Simula

1 0 0
                                    

Kae's POV

It's morning and monday. Gosh, I hate mondays. Its the second week since nung simula ng pasukan.

I opened my eyes and reached out for my phone to chat my boyfriend.

Ako:

Good morning babe! Gising kana, I love you!

*seen* *typing*

Alberto:

Good morning din babe! I love you too! :(

Ako:

Why're you sad? Di parin ba sigurado kung sa Marian's School ka mag-aaral?

Alberto:

Hindi parin babe eh, ang gulo kasi nila mama.

And so, our conversation tungkol sa pag pasok nya ba or hindi sa school namen continued until sa pag pasok ko sa school. I said bye and be back and ilys to him kasi, ugh, bawal mag phone sa loob ng campus, like ugh?

My day starts with that, at pagkapasok ko sa school flag ceremony after non akyat na sa sari-sariling classroom.

"Uy!" Bati ko sa mga kaibigan ko na sina Chrysler at Miguel.

"Nasasad parin ako wala na si Sheena!! Namimiss ko na siya eh!" I faked a cry after ko sabihin yan and ugh tinawanan lang ako ng mga kaibigan ko, psh.

The day went on and on, lectures and lessons.. hmmm sakit na agad sa ulo jusko second week palang! Hays.

"Ano Kae, ano na balita kay Alberto? Makakapasok pa ba siya dito?" Our teacher asked me after ng lesson nya, favorite nya kasi si Alberto kasi matalino. Alberto is our top one for the past years and he really is smart. Compare sa akin na girlfriend nya, standard lang. Lol.

"Sir, sabi nya po papasok na siya pero bigla nagbago isip ng mama nya. Hindi po ako sigurado sir." Sagot ko sa tanong nya then he said "Okay" after that.

When the second bell rang, means its already dismissal. Sabay sabay na kami nila Chrysler, Miguel at iba pang friends namen na lumabas ng school. Me, Miguel and Chrysler part ways after saying goodbye's. Kami ni Miguel ay parehas ng dadaanan, while si Chrysler naman kasabay yung ibang classmates namin.

Nang mahawakan uli ang aking cellphone, nakita ko na ang chat ng aking boyfriend.

Alberto:

Babe, sorry. Hindi na ata talaga ako sa MS makakapasok. Inenroll na ako ni mama sa school nila ate.

Ako:

Hala babe :( hays. Okay lang babe, naiintindihan ko naman.

Habang naglalakad pauwi yun lang ang ginagawa ko, ang kausap sa cellphone ang boyfriend ko at pinaguusapan ang tungkol sa paglipat ng school.

Sinasabi ko din kay Miguel ang pinaguusapan namin ni Alberto dahil magkakaibigan naman kami.

"Sige man, una na ako." Nauna na si Miguel dahil sa mas mauuna siyang liliko papunta sa bahay nila kesa sakin.

"Sige man, ingat." Sabi ko nang makaliko siya. Naglakad nalang ako hanggang sa makauwi.

Nang makauwi sa bahay ay nadatnan ko si mama nakaupo sa harap ng kanyang laptop na nagttrabaho, at si Zack naman na nakababata kong kapatid na naglalaro ng kanyang mga laruan. Sinabi ko lang kay mama na nakauwi na ako at dumeretso na sa kuwarto ko.

Nalulungkot parin ako na wala na nga si Sheena dahil lumipat na ng ibang school, pati ba naman ang boyfriend ko lilipat nadin. Humiga nalang ako sa kama at chinat sina Alberto.

Nag-usap lang kami tungkol parin sa paglipat nya na sobrang nalulungkot ako dahil ibig-sabihin non ay magiging LDR kami. Hays.

Lumipas ang gabi, tapos na ko kumain at mag imis ng pinagkainan. Wala naman kaming katulong kaya ako na minsan ang naglilinis, minsan ang kapatid ko.

Ako:

Babe, tulog na ako :( Good night, I love you

Pinatay ko na ang cellphone ko at hindi na hinintay pa ang reply ng aking boyfriend. Nalulungkot lang ako.

Kinaumagahan, matamlay akong bumangon sa kama ko at nag handa na sa pag ligo. Pag tapos ko maligo tsaka ko lang naalala ang aking cellphone. Pag bukas ko agad kong nakita ang mga iniwan na message ng aking boyfriend.

Alberto:

Good night babe. Sorry talaga. I love you too.

Alberto:

Sorry talaga, kung ako lang ang makakapag desisyon pipiliin kong sa MS parin mag aral.

Puro sorry at I love you ang laman ng message niya. I understand him, mama na nya ang nagdesisyon at wala siyang magagawa tungkol doon. Nakakalungkot man isipin pero kelangan tanggapin.

Ako:

Good morning babe. Okay lang, nasad lang ako pero okay lang! Promise babe kakayanin natin to. I love you! Papasok na muna ako, ingat ka ngayong araw!

Pumasok na ko sa school pagtapos ko isend yung message ko sakanya. Malungkot akong pumasok sa school at alam kong nahalata ng mga kaibigan ko yon.

"Bakit ganyan itsura mo bes?" Tanong ni Faith nang napansin akong matamlay.

"Hindi na dito mag-aaral si Alberto eh." Mas lalo akong nalungkot pagkasabi ko non. Cinomfort ako nila Faith at sinabing magiging okay din yan at sinabihan ako ng "Stay strong" pero alam ko namang mga bitter to sa pag-ibig, lol. Nagpasalamat nalang ako at nagpatuloy nalang sa kung anong pinapagawa ng teacher sa harap.

Katabi ko ngayon si Chrysler at naguusap kami sa mga bagay na walang ka kwenta kwenta pero nakakapagpagaan ng loob ko. Sinabi ko din sakanya ang tungkol sa paglipat ni Alberto. Cinomfort niya din ako tulad ng ginawa nila Faith sinabi na magiging okay din ang lahat.

Dumaan ang mga araw, madalas na kami mag away ni Alberto dahil sa stress siya sa bagong school at malapit nadin ang first monthly exam namin. Nahihirapan na kami at dumadating na kami sa punto ng hiwalayan. Dahil sa madalas naming pag aaway ni Alberto hindi ako nakakapagfocus sa pag-aaral kaya nang makauwi ako sa sobrang wala ko sa mood chinat ko siya.

Ako:

"Di ako makapag aral, ayoko na talaga mag review."

Alberto:

"Edi wag ka mag-aral, hindi naman ako yung mahihirapan eh"

Pagtapos niyang isend ang message sakin na yan, agaran nya akong binlock.

Ilang oras ang makalipas, gabi na at malapit na mag 9pm hindi parin ako inuunblock ni Alberto kaya ang ginawa ko kinausap ko ang kapatid nya. Sinabi ko na maguusap lang kami saglit at iunblock ako. Nagpasalamat ako pag tapos non.

Alberto:

Mag break nalang tayo, tutal yun naman ang gusto mo mangyari diba. Pagod na din ako.

Umiyak na ako pagkabasa ko ng sinabi niya.

Ako:

Pero pwede pa naman nating ayusin to ah? Sabi mo kaya natin to, kakayanin sabi mo. Sabi mo hindi mo ko iiwan.

Alberto:

Pero pagod na ako, pagod na ako dito sa bahay, sa paaral pati sayo. Pagod na pagod na ako. Kaya please, tigil na natin to. Wag mo na din pakiusapan ang kapatid ko.

Pagkatapos niyang isend ang mensaheng yan ay binlock na nya uli ako. Ang sakit. Ang sakit na ang hirap. Hindi ko na kaya. Hiling ko sa Panginoon na kunin na ang buhay ko. Hindi matigil ang pagluha ng aking mata. Pakiramdam ko magkakalagnat ako sa sobrang pag iyak. Nanghihina na ako pero hindi parin ako tumigil sa pag iyak.

"Sabi mo mahal mo ako.. Sabi mo hindi mo ako iiwanan. Sabi mo.." Halos mag mura na ako sa sobrang sakit, sinuntok at hinampas ko na din ang dibdib ko ngunit wala, namamanhid na ako sa sobrang sakit. Mahal na mahal ko si Alberto. Bakit kelangan pa mauwi sa ganto? Bakit kelangan maghiwalay kung kaya pa naman isalba? Bakit hindi muna sinubukan bago sukuan? Nakakainis. Ang sakit sakit. Akala ko ba kahit ang mundo ang maghiwalay satin hindi tayo magpapatalo? Bakit heto tayo? Talo at walang kalaban laban, napunta nalang sa hiwalayan. Ang sakit, ayoko na.

Memories in A Book Where stories live. Discover now