"There are two things in life you must put in your mind: Don't make any promises when you are happy, and don't make any decisions when you are mad"
Maraming maidudulot ang pangako, minsan masaya dahil natupad at minsan naman masakit kasi naging bato pa.
At isa pa
Isa akong nangangako sa mahal ko na naging dahilan kung bakit nasasaktan siya ngayon.
Its been a year since the last time I saw her. 'Di ko akalain na makikita ko ulit siya ngayon pero iba na ang pakikitungo niya sa'kin.
Malamig
'Yan ang unang napansin ko sa kanya ngayon, ibang iba siya sa Windy na nakilala ko noon. Sino bang hindi magagalit dahil lang sa pinaasa ka lang. Totoo nga ang sabi nila; Pain can change you a lot.
Napangiti na lang ako ng mapait.
Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko na hindi man lang niya ako tinignan pero hindi mawawala ang tingin ko sa kanya at wala akong balak pagsawaan ito. I missed her.
"Kumusta?" Nakangiti kong sambit sa kanya pero agad itong napawi nang may nakita akong sigarilyo at sinisindi niya ito ngayon at binubuga ito sa kawalan. Aangal sana ako pero hindi niya lang man ito susundin. Tsk! Sino pa naman ako sa buhay niya?
"Ok lang naman ako ngayon. Pero sa palagay ko ngayon ikaw pa yung mas better at ito ako ngayon na hanggang ngayon dala dala ko parin ang sakit." Nakangiti siya pero ang ngiti yung puro sakit lang ang makikita.
Napatungo na lang ako at dahan dahang bumagsak ang mga luha sa katotohanang nasasaktan ang mahal ko.
"Sa totoo lang hi-" hindi natuloy ang sinabi ko dahil sa nakikita kong tuluyan nang bumagsak na ang luha niya habang napailing ito. At sobrang sakit lang na umiyak ang mahal mo dahil sayo. Ito ang unang nakikita ko siyang umiyak sa harapan ko na nasasaktan.
We have known each other since we were kids. Kilalang kilala ko na siya isa siyang masayahin, mapagmahal at matapang. Kahit sa problema ngitian lang niya ito para bang sa isang ngiti niya lang aayos agad.
Pero heto siya ngayon umiiyak dahil sa kagagawan ko, alam ko hindi na niya gustong paniwalaan ang sasabihin ko kahit kailan.
"Bakit? Bakit mo'ko iniwan? Saan na ang pangako mo?! Oo, aaminin ko na hanggang ngayon mahal parin kita!" Napayakap siya sa sariling tuhod niya at humihikbi.
"Pinaasa mo lang pala ako sa mga pangako mong hindi mo'ko iiwan"
"Hindi totoo 'yan, nandito pa rin ako sa tabi mo na hanggang ngayon na mahal parin kita."
"Bakit?" Sambit niya
"Windy, ma-" aakma sana siyang tumayo pero agad ko namang hinawakan ang pisngi niya. Napapikit siya sa ginawa kong paghaplos sa kanya.
"I still loved you Nikko" she whisper
"Mahal na mahal parin kita Windy at hindi 'yun magbabago"
Napatungo siya at dahan dahang niyang hinahaplos ang lapida ko.
Nga pala, before I forgot. 2 years ago simulang nawala ako sa mundong ito, dahil sa aksidenteng nangyari na sisipot sana ako sa date namin at 'dun ko sana tutuparin ang pangako ko na hinding hindi ko na siya pakawalan at iiwan pa dahil mananatili ako sa kanya habang buhay pero ito talaga si Lord excited akong kunin kaya pinaasa ko lamang siya.
At dahil dun sa pangako ko nasasaktan ang mahal ko.
"Im very sorry Windy to feel you this and Im sorry na hindi ko man Iang tinupad ang pangako ko sayo. I missed you and I love you always. Sana patawarin mo'ko"
Pero hanggang dito lang talaga ako, na kahit kailan hinding hindi na niya ako maririnig pa.
The end