UNTITLED

15 0 0
                                    

NAGSESELOS ako.. Pero WALA AKONG KARAPATAN!
NASASAKTAN ako kahit sa mababaw na dahilan
Pero ano nga bang magagawa ko..
Akoy isang Hamak na TAGAHANGA lang..
‎na ang kayang gawin Ay SUMOPORTA
‎MAHALIN ka kahit na sa loob ko..
‎ang SAKIT sakit na..

Kung may kakayanan lang akong ipahayag sayo ang
Nararamdaman ko..
At sabihing.. "WAG MONG GAWIN ANG MGA BAGAY NA'TO"
Edi sana.. HINDI AKO NASASAKTAN NG GANITO.

Alam kong WALA akong magagawa kung gawin mo ang
Mga bagay na makakapag papasaya sayo..
Kahit na ang kapalit nito..
Ay ang Unti unting PAGKAWASAK KO.

Magka halong INGGIT at SAKIT ang nararamdaman ko.
Sa tuwing magbabalik ang isang alaalang pilit na iwinawaksi
Sa puso't isip ko..
Alaalang.. Ikaw at Siya
Habang ang mga LABI nyong DALAWA..
‎Ay PAREHONG sumasabay sa isang musika.

Sa pagkakataong ito.. Wala akong magagawa kundi
Kalimutan ang sakit na dulot mo..
Dahil alam kong sa huli..
nadito parin ako sa tabi mo..
At PATULOY na SUSUPORTA sayo.

IWAWAKSI ko na lamang ang isang tagpong iyon..
Dahil tanggap kona..
Tanggap kona, Dahil wala na.. Nagawa mona..

Mag isa ko nalamang hihilumin
ang sugat na dulot mo sa puso ko..
‎kahit na alam kong sabay kayong nagdulot ng sakit dito

Hanggang dito nalang talaga..
Pero SANA malaman mong ang pagmamahal ko sayo..
Ay MAG PAPATULOY pa.

poetry collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon