chapter 35

12.9K 447 62
                                    

Chapter 35

Nagising ako sa napakaaliwalas na silid. Puti lahat at may bote ng dextrose na nakakonekta sa aking kamay. Nang gumalaw ako ay naramdaman ko na may maliit na hose sa aking ilong, it's an oxygen.

Anong nangyari?kinapa ko ang aking sarili at parang namanhid lang yung katawan ko at ang tamlay ng pakiramdam ko sa aking mga braso. Naalala ko ang sakit ng aking tiyan sa event, ano yun? Anong nangyari sa akin?

Tamad kong iginala ang aking mga mata sa paligid at nakita ko si Brandon na natutulala at nakasandal sa bintana. Parang ang lalim ng iniisip niya at hindi niya ako napansing gumalaw. Iba na ang damit sa suot kanina, nakagray siyang polo na tinupi hanggang siko at puting pants. Nakatingin siya sa baba ngunit wala roon ang atensyon niya.

"Brad?" Tawag ko dito. Hindi siya natinag, hindi yata ako narinig.

"Brandon!" Nilakasan ko ng kunte upang mapukaw siya. Napakurap naman ito at lumingon sa akin.

Medyo nagulat ito kaya umayos at tahimik na lumapit sa akin.

"Hi..." Bati ko dito. Para siyang wala sa sarili at ang lamig ng tingin sa akin.

Tumango lang siya sa bati ko kaya nag alala ako, may nagawa ba ako?

Kinapa ko ang kamay niyang malapit lang sa akin at hinawakan iyun. Hindi naman siya gumalaw at nagpatianod lang. Tiningnan niya ako ngunit hindi ko mawari ang paninitig niya.

"Anong nangyari? May problema ba?"
Nanginig ang kamay ko sa tanong na iyun, para bang ang layo niya sa akin na halos ay mawala siya. Nakakatakot.

"Brandon... Wag mo naman akong takutin oh." I plead.

Nagbuga siya ng hininga at kinulong ang kamay kong nakahawak sa kanya.  Hinalikan niya ang noo ko at napapikit ako.

"Anong problema?" Tanong ko, simula kanina ay hindi ko pa naririnig ang boses niya.

"Hindi ko alam kung papaano ko ito sasabihin sayo." Namamaos ang kanyang boses na parang galing sa kakasigaw.

"Bakit? Ano yun?"

Nanunubig ang kanyang  mga mata ngunit pilit pinatigas ang mukha. Nag igting ang kanyang panga.

"We lost it." Sabi niya.

Hindi ko naman agad nagets ang sinabi niya. Anong nawala namin?

"Anong ibig mong sabihin?" Nangunot ang noo ko.

"Na kunan ka." Halos hindi ko iyun marinig sa hina ng pagkasabi niya ngunit malinaw iyun sa tenga ko.

Parang nawendang ang mundo ko sa sinabi niya. Mabilis na umikot-ikot ang ideya sa aking isip natila hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong isipin.

"Buntis ako?" Tumulo agad ang luha ko na parang gripo."at nakunan?"

Pailing-iling akong tiningnan siya. Puno ng lungkot ang kanyang mga mata, madilim din ito na para bang sinisisi niya ako.

"No! Hindi totoo yang sinasabi mo." Pilit kong iniiba ang sitwasyon para lang aluin ang aking sarili. Hindi siya sumagot pero tumulo ang butil ng luha sa kanyang mata. At nadurog ang puso ko sa katahimikan niya. Gusto ko nalang din mawala dahil naaawa ako sa kanya. Wala talaga akong kwenta! Ilang beses ko na siyang binigo.

"I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry." Paulit-ulit kong utas habang umiiyak. Niyakap niya ako ng mahigpit. Kahit na kumalma naman ang puso ko sa ginawa niya ay sinisisi ako ng utak ko.

"I'm sorry, Brad. I'm sorry." Patuloy kong iyak. I know it's my fault. Naging stress ako this past few days, siguro ito ang dahilan. Ang tanga ko naman kasi upang hindi malaman, natural wala kaming proteksyon at ilang weeks narin akong delayed. Ang laki kong tanga.

Monachica [Solana Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon