Mahal, bakit bigla nalang lumisan?
Wala ka manlang senyales ng pagpapaalam
Mahal, bakit bigla nalang lumisan?
Wala ka manlang senyales ng pagpapaalam
Mahal, napagod ka na ba sa paulit-ulit na alitan?
Sa mga away na walang katapusan,
paulit-ulit ring nasususlosyonan
Ngunit pauit-ulit rin ang dahilan ng sigawanMahal sumuko ka na ba ng tuluyan?
Gusto kong malaman ang dahilan ng iyong paglisan
Mahal, titiisin ko kahit pa ako ay masaktanPatawarin mo sana ako sa aking mga nagawa
Na hindi kaaya-aya, ginawa ko naman ang lahat
Ngunit wala ring nangyari dahil huli na pala ang lahat
Huli na ang lahat para sa pagmamahalang iningatanIningatan ng ilang taon, subalit dito din pala hahantong, hindi inaasahan na aabot dito sa huli nating hantungan sa
lugar na hindi inaasahang puntahan ng ating relasyon, ngunit lahat may katapusan kaya ngayon malaya ka na aking mahal...Pasensiya na dahil mahal pa kita kahit alam kong ikaw hindi na,
Pasensiya na dahil, Mahal, hinihintay pa rin kita
kahit alam kong malayo ka na at
wala nang tsansang magkakabalikan pa.Pasensiya na, hanggang dito nalang
Ako ay tatalikod na, tatalikod na
Sa mga pinagsamahang dating masasaya
Ngunit ngayo'y halos kalimutan mo na.Lilimutin na ang dadamin at
Sa huling pagkakataon sasabihin ko ang mga katagang sinabi mo
Noong lumapit ka dati at bumulong sakin
"Mahal kita" pero may kasunod na,
Paalam na.
————
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Kae
PoetryHi hello! Dito ko ilalagay yung mga nagawa kong tula tuwing nalulungkot or may basta pinaghuhugutan ako. Sana magustuhan niyo!! Thank you ✨💫