestfriend is leaving me.

"Amber, ija, i'm sorry, anak." sabi ni Mommy sakin.

"Nak, you can do this. I believe in you. Pero kailangan ka na muna naming iwan." Sabi ni Dad at naglakad sila ni Mommy palayo sa akin papunta sa puting ilaw. Gusto ko silang habulin pero hindi ko magawa. Nagmistulang nadikit ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.

What the hell is happening to me?

"Lauren. Ito nga pala si *insert name here*." Sabay turo niya sa babaeng kaakbay niya.

"I really am sorry, but I think she's better than you.". Sabi nang isang boses ng lalaki ngunit hindi ko masinagan ang mukha, ganun na rin sa kasama niyang babae.

They started walking away from me.

No, no, no, no! This can't be happening. There's a part of me na nagsasabi na kakilalang-kakilala ko yung lalaki kanina. At nagsasabing kailangan ko siyang habulin.

I tried my very best upang makaalis sa kinatatayuan ko. But I can't.

I tried. Once more. I prayed. Then I tried. I screamed.

"*insert name here*!!!!". Walang pakundangan kong pagsigaw kung saan papunta ang dalawa. Tumakbo ako papunta sakanila.

Nahawakan ko na ang balikat nya. Ihaharap ko na siya sa akin.

---

"AMBEERRRR!". nagising ako sa sigaw ni Ji.

Napatayo ako agad at tinulak ko siya. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko at pawis na pawis ako. Kumuha ako ng tubig sa mini-ref sa loob ng kwarto ko at uminom.

Pagkatapos kong uminom, tinanong ako ni Ji.

"Uy, okay ka lang ba?". Inabutan niya ako ng panyo. "Ang pawis mo. Bad dream?".

Nagpunas ako nang pawis at sinindihan ang electric fan kahit naka-turn on ang aircon. "Siguro".

"Care to share?". She asked while staring at her cellphone.

"Hindi ko na maalala e."

She smirked. "Okay then. Kung gano'n, maligo ka na. We're going to the Mall. Remember?"

I stared at her. Blankly.

"Lauren. Seriously? Hindi ba sabi mo sasamahan mo akong mag punta sa salon ngayon?" Still staring. "Wag mong sabihing hindi mo maalala. Dahil ginamit mo pa 'yang pinky swear para mag promise sa akin." Tuloy niya pa.

Ay. Oo nga pala.

"*sigh* Sige. Maliligo nako." Nag nod siya tapos bigla naman siyang nahiga sa kama at nag cellphone. I sighed in defeat. Hinayaan ko lang siya at pumasok na sa banyo.

After 45 minutes, natapos akong maligo at nandoon pa rin siya sa kama ko. Pero nakabihis na siya. Tinitigan ko lang sya. Napansin naman niya ako.

"Yes?"

"Baka naman gusto mong lumabas?"

"Wag na. Hindi nalang ako titingin." Tapos tumalikod at humarap sya sa kabilang side. I was convinced kaya nag bihis nalang ako at ginawa ang mga kailangang gawin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ctrl + H (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon