Kabanata 6

171 5 0
                                    



Hinanap ni Alex si Tanya at ipinagtanong tanong kung kani-kanino ngunit hindi nya agad ito nakita.


Sa kanyang pagka depressed natutong muling uminom at muling magbarkada si Alex. Alak, sugal at babae na kung sino ang mau gusto, gusto na din nya.


Isang gabi habang pauwi ng bahay si Alex na lasing na lasing biglang may mga lalaking humarang sa kanya.


"Pare ang kay Juan kay Juan hindi pwedeng pakialaman ni Pedro." Yan ang salitang binitawan ng lalaki kay Alex at agad nilapitan ng mga ito si Alex saka pinagtulungang bugbugin.


Hanggang ihinampas ng mga ito ang mukha ni Alex sa salamin ng isang sasakyang naroon. Nabasag ang salamin ng kotse na naging dahilan para magasgasan ang loob ng mga mata ni Alex at hindi na nya alam ang mga sumusunod na pangyayari.


Sa ospital na nagkamalay si Alex ngunit walang makita ito na kahit ano, dilim lang ang kanyang nakikita.


Sa boses ng mga taong nagsasalita nabatid ni Alex na ang kanyang mama at mga kapatid ang kasama nya sa kwartong kanyang kinalalagyan. 


Umiiyak ang kanyang mama sa habag na nararamdaman para kay Alex. Ng magsalita ang kanyang kuya.


"Sino ang may gawa sayo nyan?" Ang tanong nito kay Alex ng makitang kumikilos na sya.

"Hindi ko alam kuya, hindi ko sila kilala." Ang tugon ni Alex sa kanyang kuya.

"May mga nakakita sa pangyayari at maaari silang tumestigo at ituro kung sino ang gumawa nyan sayo, may kausap na din ako sa media at ilalagay nila sa pahayagan ang nangyari sayo para madaling mahuli ang mga taong gumawa nyan." Ang dagdag na wika pa ni Andrew na panganay na kapatid ni Alex.

"Bakit hindi ako makakita?" Ang tanong ni Alex sa kanyang kuya.

"Sabi ng doktor sa mata na tumingin sayo nagasgasan daw ng bubog ang mga mata mo, pero hindi naman sya nadamage talaga may pag asa ka pang makakita kung may mag dodonate sayo ng mga mata pero sa ngayon wala pa silang available donor kaya hindi ka pa nila maooperahan." Ang sabi ng kanyang kuya.


Agad natahimik si Alex, gusto na naman nyang manlumo at magsisi sa panibagong pagsubok na hinaharap nya ngayon.


"Kung hindi dahil sa mga nagawa kong pagkakamali sa buhay ko marahil hindi ako magkakaganito ngayon." Ang sabi ni Alex sa sarili na mabigat na mabigat ang kalooban.


Makaraan ang ilang linggo nahuli ang mga taong gumawa kay Alex ng kalapastangang iyon, ngunit kailangan pa ng mahabang proseso para mapatunayan na sila nga ang mga suspek kahit pa may mga tumestigo. Sadyang mabagal ang hustisya sa Pilipinas.


Ngunit isang magandang balita din naman ang natanggap ni Alex mula sa kanyang kuya.


"Alex, may eye donor ka na." Ang masayang balita nito.

"Talaga kuya? Salamat sa Diyos." Ang wika ni Alex.

"Oo may isang pasyenteng malubha na ang sakit at willing syang idonate ang kanyang mga mata sa kung sino man ang nangangailangan." Ang turan ng kanyang kuya ngunit biglang lumungkot ang anyo nito na hindi naman alintana ni Alex dahil hindi nga sya makakita.

"Kung iisipin parang hindi kapani-paniwala ang mga nangyayari." Sabay buntong hininga ng kanyang kuya.

"Sched ka na ng operation as soon as possible wait lang natin ang tawag ni doc." Ang huling salita ng kanyang kuya bago ito tumalikod sa kanya.


Umusal naman si Alex ng panalangin sa Diyos para sa kanyang pasasalamat ng mga oras na yun at muling nabuo ang kanyang hangarin na hanapin si Tanya sa oras na makakita na syang muli.


Isang linggo ang lumipas at isinagawa na ang kanyang operasyon na naging matagumpay naman.


Kinailangan lamang nyang patuyuin at pagalingin ng isa pang linggo ang sugat sa kanyang mga mata bago tinanggal ng doktor ang kanyang benda sa mga mata.


Sa isinagawang operasyon muling nakasilay ng liwanag si Alex.


Ilang araw pa ang kanyang inilagi sa hospital bago sya pinayagang makalabas na, ngunit bago nya tuluyang lisanin ang hospital na kanyang kinaroroonan biglang itinanong ni Alex kay Andrew kung sino ang donor ng kanyang mga mata.


"Kuya kanino galing ang aking mga mata? Maari ko bang makilala ang mga kamag anak ng aking donor para makapag pasalamat sa kanila?" Ang tanong ni Alex sa kanyang kuya.


Bigla ang pananahimik ni Andrew hindi alam kung ano ang kanyang sasabihin sa tanong na iyon ni Alex.




ITUTULOY...


Just vote and comment if you like this chapter. Thank you so much. :))


love...love...love...

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon