Chapter 2

332 26 24
                                    

Sorry natagalan ang update. Medyo na busy. Hindi ko pa rin napopost ang trailer hanggang ngayon. Natapos ko na naman iyon. Huhu. Anyway, enjoy!

 HAPPY BIRTHDAY DEZZY! :* Dedicated to sayo. Enjoy! 14 ka na! :) 

_

Chapter 2

 

Dalawang araw na ang lumipas mula nung nahawakan ko ang kamay ng aking asawa. Sa buong buhay ko, hindi ko inakala na mangyayari pa ang isang eksena na kagaya no’n. Unexpected nga pero sobrang memorable naman. Kasalukuyan ko ngayong tinititigan ang kanang kamay ko habang nakaupo sa swing sa garden sa labas ng bahay namin. Dahan dahan kong inilagay ang aking palad sa aking pisngi at pumikit rin ako. Sa bawat paghinga ko, nakikita ko si Billy sa isipan ko.

“Ate Jaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaane!” bumalik ako sa katotohanan nang marinig ko na naman ag pagsigaw ng napakaepal kong kapatid, si Cesca. Siya lang talaga ang pumuputol sa lahat ng magagandang nangyayari sa akin tungkol kay Billy. Kaya nga isa talaga siyang dakilang epal. Lumingon ako sa may bintana malapit sa kwarto niya at nakita ko siyang nakadungaw. “Oh? Ano?” napataas na lang ako ng kilay.

“Ate Jane! Tawag ka ni mama!” sagot niya at agad na tumalikod. Bastos talaga ‘tong babaeng ‘to. Agad na rin akong naglakad papasok ng bahay. Habang naglalakad ako, naisip ko si mama. Kakadating niya lang siguro. Nasa likuran kasi ang garden namin kaya malamang hindi ko makikita kung may dumating na tao.

Isang doktor si mama. Minsan lang namin siyang makasama sa isang araw. Siguro sa ‘twing Sunday makakasama namin siya pero kung weekdays? Bihira lang. Nasa ospital siya buong araw at late na siyang nakakauwi pagdating ng gabi. Minsan, inuumaga rin siya kapag may mga emergencies sa ospital. Gaya ngayon, inumaga na siya ng uwi. Masasabi kong hindi naman kami masyadong close, siguro dahil kulang kami ng bonding moments ika nga. Pero sila ni Cesca at Lorraine? Close sila ni mama. Minsan din kasi, nakikita kong tumatawag si mama kay Cesca, hindi na lang ako umaangal kasi nararamdaman ko namang mas pinahahalagahan niya si Cesca kesa sa akin. Tanggap ko na rin ‘yon. Minsan nga naiisip ko na baka ampon lang ako at hindi nila ako tunay na anak. Pero malayong mangyari ‘yon, sa itsura pa lang namin, ako ang may pinakamaraming resemblance kay mama, kasunod si Lorraine, panghuli si Cesca.

//

“Jane, anak kumusta ka na?” nakaupo si mama habang nagtitimpla naman ako ng kape para sa kanya. Sinulyapan ko lang siya saglit, “Okay lang ako.” tipid kong sagot. Pinagpatuloy ko na rin ang pagtimpla. Ito ang parati kong ginagawa sa’twing naabutan naming makauwi si mama. Ako ang nagtitimpla para sa kanya. Ayaw niya kasi ‘yung kape na gawa ng isang coffee maker. Gusto niya na ako daw ang gumawa. Ayaw niya rin ‘yung kape ng mga maids namin. Pihikan talaga si mama pagdating sa kape. Weird noh?

“Hmm, nag-away na naman kayo ni Cesca?” tanong pa ulit. Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang pangalan niya. Ewan ko, awtomatik akong naiinis kapag naaalala ko si Cesca. “Hindi naman ma,” ngumiti ako sabay abot sa kanya ang kape. Napaupo na rin ako sa harapan niya. “Mabuti naman.”

“Ah. Ikaw ma? Kumusta ka na?” siguro kung isiipin niyo, masyadong awkward ‘yung mga tanong namin. Kahit kasi sa iisang bahay lang kami nakatira, bihira kaming magkausap dahil hindi naman namin naabutan ang isa’t isa. Kaya kung may mga pagkakataon na kagaya nito, nagkukumustahan na rin kami. Para bang ngayon lang uli kami nagkita. “I’m fine. Always stressed with my work.” tumango na lang ako at kumuha ng isang pandesal na nakalagay sa paperbag. Wala na namang bago, iyan na lang parati ang sagot niya sa tanong ko.

The Long Lost Sister of Billy FernandezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon