Her POV
Bwisit!
Nakakaasar lang! Maglalakad na nga lang yung lalaki, mababangga niya pa ako ng milkshake niya! Wala naman akong nadaanan na itim na pusa kanina nung papunta ako dito para malasin ako ngayong araw.
Ang lagkit pa nung natapon tapos hindi man lang ako binilhan ng bagong damit!
That guy!
Dire-diretso lang akong naglalakad papunta sa isang restroom ng mall habang pinapagpagan ang damit ko.
''Excuse me'' sabi ko.
Asar! Asaan ba yung restroom?!
Nagescalator na ako ng ilang beses wala akong makitang sign. Where art thou restroom? Anong oras na-
''Aray!'' ang ilong ko! Jusko!
Ano bang problema nitong lalaking ito? Hihinto pa talaga sa harap ko!
''Haler! Bakit ka ba humihinto sa harapan ko?'' mataray kong sabi.
Humarap ang lalaki at oh my golly wow! Makalaglag panty ang lolo niyo infairness!
Ngumiti ako ng makalaglag panty rin sa kanya pero nakatanggap ako ng isang matalim ng tingin.
''Miss. Are you following me?''
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ganern?! Aso ba ako para sundan siya at master ko siya? No way Huawei! Tinaasan ko siya ng kilay at nagsalita.
''Taray mo koya! Kapal ng fez nitech. HINDI EH'' sabi ko at nilagpasan siya.
Lumiko pa ako ng mga ilang beses sa kung saang parte ng mall at BOOM! Restroom my loves!
Pagkatapos kong hubarin ang t-shirt ko, kaya nakatank top na lang ako, lumabas na ako ng restroom at nakaharap ulit si kuya.
Nakasandal siya sa pader habang pinaglalaruan ang kanyang mga labi. Kulang na lang umuulan eh para may drama effect pero sino bang linoloko ko? Ang hot hihihi.
Naglakad na ako at nilagpasan siya, baka sabihin niya nanaman na sinusundan ko siya. Asa siya ah! Hindi ako nabuhay para lang sundan ang isang lalaki! K. Ang drama. Ano bang pinaglalaban ko?!
Pumunta muna ako sa National Book Store para bumili ng mga bagong librong babasahin tapos dumiretso na ako sa isang cafe para magbasa.
Pagkaupo ko sa isang vacant seat ay napansin kong may nakatayo sa likod ng kaharap kong upuan. Inangat ko ang tingin ko at nakita si kuya.
Aba! Bakit siya nandito?
''Mister, are you following me?'' ginaya ko ang annoyed tone niya kagaya nung tinanog niya rin ako kanina.
''Taray mo ate. Kapal ng fez nitech. OO EH'' tinaasan ko lang siya ng kilay at mabilis na yumuko.
Jusko! Baka mapansin niyang pumula mga pisngi ko. Umirap na lang ako sa kawalan at binuklat ang una kong babasahin at uminom sa frappe ko.
Umupo siya sa kaharap kong upuan at inilapag ang tray niya. Grabe. Lakas rin ng loob neto eh no! Siya yung may ganang magalit kanina tapos ngayon bubuntot-buntot siya!
Tiningnan ko siya at nakitang nakatitig siya sa akin habang kinakagat ang donut niya. Pwede ba! Huwag mo nga akong titigan! Naman ihhhhhhhhhhhhhhh! :''>
Binaba niya ang donut at niextend ang kamay niya tapos nagpakilala siya.
''Miss, I'm Davin and I'm wiling to follow you until God knows how long''
WALA NG PATUMPIK-TUMPIK PA! SAYO NA MISMO LUMALAPIT ANG GRASYA! GORABELLS NA! KUNIN NA ANG OPORTUNIDAD!
''Mister, I'm Nigella and I'm more willing to be followed God knows how long''
________________________________________
THIS IS PURE FICTION.
Naisip ko lang ito nung kakatapos ko sa piano lessons ko. Hahahaha! May lalaki kasing nasa harap ko tapos nakaear phones siya tapos tiningnan niya ako na parang ''Miss, sinusundan mo ba ako?'' hahahahaha! At oo mga kababayan, ANG GWAPO.