Kabanata 5

172 6 0
                                    



Nang sumunod na araw pinuntahan ni Alex si Tanya sa kanyang tinutuluyan at masayang mukha naman ni Tanya ang sumalubong kay Alex.


"Mahal ko buti dumating ka, may sasabihin ako sayo." Ang agad sabi ni Tanya kay Alex na hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi ng babae.


Ngunit hindi na yun inalintana ni Alex malalim ang kanyang iniisip.


"May sasabihin din sana ako." Ang basag ni Alex kay Tanya.

"Sige mauna ka na." Ang sagot naman ni Tanya kay Alex at nawala ang ngiti sa labi ni Tanya ng makita nya na seryoso ang mukha ni Alex.

"Tapusin na natin ito, ayoko man sanang gawin pero kailangan para sa mga anak ko at para makakita ka din ng taong talagang para sayo." Ang wika ni Alex kay Tanya.


Gustong sumabog ang dibdib ni Alex sa sakit na kanyang nadarama ngunit ayaw nyang ipakita iyon kay Tanya.


"Itama na natin ang mali." Ang muling dugtong ni Alex.


Natahimik naman si Tanya at halatang nagpipigil sa kanyang pag iyak.


"Naiintindihan ko, alam ko naman na darating tayo sa ganitong sitwasyon, matagal ko ng pinaghandaan ang pagdating ng oras na ito." Ang sagot ni Tanya kay Alex sa napakamahinahong tono ng boses nito.

"Sana maging mag kaibigan pa din tayo gaya ng dati." Ang muling sabi ni Alex.

"Oo naman mag kaibigan pa din tayo." Ang tugon ni Tanya kay Alex at pinilit ngumiti nito.


Hindi na nagtagal si Alex sa bahay ni Tanya at nagpaalam na din agad sya dito, ngunit bago sya tuluyang lumisan isang halik at mahigpit na yakap ang ibinigay ni Alex kay Tanya at pagkaraa'y lumakad na si Alex palabas ng bahay ni Tanya.


Paglabas ni Alex ng pinto narinig pa nya ang impit na pag iyak ni Tanya. Kumirot ang puso ni Alex dahil sa awa at pagmamahal sa babae pero nagpatuloy pa din sya sa paglayo dahil iyon ang alam nyang tama.


Pagdating ni Alex ng bahay agad itong tumungo sa kanilang kwarto at nahiga sa kama. Mabigat ang kanyang kalooban ng bigla maisip nya na meron nga palang gusto sabihin sa kanya si Tanya ngunit hindi nya na iyon narinig.


Agad kinuha ni Alex ang kanyang telepono upang tawagan si Tanya ngunit wala ng sumasagot sa kabilang linya kaya tahimik na lamang ibinalik muli ni Alex sa kanyang bulsa ang kanyang telepono.


Magmula ng araw na iyon hindi na muling nagkita pa sina Alex at Tanya. Umalis si Tanya sa bahay na kanyang inuupahan at maging ang kapatid nito na malapit sa kanya dati ay wala na din. May nakapagsabi kay Alex na umuwi na ang mga ito sa kanilang probinsya.


Tatlong taon ang nagdaan ang inakala ni Alex na maayos at tahimik nilang buhay may asawa ay muling nagulo ngunit sa pagkakataong ito hindi na sa kay Alex nagmula ang problema kundi sa kanya ng asawa.


Natuklasan ni Alex na meron na pala itong kinahuhumalingang iba. Nang komprontahin ni Alex ang asawa ay ito pa ang matapang na nagsabing...


"Bakit ikaw lang ba ang may kaya?" Ang matapang na sagot nito sa kanya.

"Akala ko ba aayusin natin ang pamilya natin? Akala ko ba gusto mong buo tayo?" Ang tanong ni Alex sa babae.

"Pasensya na hindi ko sinasadyang mahulog ang loob ko sa iba, patawad pero mas mahal ko na sya kesa sayo." Iyon lang ang katagang huling narinig ni Alex dahil na blangko na ang kanyang isipan.


Kinabuksan wala nang asawa si Alex na nagisnan. Umalis na ito ngunit naiwan ang mga anak ni Alex sa kanya.


Isang liham lamang ang kanyang nakita sa ibabaw ng mesa na nasa loob ng kwarto nila na nagsasabing hwag na nya itong hanapin pa dahil sumama na ito sa lalaking mas mahal nya.


Para namang pinagsakluban ng langit at lupa si Alex sa nangyari. KARMA ba ito dahil sa mga nagawa nyang pagkakamali noon o nagkamali lamang sya sa kanyang naging desisyon?


At bigla naalala ni Alex si Tanya, ang babaeng nagbigay sa kanya ng pagmamahal at pagpapahalaga na natapat lang sa maling panahon at pagkakataon.


"Hahanapin ko si Tanya at sana kung matatagpuan ko sya ay hindi pa huli ang lahat." Ang sabi ni Alex sa sarili.



ITUTULOY...


Just vote and comment if you like this chapter. Thank you so much. :))


love...love...love...

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon