Bakit ganoon? Kung kailan ka na nakamove on sa taong minahal mo nang ilang taon at wala siyang ibang ginawa kundi ang paasahin ka, saka pa siya bumalik at sinabing mahal ka niya...
Kung kailan ka pa nakahanap nang taong para sayo talaga, saka pa siya bumalik sa buhay mo at sinabing "MAHAL KITA..."
Bat ang unfair? Noong minahal ko siya, mas pinili niyang magmahal nang iba... Tapos nang tuluyan nang nawala ang pagmamahal ko sa kanya, saka pa siya bumalik...
Noong mga panahong sinabi niyang "HINDI KITA MAHAL, MAY MAHAL AKONG IBA, HUWAG KA NANG UMASA PA." patuloy ka pading umaasa sa kanya kahit ilang beses ka na niyang pinagtabuyan at pinamukang 'HINDI KA NIYA MAHAL.', pinaniniwalaan mo parin ang puso mo na huwag siyang sukuan kase baka may "PAG-ASA PA."
At nakilala mo siya... Ang taong tumulong sayo para makalimutan siya... Ang taong pinapatawa ka sa walang kwenta niyang mga joke... Ang taong nandyan palagi sa tabi mo at palaging binibigyan ng panyo sa mga oras na umiiyak ka... Ang taong kahit ipagtabuyan mo na siya, bumabalik parin siya sayo... Ang taong na kapag umalis lang siya nang sandali, namimiss mo na ang presence niya... Dahil nakita mo na ang taong mamahalin mo nang sobra... Siya lang... Dahil siya na ang taong nandiyan sa tabi noong nangungulila ka sa kanya... Ang taong tinulungan kang tumayo ulit noong napilay ka... Ang taong sumalo sayo noong hulog na hulog ka na talaga...
Nagdesisyon ka na lang na siya na... Na siya lang talaga at wala nang iba... Natutu mo na siyang mahalin...
At isang araw bumalik siya...
Kung kailan nawala na ang nararamdaman mo sa kanya, bumalik siya at pilit niya sinasabi na "Ako na lang ulit."
Naguguluhan ka na dahil hindi mo alam kung sino ang pipiliin mo...
Ang MAHAL KO o ang MINAHAL KO.....
Ang MAHAL KO o ang MAHAL AKO.....
Naguguluhan ka na. Nag aaway na ang utak at puso mo. Dahil hindi mo alam kung sino ang pipiliin mo...
Ngunit isang araw, naisip mo nalang na ang taong palaging nandiyan sayo... Ang tumulong sayo pata bumangon ka muli at matutung magmahal ulit... Iniisip mo ang mga panahong nandiyan siya sa tabi mo at never ka niyang iniwan...
At siya.. Wala siyang ginawa kundi ang saktan ka... Wala siyang ginawa kundi ang ipagtabuyan ka... At bigla nalang siyang babalik at sasabihing Mahal kita...
Dahil doon naliwanagan ka na na hindi ang utak ang nagdidikta sayo kung sino ang pipiliin mo... Sa huli puso padin ang nasusunod pag nagmamahal ng totoo.
Alam ko na ang pipilihin ko... Pipiliin ko ang taong nandiyan palagi para sa akin. Ang taong tumulong at nagturo sa akin kung paano magmahal ulit.
At ang taong sigurado na akong siya lang at siya lang talaga ang mamahalin ko nang totoo ang buong buo...
Ang taong MAHAL NA MAHAL KO.