"hoy," kalbit ko sa kanya, tinignan nya naman ako agad ngunit nakataas ang kilay nya.
"bakit?" iritadong tanong nya sa akin, iginala nya ang paningin nya sa akin kaya lihim na napangiti ako.
"done checking me out?" natatawang pangasar ko sa kanya kaya naman sinamaan nya ako ng tingin.
"ang kapal mo! asa ka naman!" dumikwatro sya sabay cross arms, ang brat nya talaga. "hindi ka maganda ah, wag kang feeling."
napasimangot ako. girlfriend ko ba talaga to?
"edi hindi." ang mean nya talaga sa akin, minsan natatanong ko din kung bakit nya ako sinagot eh ang harsh nya.
rinig ko naman ang buntong hininga nya sabay lapit papalapit sa akin. nagulat ako ng yakapin nya ako at isiniksik nya ang mukha nya sa leeg ko. ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. ninenerbyos ako lalo na't ganito sya. shit.
"pero kahit ganun ako sayo, mahal kita."
at oo, nakalimutan kong sabihin na kahit ganun sya ka-mean sa akin, lagi naman nyang pinaparamdam na mahal nya ako.