Maaga akong pumasok ngayon,and nandito nadin naman yung tatlo,it's already 7:00 at may kalahati pa kaming oras bago magsimula yung first period namin.
"Uy,Jayciel kamusta si Mr.Hearthrob mo?Hahaha"natatawang tanong ni Rosielyn.
"Ahm.Ayun nakakaasar kasi diba nga kasi ng una sinabi niya na dinelete niya na daw tapos biglang nagchat ka sa akin na inaaccept ka na .Ano ko gagawin niya pang tanga.Pero nakakakilig."sabi ko naman.
"Nako,itong dalawang lovers naman na ito oh,umagang-umaga eh gumaganon."sabi ni Maureen.
"Kailan na ulit yung end ng deal na iyan.?"tanong ni Camille.
"Sa October 28 Hahaha"sabi ni Rosielyn.
"Kita niyo di kayo makakaabot dun,tiyak may masasaktan at masasaktan diyan e."sabi pa ni Camille .
"Nako ,kaibigan ba talaga namin kayo,dapat icheer niyo nalang kami."sabi pa ni Rosielyn,natawa tuloy ako.
"E,ano ba gusto mong kaibigan yung MALA-REXONA?HAHAHAHA."napatingin naman kami kay Camille ,ng may parang invisible question mark sa tuktok ng ulo namin.
"Rexona..THEY WON'T LET YOU DOWN.HAHA"natatawa pa na sabi nito,maya -maya sabay sabay kaming tumawa ng magets namin yung sinabi niya.
"Haha.Baliw ka talaga Camille "natatawang sabi pa din ni Maureen.
"Oo nga,kung ano-ano nalalaman."tawa din ni Rosielyn,tapos after a minutes dumating ng yung teacher namin,and tinuro yung new lesson namin.
Second Period..Ayz ,reporting nga pala kami sa subject na ito,which is a power point representation.
"Okay,Good Morning Class"sabi ng teacher namin,at inilabas na yung laptop niya.
"Bakit ayaw?wala ba kayong kuryente?"tanong pa nito.
"Ayy di pa po nagagawa yung sacket diyan,Ma'am kaya di po gumagana."sagot ng isa namin na kaklase.
"Okay,wait lang,babalik ako."sabi ng teacher namin at lumabas na ito.
"Sus,Ano ba iyan ang bilis lumabas ni Ma'am ng classroom,sayang."sabi ni Camille
"Ano ang sayang duon?"tanong ni Maureen.
"E,kasi nasa point ako ng buhay ko na kapag may aalis pagbubuksan ko ng pinto."sabi pa nito.
"Hayys nako,baliw."sabi ni Maureen at natawa na naman kami,ilang sandali lang ay dumating na ulit yung teacher namin.
"Bring your bags ,duon tayo sa C section."sabi nito at lumabas na ulit.
Bigla naman akong nataranta ,kasi paglingon ko sa likod anduon na yung mga C section ,kasi nga diba magpapalit ng room.
Yung bilis ng tibok ng puso ko,bigla na naman nabuhay ,yung kilig at lipbite ko present na naman.Agad kong kinuha yung bag ko at medyo itinabing yung buhok ko.Si Rosielyn nauna na ata sa labas.Haha.Si Maureen nalang ang kasunod ko ngayon,which is nakangisi pa.
Ng makalabas na ako sa room namin para akong nabunutan ng tinik,syempre paano kung makilala niya ako,tas may conversation nadin kami.Whaaaaaa.Kahiya noh.Hindi ko pa naman alam kung nasaan banda siya,e kung pagharap ko sa isang side andun pala siya,edi namatay ako sa kilig ng hindi oras .haha.
Pagtapat ko dun sa bandang likod ng classroom namin dito sa labas,napahinto ako sandali ng hindi ko alam.
Dub dub dub dub dub dub...
Kyaaaaah.Nakikita ko si Mr.Hearthrob,likod lang yun ,pero alam ko na siya yun.Hahaha.Parang ayaw pa nga umalis ng mga paa ko dun e hanggang sa mapalingon siya.Pero as if naman na mangyayari yun diba?Ayon hinabol ko na kung nasaan yung tatlo.
BINABASA MO ANG
Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)
Ficção Adolescente"Never force something or someone just let it be,if it's meant to be it will be"all of a sudden iyan ang kataga na itinatak ko sa puso't isipan ko,pero di ko akalaing maglalaho simula ng makilala ko siya,when I start to dream a Mr.Hearthrob like him...