May mga bagay talagang kahit iwasan mo, mangyayari talaga sayo.. parang pagibig din kasi yan, kahit iwasan mong magmahal para di ka masaktan ay magmamahal at magmamahal ka pa rin.
kahit ilang beses mo pang sabihin sa sarili mo na dika na magmamahal ulit
may makikilala at makikilala kang taong magpapabago ng pananaw mo sa buhay
at sasabihin mong mahal mo siya at higit pa sa pagmamahal na naramdaman mo sa una!
chapter1
ako si angel..
isa akong pangkaraniwang babae lamang,
wala akong maipagmamalaki sa buhay,
pero may pangarap akong pinanghahawakan,
mula pagkabata namulat na ako sa kahirapan
pero masasabi kong hindi ito nagig mabigat sakin dahil napupounan ito ng kasiyahan,
kahit mahirap lang kami ay masaya naman ang pamilya namin, nakakaraos sa pang araw araw
8 kaming magkakapatid at ako ang panglima, sa ngayon tatlo na sa aming magkakapatid ang may asawa
marami narin akong mga pamangkin, dalawa pa kaming dalaga at dalawa namang binata,
kasalukuyan akong nag aaral sa kolihiyo sa isang pribadong paaralan,
sa tulong na rin ng aking malayong kamag-anak na sumusuporta sa pag-aaral ko kapalit ang pagtrabaho sa kanila
bilang isang taga pamahal ng kanilang mumunting negosyo,pero bago pa ako mapunta sa kanila, namuhay na ako ng magisa,
namulat na ang isip ko sa pagiging independent person,nakapagtrabaho na ako sa labas bilang service crew sa mga foofchain,
masaya naman,kaya lang narealize ko di parin ako kompleto, at kahit kelan di ako makukompleto dahil di ko magawa ang gustong gusto ko, yun na ngayun!!
ang gusto ko talaga ay makapag aral, makapagtapos sa kolihiyo,
at mapatunayan ko na kahit mahirap lang ako may mararating parin ako sa buhay... kaya ayun!! napunta ako kila auntie at uncle sam
na kasama naman ng dalawa ko pamgg kapatid, mas nakabuti diba! dati nung magisa ako pinuproblema ko pa ang lahat ng gastusi ko sa boarding house ko,
tubig,ilaw, renta, at pang kain ko,pinagkakasya ko lang ang sinasahod ko..pero masaya at malaya naman akong nagagawa ang lahat ng gustuhin ko!ngayon,
ibang-iba na..dahil bukod sa nakikitira na ako,
kailangan ko pang mag-ingat sa bawat kilos ko, nakakahiyang magkamali, nakakahiyang gumawa ng mali, nakakahiyang lumabas at mag gala,higit sa lahat bawal mag boyfriend..
malungkot dahil di ko nakasanayan ang ganito..
pero sa kabila nun
nakakaramdam din naman ako ng kasiyahan
dahil kasama ko naman ang dalawa kung kapatid at dalawa kong magagandang pamangkin.. pero may nagbago...
ng magsimula na kong pumasok sa kolihiyo at yun ay sa STI cubao.. masaya dun, nagkaroon ako ng maraming kaibigan, mas marami pa kesa dun sa trabaho ko,
ibat-ibang mukha, ibat-ibang paguugali.. okay dun.. pero habang padami ng padami ang kaibigan ko di ko naman inaasahan na magkakaroon ako ng mga taong hahangaan ako,
meron ng nagbibigay ng bulaklak ng chocolate,ng letter at meron pa ngang ngdrawing ng mukha ko..nakakatawa lang kasi di naman talga ako kagandahan, simple lang akong babae, maliit, pala kaibigan,