Chapter 34
Naging maluwag ulit ang schedules ko Kung kaya palage akong may oras kay Brandon. Nasa Pilipinas na siya at inayos ang problema sa negosyo niya. Tinulungan din niya ang kapatid sa negosyo ng kanilang pamilya. Nakilala ko na rin si Claudia ang kapatid niya at ang pamangkin niyang si Sweetie. Nakakatawang isipin na inakala ko itong babae niya noong nasa Solana pa kami at narinig ko siyang may kausap sa phone.
Sweetie is seven at ang kulit-kulit. Si Brandon pala ang naging father figure niya kung kaya sobrang spoiled ito. Madalas ko narin itong nakakausap kapag tumatawag si Brandon sa akin dahil summer at walang pasok ay madalas ito sa opisina ng mommy niya. Dumadaan kasi araw-araw si Brandon doon upang makatulong at mangungulit ito na tawagan ako.
"Tita, ipagdesign mo ako ng dress. Lapit na kasi ang birthday ko, gift mo nalang." She sweetly demand. Nagskype kami at nasa kandungan siya ni Brad.
"Sweetie, busy si Tita mo." Saway ni Brad.
"No it's okay, walang problema." I smiled widely. You can't resist a girl like her, ang cute cute niya. Kung sa bagay ay ang ganda rin naman ng Mommy niya.
"Hi, Mona!" Speaking of her. She waved at me ng napadaan sa likod nila.
"Hi!!" I waved back.
"Naku, kinukulit ka ba nitong prinsesa namin?" Nag aalala niyang sabi.
"It's okay, gagawan ko siya ng dress para sa birthday niya, malapit na raw." Sagot ko.
Nanlaki ang mata ni Claudia.
"Sweetie ang kapal ng mukha mo. Hindi pipitsuging designer si Tita Mona mo na anytime mo lang lapitan. Jusko!"
I saw Brad raised his brows at nagkibit balikat.
"It's really okay, Claudia. Gift ko nalang iyun sa kanya." Nakangiti kong sagot.
"Mommy, pumayag na nga si Tita e aayaw ka pa." She pouted her lips, ang cute.
Nagkausap pa kami ng ilang sandali bago ito nagpaalam na kakain ng snacks.
"Ang kulit niya talaga noh?" I giggled ng kami nalang ni Brandon sa screen.
"I can't say no to her, Kaya spoiled masyado." Pailing-iling niyang sabi.
"It's okay, she's so cute."
Mataman niya akong tiningnan na para bang may iniisip.
"Ano yun? Ha?" Tanong ko. Umiling na naman siya at tumawa nalang.
"Hey, ano yun?" Kulit ko, hindi kasi ako mapakali sa tingin niyang iyun, may laman e.
"Spell it out, Brandon!"
Ngumisi ito bago sumeryuso.
"I'm just thinking of..." He trilled off.
"Ano?" Taka ko.
"Ahm. Nevermind," bawi niya.
"Brandon, I can't sleep kapag ganyan. Maglalaro lang yan sa isip ko."
He licked his lower and I want to kiss those lips.
"Baby." Simpling sagot niya. Hindi ko matantya kong tinawag ba niya ako o may iba siyang ibig sabihin.
"Hah?" Halos tualala kong reaction.
He tsked.
"Don't mind it, I can wait."
Hanggang sa pagtulog ko ay laman iyun ng isip ko. Is he trying to say that he wanted a baby? As in anak?
Bigla nanikip ang dibdib ko sa narealized. He wanted a baby at sa ngayon ay hindi ko pa iyun maiibigay. Ang sama ng pakiramdam ko roon. I always disappointing him, wala akong kwenta.