FOLLOW ME ON TWITTER: @itsmedetchy
(c)copyrights|2014by: Badz21_detchy (BlackButterfly_05)
Note: Plagiarism is a Crime!
============================================================
"HULI SA AKTO"
(Liliane Domingo)
*Kriiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnng*
Oy hindi yan tunog ng alarm clock! Tunog yan ng----
"Oy Liliane! Nagbell na oh! Wala ka pa rin bang balak umuwi?" - Classmate 1
"Oo nga Liliane! Buong klase ka na nga natulog dahil sa katamaran mo magaral pati ba naman pag uwi katamaran parin ang pinapairal mo?!" - Classmate 2
"Grabe naman kayong dalawa! Ang sama ah! Kailangan bang ura-urada kapag uwian na?! Tatatakbo ba ang pinto? Huh? Huh?!"
Aba! Bwusitin nyo na ang lahat wag lang ang taong bitin ang tulog!
"Hmph! Ito naman ang shunget :3" - Classmate 2
"O sige na Liliane, una na kami! Bahala ka na sa buhay mo, bye!" -Classmate 1
"Ge bye" sabi ko sabay hikab.
"Byee~" sabi nila
At umalis na nga ang dalawang asungot. Sawakas! Naririndi ako sa dalawang yun e tsk! Hayst nakakainis naman ayoko pa naman sa lahat yung nabibitin ang tulog ko, nakakabadtrip, sobra!
Btw, I'm Liliane Domingo, 16 yrs. old at di na ako available dahil may fiance na ako at si fafa Nigel yun!
And speaking of him,Nigel. Alam ko na kung paano ko ibabalik ang mood ko! Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagsimula ng ayusin ang mga gamit ko. Medyo creepy nga e kasi madilim na sa labas, at ako na lang ang magisa dito sa room. Pero keri naman hindi naman ako matatakutin.
Napaisip ako, si Nigel kaya naka uwi na yun? Nakakains sana kasi section A na lang din ako at hindi B! Leche naman kasi, last year section A ako ang kaso dahil antukin ako kaya madalas akong nakakatulog sa klase, gaya ngayon. Kaya ayun baka daw madumihan ang image ng mga taga section A ng dahil saakin.
Diba grabe sila! Dapat nga matuwa sila dahil kahit lagi akong na tutulog sa klase matataas parin grades ko. And for you to know rank 7 ako over 100 kahit nasa section B ako, talo ko pa nga yung ibang mga taga Section A.
Pero nakakainis parin sana tamad na lang sya para sana ka section ko sya! Hayst! Bakit ba kasi ang sipag at ang talino nya? Tapos sporty at gwapo pa?! Yaan tuloy mas marami akong kaagaw sa kanya. Buti sana kung nasa tabi nya ako parati para bakuran sya huhu! Pero ayos lang, saakin parin naman ang bagsak nya, kekeke! I'll make sure of it. (⌒.− )
Ng matapos kong ayusin ang mga gamit ko lumabas na ako room at pinatay ko na ang switch ng mga ilaw at tuluyan ng lumabas ng classroom.
Uuwi na ako! Baka tuluyan na akong abutan ng dilim, maglalakad pa naman ako pauwi, saka balita ko may event kanina sa section nila fafa Nigel kaya for sure may mga new upload pictures sya!
Omygash! Makapagonline na nga mamaya! Yaaaah! Sa sobrang excitement at saya ko patalon talon at pakanta-kanta akong naglakad. Naweweirdan nga saakin yung mga nakakasalubong ko e.
BINABASA MO ANG
Huli Sa Akto (One shot )
Short StoryE | D | I | T | I | N | G Walang description. Basta ONE SHOT ok na yun! HAHAHA!