May isang babae na nangangalang Nymphea na kahit kailan ay di pumasok sa utak niya ang lovelife na yan sapagkat puro pag-aaral lang ang inaatupag. Lagi niya gustong maging proud sa kanya ang mga magulang niya lalo na ang ama niyang nasa langit na. Alagang-alaga siya ng kuya niya sapagkat ito na din ang tumatayong ama nito. Hindi niya masyadong sineseryoso ang pag-ibig na yan pero lahat ng iyon ay tila nalimutan na lamang ng isang iglap dahil nakilala ang isang masungit at sutil na lalaking mababago ang buhay niya.
Sutil, masungit at sabihin na nating spoiled brat itong si Ralph. Maaari mang hindi playboy pero minsan nakakaubos din ng pasensiya ang ugali nito. Madami mang nagkakandarapang babae dahil sa taglay na kagwapuhan ngunit ang iba ay mas piniling umiwas dahil hindi din naman sila papansinin. Pero sabi nila, lahat ng tao ay may kanya-kanyang storya kaya wala tayong karapatan na humusga. Hindi niya inaasahan na simula nung makilala niya ang isang anghel na dumating sa buhay niya ay tila nakahanap na siya ng pag-asang sumaya ang buhay at maranasang umibig pero hindi niya alam na may dala pa lang panganib ang pag-ibig niya dito.
Sa storyang ito ninyo sila makikilala. Samahan natin sila sa mga kilig, tawanan, iyakan, sungitan etc. pati ang ibang mga taong naging parte nito. Alamin ang simula, ang mga dahilan at ang katapusan.
Ano kaya ang matatanggap ni Nymphea? Gun? Rose? Or…Both?
---•---
Meet the characters:
Nymphea Kennedy Irvine
Ralph Mills Anson
Luella Claire Alderidge
Jayzer Renz Densmore
Austin Iñigo Salazar
Fenytte Olen Castillo
Nykholas Kent Irvine
Written by yours truly,
˚✧ TurquoiseGoddess ✧˚
(P. S. vote and comment is highly recommended for the sake of humanity. Thank you. Mwah! ♡)
BINABASA MO ANG
Guns 'N Roses (A Short Story)
Ficțiune adolescențiAng cycle ng buhay ko ay umiikot lamang sa studies, bestfriends, family tapos studies ulit, pero medyo bumaliko iyon nung dumating sa mundo ko ang isang masungit na guy. Will Mr. Sungit be my Prince Charming at the end while holding a rose? Or worst...