Denise Choi
Ang gwapo ko! Grabe. Yan ang bumubungad saken kada titingin ako sa salamin. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa mga matang mala-chinito, diba? Napaka sinungaling niyo naman kung ikakaila niyo pa! Ako nga pala si Denis Choi at inlove ako kay Sam Dela Cruz, wala kayong pakialam kung puro Sam Sam Sam ang bukang bibig ko kase ganyan talaga ang One-sided love.
Sa totoo lang si Sam hindi yan short for Samantha o kung ano pa man, Samuel Dela Cruz kase siya at OO with the capital 'O' lalake siya. Ano bang magagawa natin isa akong Babae'ng nasa katawan ng isang napaka gwapong nilalang ang totoo niyan halos four years kong crush ko si Sam, ay excuse my mistake... Mahal... Oo MAHAL ko si Sam! Wala tayong magagawa dahil, Kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sabihin to! Pero hep hep hep! Hindi ko padin sinasabe, duh?! Ano ako tanga? Baka pag sinabe ko mawala ang friendship namin dalawa... Kahit sa totoo niyan di naman talaga kame friends.
And as I was saying ang nakakaalam lang ng aking pag ibig sa lalaking ito ay ang aking matalik na kaibigan na si Claire Deguzman halos 9 years nakaming mag bestfriend o diba bongga?! Hindi ko na maalala kung papaano kame naging mag bestfriends ang alam ko nalang hindi na kame mapaghiwalay alam niyo yung tipong bahay na niya yung bahay namin at magulang na niya ang magulang ko? Ganun din naman ako sa kanila actually kilalang kilala na nga ako sa village nila e. Wala e 'estoy muy guapito!' Mahal ko yan pero syempre mas mahal ko si Sam.
Iba yung bonding namin ni Claire, hindi man kame parehas ng interests at hobbies nag kakaintindihan padin kame, actually tomboy siya at masaya ako para sakanya, naalala ko nung pinakilala niya yung Girlfriend niya sakin natulala ako kase noon naman nasa highschool kame puro lalake pinapakilala niya bilang boyfriend, minsan nga pinagnanasaan ko pa yung mga naging syota niya. Magandang babae si Claire medyo Chubby lang ay hindi pala, sadyang MATABA lang. Ang dami kayang nang hinayang nuong may ka hhww siyang babae (holding hands while walking) pero kahit ganun yan hindi ko padin ipagpapalit yan kahit kanino pwera nalang kung kay Sam... Joke!
Andito kame ngayon sa Music bar. Grabe ang daming fafa. Pero syempre kaya lang naman kame nandito mainly dahil kay Loves at syempre bonding nadin. Andito nga din pala yung mukang clown na girlfriend ni Claire si Nicole Lovato, maganda naman sana siya pero nasobrahan sa make-up pero okeys lang bawi naman sa uguale at yaman.. Sinabe ko ba sa Yaman? He he mayaman ang bruhilda e tas patay na patay kay Claire. Pero oo naman mabait siya kahit papaano alam niyo yun, generous kaya masayang kasama to e.. Si lovieduby Sam singer. Oha? San pa kayo? Sa isang singing competition ko unang nasilayan ang kanyang kagwapuhan dun din napuno ng pagmamahal ang aking bitter na puso. Charot!
Ayan na kakanta na si myloves.
Alam mo ang ganda mo pala,
pag tumawa ang iyong mata
Hinahabol ko'ng bawa't mong tingin
Ngunit ito'y di mo napapansin
Wala akong maipag mamayabang
Porma ko pasimple simple lang
Sino ba akong walang dating sayo?
Hindi tayo bagay sobra mong ganda,
Talagaaaa!
Ay nako shitness, bat siya lumalapit? Oh em gee! May flowerrrrrrs pa charot. Did he finally realize na mahal niya ako?! Ang gwapo ng ngiti niya why o why?!
Hindi ko alam kung hangang kailan tayo
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking byahe
Atin lang ang araw na ito
Ayan na siya. Sabay siko naman ni Claire saken. Ready na ako ready-ng ready. Heto na siya. Tumayo na ako, siguro with matching kintab pa ng eyes ko. Eto na talagaaaaaa! This is it mah mennnn.....
Pero teka...
Binigay niya yung flowers kay Nicole. Biglang nangilid luha ko, tinignan ko si Claire nakatingin siya saken with matching gulat expression. Nako ano to. Teka anong gagawin ko nakakahiya... Nag tatawanan yung mga tao... Hoy paa umalis ka na oh please? Bakit ganun ayaw gumalaw. Biglang may humawak saken tas hinila ako palayo... Naramdaman ko naman yung luha ko pumatak. Nakatungo lang ako pag tingin ko si Claire. Hinihila ako palabas.
Ewan ko kung naiyak ako sa gulat o sa pag kahiya. Bat kase ganun. Ang tanga tanga mo kase Denis, Tanga! sigaw ko sa isip ko. Kase naman alam ko naman na walang chance pero bat ganun nangangarap padin ako. Smart, jusko hari ng ka-smartan!
BINABASA MO ANG
Boy Girl Bakla Tomboy (slow update)
RomanceKapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito...