Isang klase ng pamamaalam..
Pamamaalam na kahit kailan.
Hindi ko inasahan.Isang biglaang pamamaalam ng isang taong..
Hindi ko inasahang sa isang iglap..
Ay tuluyan ng mawawala.Akoy parang isang tuod..
Na hindi alam kung pano o bakit..
Pano mo nagawa..!
At bakit mo ginawa..!Sa puntong ito..
Alam kong walang wala ang sakit ng iba..
Kumpara sa nararamdaman ko.
Inidolo kita Simula pa nung taong nagsisimula palang ako.Nagsisimula palang na mahalin ka, suportahan ka..
At hindi ko maintindihan kung bakit dadating sa puntong..
Akoy mamamaalam na.Ang hirap tanggapin pero kailangan..
Pero ang alam kolang sa ngayon..
Iiyak ang katotohanang ikay wala na..
At hindi na muling babalik pa.Alam mo yung masakit don..
Hindi man lamang ako nabigyan ng pagkakataong..
Mayakap ka.. Makilala ka na yung tipong abot kamay kita.Hindi ko man lamang naranasan ang pakiramdam..
Pakiramdam na makulong sa bisig mo..
At masabi ko sayo, na akoy isang daang porsyentong
TAGAHANGA mo.Paalam mahal kong idolo..
Mga alaala mo ay nakatanim sa pusot isip ko.
Mga video mo nalang ngayon ang takbuhan ko..
Sa mga Sandaling nalulungkot at akoy nangungulila sayo..
Patuloy ko na lamang babalikan ang masasayang alaala mo..
Ng sa gayon, sandali kong malimutan ang sakit na
Dulot ng PAGKAWALA mo..