CHAPTER 2- The Lost Girl

14 0 0
                                    


Chapter Two: The Lost Girl

~••~

"WHERE to go Tali?" tanong ko sa sarili ko.

Naglalakad ako ngayon sa village namin kahit gabi na. Suot ko parin ang gown ko at naglalakad sa gitna ng daan dito sa village namin. Good thing at walang kahit sinong tao dito ngayon. Gabi na kasi. Masyadong keep safe ang mga tao rito kaya ganoon.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong ideya. Hindi ko kasi pwedeng puntahan kahit ang mga kaibigan o ibang kamag-anak namin. Baka malaman lang nina Mommy.

Bahala na siguro, ang importante, may matulugan ako ngayon at may pagpalit na damit. Hindi man lang kasi ako pinagdala ng gamit ng bruha kong pinsan. Mabuti nalang at nai-lock ko ang kwarto ko, kung hindi, siguradong papakialaman niya rin ang mga gamit ko.

Babeth-- Ate Babeth was a good person back when we were little. Siya na ang tinuturing kong kapatid, kasi pareho kaming only child at walang makalaro. Halos lahat ng bagay, sabay naming ginagawa. We were so happy and contented that time. Not until I left her. Not until I chose to study in America than to study with her in here. Nagbago lahat. She changed.

Akala ko nung nawala ako, naging malungkot siya. Akala ko, namimiss niya ako. Pero hindi pala, kasi nagpapakasaya siya kasama ang mga magulang ko, dahil nagkahiwalay ang mga magulang niya at nagkaanak ang nanay niya sa pangalawa nitong asawa. She was so happy even though I am not there. Alam ko lahat, kasi pinamukha niya lahat nung bumalik ako.

Pero bakit ko nga ba kinukwento? It was all bargained to the past. At doon nalang iyon. Kahit lahat ng pinagsamahan namin ni Babeth, hanggang sa past nalang.

Ang kailangan ko ngayong problemahin, ay kung saan ako pupunta ngayon.

Nahinto ang tingin ko sa isang truck na nakasiwang ng kaunti ang pinto ng likod nito. Kaagad akong tumakbo doon at dahan dahang pumasok. Napansin kong walang tao at wala rin ata iyong driver kaya pumasok na ako.

Pero sa pagpasok ko, iba ang nakita ko.

I saw a bed, a bedroom. A bedroom filled with galaxy theme. Sobrang realistic na tipong konti nalang nasa galaxy ka na talaga.

May mga asteroids, lightnings which resembles stars, at may kung ano ano pa na sobrang magmumukhang nasa outer space ka. Ang kaibahan, walang mga planeta.

Kung susuwertihin nga naman. May kwarto na, may magandang view pa!

Bahala na kung katayin ako ng may-ari nitong sasakyan, pero kailangan kong makapagtago at makatulog.

Nakielam narin ako ng damit sa closet niya at sinuot ang maluwag na star printed shirt at shorts.

Lalaki pala may-ari nito?

Kinakabahan man ako, bahala na.

Humiga ako sa kama at isinara ang nakasiwang na pinto.

Tiningnan ko ang kisame o bubong ng truck at napangiti.

"Happy birthday to you, Genesis Talitha." sabi ko at pumikit.



~••~

"NAKNGTOKWA'TBABOY!" Napabangon ako nang makarinig ng sigaw mula sa kung nasaan man ako.

Muntik pa akong mahulog sa kama nang mataranta ako sa pagbangon. Napakalakas ba naman ng sigaw, malay mo may sunog na pala o ano. Kinusot kusot ko ang mga mata ko at umunat.

"anong meron? May sunog ba?" tanong ko.

Tinaasan ako ng kilay ng lalaking nasa harapan ko. Gwapong lalaki.

"magkakasunog talaga kung hindi mo sasabihin kung sino ka at kung bakit nandito ka sa baby galaxy ko?" nakataas parin ang well formed kilay niya. Grabe, nag-aahit ba ng kilay ito? Sobrang ganda ng kilay, daig pa ako.

"so ano? tutulo nalang ang laway mo diyan at wala kang sasagutin ni isa sa mga tanong ko?" masungit na tanong niya kaya natauhan ako.

Oo nga pala! Naglayas------pinalayas pala ako ng gaga kong pinsan kaya napadpad ako sa galaxy! Este, sa truck.

Tiningnan ko ang lalaking nasa harapan ko.

Wala akong panahong i-describe siya ng detailed, kasi overall, mukha siyang si San-goku na nagiging super sayan na. Galit ang mukha niyang nakatingin saakin.

"At, maaari mo bang ipaliwanag bakit ka natulog dito at bakit mo suot iyang mga damit ko?"

Napatingin ako sa suot ko at napapikit.

Juicecolored! Anong gagawin ko ngayon?

"A-ah e-eh ahm, a-ano k-kasi"

Bumuntong hininga siya.

"anong pangalan mo?"

"Tali?" sabi ko.

He rolled his eyes. "Tali? Parang 'di ka sigurado. Tipong nakakita ka lang ng tali diyan at dinahilan mong pangalan mo. Ts." maarteng sabi niya.

Naku sayang, bakla pala.

"Hell, kung iniisip mong bakla ako. Cut the crap. Now sagutin mo ako."

Nanlaki ang mga mata ko."Nanligaw ka ba?"

"Hindi. Kasi ikaw ang naligaw." Bored na sagot niya.

Sumilip ako sa labas ng truck at parang nanibago sa lugar.

"shit! Nasaan tayo?" tanong ko.

"nasa loob ng truck."

"No! Anong lugar ito?" lumabas pa ako para tingnan ang lugar.

Parang nasa probinsiya kami. May kaunting bahay at may bahay na maliit na nasa tapat lang namin ang nakapalibot sa malaking espasyo ng bukirin.

"ako ang unang nagtanong." matigas na sabi niya.

Tumingin ako sakaniya."okay fine. I'll answer anything you'll ask, just do my favor."

"Aba sandali! Ikaw ang nakinabang ako pa pahihirapan mo?"

"okay then, I am not gonna tell you anything." sabi ko.

"ayst! Sige, ano bang favor mo?"

Napangisi ako at linapitan siya.


Lost In The Alien's GalaxyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon