CHPTR 10

71 0 0
                                    

Phia's POV

"SABIHIN NIYO NA KASI SA AKIN KUNG ANONG NANGYARI! NAGUGULUHAN NA AKO!" sigaw ko sa abot-makakaya ng boses ko.

"Phia, mas mabuti ng hindi mo malaman kung anong nangyari noon. Mas lalo ka lang na masasaktan." kalmadong sabi nung isang kagrupo nila.

"Hangga't hindi niyo sakin sinasabi kung ano yung nangyari kay Kerk, masasaktan at masasaktan ako dahil iisipin ko na AKO yung dahilan kung bakit yun nangyari kay Kerk. Ako yung dahilan kung bakit nagawa niya akong kalimutan ng ganun-ganun na lang." sabi ko pa at mas lalo pa akong humagulgol sa iyak.

"Phia. I'm so sorry." tapos biglang tumakbo si Hyrant.

"Teka, TOL!" tawag naman nitong lalaki.

"Nagmamakaawa ako, sabihin niyo na sakin. Please lang. Please." tapos tinakpan ko ng aking mga kamay yung mukha kong basang-basa na sa luha.

"Phia, hindi talaga pwede." Sabi niya.

"BAKIT?! BAKIT HINDI NIYO PWEDENG SABIHIN SA AKIN? HINDI BA AKO NAMAN ANG DAHILAN!"

"Phia, calm down."

"NO! PAANO AKO MAGKA-CALM DOWN DITO HAH?! SABIHIN MO NGA SA AKIN KUNG PAANO AKO MAGKA-CALM DOWN SA MGA NANGYAYARI NGAYON!"

"Whoa, whoa, Phia. Relax lang." bigla namang sambit ni Jags ng dumating siya.

"EWAN KO NGA SAINYO! KUNG HINDI NIYO KAYANG SABIHIN SAKIN, pwes, MAGKALIMUTAN NA LANG TAYONG LAHAT."

Heto na naman ako, tatakbo. Siguro ipinanganak ako para maging runner, hindi para maging singer.

Ang hilig ko naman takbuhan lahat eh.

"Phia." tawag ni Jags.

Hindi ako lumingon at hindi rin ako sumagot.

"Phia!" tawag niya ulit at narinig ko siyang tumakbo.

Tumakbo na rin ako.

Nanghihina na ako sa mga oras na ito ngunit pinilit ko pa rin tumakbo ng mabilis para hindi ako maabutan ni Jags. Pero sa bandang huli, naabutan niya pa rin ako.

"Teka lang Phia." sabi niya sabay hawak sa braso ko kaya napatigil ako.

"ANO?! MAY BALAK NA BA KAYONG SABIHIN SA AKIN ANG LAHAT NG NANGYARI, HAH?!" sigaw ko naman.

Nagsidatingan na din yung iba pang miyembro ng grupo nila at pinaligiran nila ako para hindi na ako makatakas.

"Phia, sa oras na malaman mo at ni Kerk kung anong nangyari, may mawawala sa grupo namin." sabi ni Krest.

"Eh ano naman ngayon kung may mawala sainyo?!" tanong ko namang pagalit.

"Kung may mawala sa amin? Magkakawatak-watak na ang grupong ito." sabi nung isang lalaking mukhang mahinhin.

"Tzz. Eh di buohin niyo ulit." sabi ko naman.

"It's not that simple Phia. Maaaring mawala din ang pagkakaibigan nung dalawa." sabi naman nung lalaking kanina ko pa kausap.

"Nung dalawa? Sinong dalawa?" tanong ko.

"Si Kerk at si Hyrant." sagot naman nung isa sa kanila.

"Si...si Kerk at si Ha...Hyrant? Bakit naman?"

"Silang dalawa ay nagsuntukan sa gitna ng kalye na malapit sainyo. Mabuti nga nandun ako nung mga oras na iyon dahil nagpapasundo sa akin si Kerk." sabi naman nung isa. "Saktong pagbaba ko sa kotse ay tsaka namang pagbagsak ni Kerk at na...na..."

"Na ano Freth?" biglang sulpot ng isang boses. Si Kerk. Nanlaki naman yung mga mata ng mga lalaki. "Sabihin mo kung anong nangyari sa akin kasi pati ako naguguluhan na din." sabi niya pa.

"Kasi ano. Ah..ano..." paputol-putol na pagsasalita ni Freth.

"Nabagok ang ulo mo sa shoulder ng daanan." sabi naman nung isa.

"Alam mo ba Kerk na si Phia ang dahilan ng pag-aaway niyo ni Hyrant? Si Phia yung pinag-aawayan niyong dalawa sa gitna ng daan. Akala nga namin buwan ang aabutin mo sa ospital kaso nagtagal ka lang dun ng ilang araw bago ka magkamalay. At nung mag-perform tayo sa eskwelahan nina Qwerty dati, ay nabighani ka sa kanya. Tinanong ka pa nga ni Jags kung ano na ang mangyayari sainyo ni Phia. Kaso tinanong mo sa amin kung sino si Phia at dun lang namin nalaman na may nawala sa memorya mo. Okay lang naman na kami yung nakalimutan mo eh. Kaso nakalimutan mo Kerk si Phia. Si Phyle Gia na mahal na mahal mo." kalmado namang sabi nung lalaking kanina ko pa sinisigawan.

Napanganga na lang ako sa kinatatayuan ko. Naghalo-halo na rin lahat ng nararamdaman ko.

"Bakit ngayon niyo lang ito sinabi sa akin?" nakayuko namang tanong ni Kerk na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Ayaw naming magkawatak-watak ang pagkakaibigang ito na ikaw at si Hyrant mismo ang bumuo." sabi naman nung isang kanina pa gustong magsalita.

"Pwes, ngayon, si Hyrant na lang ang bumuo ng pagkakaibigan na sinasabi niyo." sabi ni Kerk sabay tangkang aalis.

"Anong ibig mong sabihin?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Jags.

"Wala na ako sa grupo."

"UMAALIS KA SA GRUPO?! BAKIT?! DAHIL NA NAMAN BA SA AKIN, HAH?!" sigaw ko na naman.

"HINDI ITO DAHIL SA IYO PHIA! DAHIL ITO SA AKIN! NANGYAYARI ANG LAHAT NG ITO NG DAHIL LANG SA MGA NAWALA KONG MEMORYA. GUSTO KO MUNANG MAPAG-ISA! GUSTO KO MUNANG MAHANAP ANG MEMORYANG NAWALA SAKIN!" sigaw din ni Kerk ng humarap sakin.

"EDI HAYAAN MO KAMING TULUNGAN KANG HANAPIN AT IBALIK ANG MGA MEMORYANG NAWALA SAYO!"

"Hindi. Ayaw ko ng tulong niyo. Paalam." at tuluyan na nga siyang umalis sa mga harapan namin.

Naiwan kaming lahat doon ng nakatunganga. Ni hindi kami makagalaw sa mismong kinatatayuan namin.

Ano na nga ba ang gagawin namin pagkatapos ng lahat ng ito? Tuluyan na nga ba kaming magkakalimutan? Tuluyan na nga bang mawawala ang pagkakaibigan nina Kerk at magkakawatak-watak na sila?

hansi-themeY

He's a DANCER,She's a SINGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon