Tekstong Persweysib
Parehong kasarian, Pano ipaglalaban?
"Love has no gender." ika ng mga taong sumusuporta sa LGBT Community. Hindi daw hadlang ang kasarian sa dalwang pusong nagmamahalan. Lalaki man o babae, bakla man o tomboy, lahat tayo may karapatang magmahal at mahalin din. Pero pano? Pano mo ipaglalaban yung mahal mo, kung madaming humadlang sa inyo?
Ayon sa kumakalat na balita ngayon sa telebisyon, madaming bansa na ang pumayag na ipatupad ang same-sex marrige. Isa ito sa patunay na may mga tao na nakakaintindi na rumerespeto sa mga magkarelasyon na may parehong kasarian. Pero katulad nga sa mga istorya, hindi mawawalan ng kontrabida. Syempre yun yung mga taong may pinanghahawakan, mga taong bibliya ang batayan. Taliwas sila dahil sa paniniwalang lalaki at babae lang ang ginawa ng ating Maykapal. Lingid sa kanilang kaalaman na ang mga homosexual at bisexual ay tao rin na kailangan ng kalinga at pagmamahal.
Meron akong kaibigan na ang kwento sa akin ng kaniyang karanasan. Matagal na silang nagsasama ng kaniyang jowa sa isang apartment. Siya nga pala ay gay at ang kanyang kinakasama ay straight. Kada lalabas sila ng kanilang apartment o gagala man, marami silng naririnig tungkol sa ibang tao. Minsan nga naging dahilan pa ito para magkahiwalay sila. Pero dahil nga sa nanaig ang kanilang pagmamahalan... nagtagal sila. Kung ating mapapansin itong klase ng isyu na kinakaharap nila ay nangyayari pa rin sa ngayon. Lahat tayo nakakaranas ng diskriminasyon araw-araw. Dahil dito maaaring makapagpababa ito sa tingin ng tao sa kaniyang sarili, pati na rin sa kanyang karelasyon. Huwag nating ugaliing manghusga ng ating kapwa, bagkus matuto tayong umunawa at tumanggap ng katotohanan, katotohanang sila'y totoong nagmamahalan. Para sa mga kapwa ko na kabilang sa LGBT Community, lagi nating tatandaan na ang puso ang nagdidikta, hindi ang bibig nila. Walang masama sa pagiging ikaw. Patuloy lang tayong lumaban hangga't nasa tama tayo at wala tayong taong natatapakan.
Jerome "Ash Molina" Ibabao
HUMSS11 A
2017-2018
YOU ARE READING
Iba't Ibang Uri ng Teskto HUMSS11A DCBT
RandomTekstong Persweysib Tekstong Impormatib Tekstong Naratib Tekstong Deskriptib Tekstong Argumentatib Tekstong Prosidyural