Chapter 2 ♡

30 1 0
                                    

Chapter 2
Beautiful

  
Umayghad! Tadhana na ba ito? Sign na ba ito na magkakalablayp na ako sa wakas? Isa na ba itong hudyat na hindi ako magiging matandang dalaga? Jowk! Ang landi ko WAHAHAHA Pero di ko talaga ineexpect, katabi ko siya.

Kaso kanina pa ako nabobored eh, ang tahimik kasi niya. Hanggang tingin lang kami tapos kahit nginingitian ko siya, iiwas siya ng tingin.

Ang sungit naman nito. Pasalamat siya at gwapo siya.

Buti pa yung iba naming classmates nag-uusap na sila, kami dito ngangabells. Yung professor kasi namin tulog. Sabi niya na mas maganda daw na ang gagawin ngayong first day ay makipagclose sa mga classmates para makilala namin sila ng lubusan. Eh paano naman ako? Ang tahimik nitong katabi ko.

Psh. Bahala na nga. Di na ako makapagtimpi.

"Hi!" Panimula ko at lumingon siya sa akin na kanina ay nakatitig lang sa bintana. "Ano pangalan mo?" At ngumiti ako.

Punyeta talk to me!

"Ralph." Sagot niya at bumalik ulit sa kakatitig sa bintana.

Ayy grabe ha? Sungit. May regla ka?

Bigla akong sumilip sa bintana kung saan siya nakatitig. Nakita ko naman ang gulat na reaksyon niya sa ginawa ko.

"What the hell are you doing?" Sabi nito pero di ko naman siya pinansin. Hinahanap ko kasi kung ano man ang nakakaagaw ng atensyon niya sa bintana.

"Hey!" Sabay pindot niya sa pisngi ko. Napalingon naman ako sa kanya at nakita yung pagmumukha niyang nagtataka.

"Anong sinisilip mo sa labas?" Tanong ko.

"Wala. I'm just bored." Sabi niya with his bored look. Bored nga diba kaya malamang bored din yung mukha. Duh!

"Eh kung pansinin mo kaya ako at mag-usap tayo para magkaclose tayo tulad nung sinabi ni Sir Andrade." Sabi ko sabay pout. Pacute mode amp.

"Okay." At sa wakas hinarap na niya ako. Inayos ko naman yung upo ko. Yes! Makakaclose ko na 'to.

Teka ano bang sasabihin ko?

Napansin kong parang hinihintay niyang magsalita ako habang nakatitig siya sa mga mata ko. Jusko. Ang awkward.

"Uhm... ugh..." Tanungin ko fullname niya?

Bigla na lang siyang napabuntong hininga. "Ralph Mills Anson. You?" At naglahad siya ng kamay pero wala pa ding ekspresyon ang mukha.

Ayy? Anson? Parang narinig ko na yun dati ahh.

"H-ha? Ano... Nymphea Kennedy Irvine." Ngumiti ako at nakipagshake hands sa kanya.

Grabe yung kamay ang lambot! Yung tipong ang sarap hawakan... habang naglalakad... sa beach...

AY TAKTE KA, NYMPHEA. Ayus-ayusin mo buhay mo at scholar ka pa man din, aral muna bago landi! Tsk tsk tsk

"Sorry nga pala kanina." Aniya habang naka-yuko sabay balik ulit ng tingin sa akin.

"Ahh. Okay lang." Sabi ko sabay ngumiti ng bahagya. Ang cute niya hehehe Nagsosorry pala si Mr. Sungit ehh, mabait din pala.

Katahimikan nanaman. Ang awkward talaga.

"So... Can we be friends?" Tanong ko para naman magkaroon na din ako ng kaclose sa mga classmates ko no.

"No thanks. Madami na akong friends." Sabi niya sabay balik nanaman sa bintana session niya.

"Luh? Ang sungit naman neto. Sige ka, kapag ganito ka sa university, tsk tsk tsk. No friends." Sabi ko at tumingin ulit siya sa akin.

"Tsss. Are you kidding?" Aniya sabay natawa ng bahagya.

shet! ANG GWAPO NIYA LALO!

Nako! Delicades ito. Baka magkagusto ako sayo. Paano na kinabukasan ko? Hays.

"Ehh bakit Mr. Sungit? Sino naman ang shunga na makikipagkaibigan sayo? Psh." Sabi ko sabay irap. Nakita ko namang natawa nanaman siya ng bahagya.

Taena tawa pa at baka ano... ano... WALA! Mabait ako no!

"Eh anong tawag sayo?" Sabi niya sabay tingin sa akin ng diretso sa mata. Aba? Asa men!

"Che! Friendly lang talaga ako no." Sabi ko sabay irap.

"Talaga? Friendly ka? Di halata sa mukha." At ayun, tumawa na lang siya. Sige, tawa pa.

Pero teka... MAY DIMPLES SIYA SHEMS! ANG CUTE!

Tumigil ka nga, Nymphea!

"Oh tignan mo. Napatawa na kita." Sabi ko sabay smirk.

"So? Ano problema mo dun?" Sabi niya at bumalik nanaman ang bored look niya.

"Wala lang. Sungit talaga ehh." Pangangasar ko.

"Tsss. Just shut up." Aniya at balik nanaman sa kakatingin sa bintana. Nag-eemote ata to ehh.

Muntimang lang kasi pabago-bago ng ugali. Kanina ang snob tapos pinagtatawanan pa ako, ngayon ang sungit nanaman.

Bipolar ata tong katabi ko ehh. Weirdo.

"Pogi sana, ang sungit naman. Tss." Bulong ko sa sarili ko.

"Maganda sana, ang kulit naman."

Napalingon ako sa kanya at nakita ko pang naka-ngiti siya habang naka-tingin sa bintana. Narinig kaya nito yung sinabi ko at nagsalita din?

Pero... Naka-ngiti siya sa harap ng bintana? Patay. Baliw na yata to. Nginingitian ang bintana imbes ako.

Hoy Kennedy! Malandi kang babae ka!

Wag mo kong matawag-tawag na Kennedy, konsensya at teka, sinong maganda ang sinasabi niya? Ako?

Ayy hindi. Yung bintana.

Ahh yung bintana WAHAHAHA Ang assumera ko masyado.

Taena ang malas ko talaga bilang konsensya ng babaeng ito. Bukod sa tanga, slow pa.

Guns 'N Roses (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon