Tekstong Impormatib
"Kapag sinusumpong ako ng depresyon, nawawala lahat. Pati ako parang gusto ko nang mawala, gusto ko nang mamatay, pero natatakot ako. Pakiramdam ko wala na akong halaga, na pabigat lang ako sa aking pamilya at mga kaibigan. Mapagmahal naman ako pero parang wala namang nagmamahal sa akin." Yan ang kalimitang mga linya ng mga taong nakakaranas ng depresyon.
Ang depresyon ay isang kundisyon kung saan ang mga bata at teen ay nalulungkot, nawawalan ng pag-asa, at hindi interesado sa pang-araw-araw na buhay. Ang depresyon ay maaari silang pigilan na gawin ang mga pang-araw-araw na aktibidad.
"ang pangunahing dahilan ng pagkakasakit at kapansanan sa mga lalaki't babae na edad 10 hanggang 19," ang sabi ng World Health Organization (WHO). Narito ang mga sintomas ng depresyon; (https://www.jw.org/tl/publikasyon/magasin/gumising-blg1-2017-pebrero/depresyon-kabataan-panlaban/)
Madalas na mairita, uminit ang ulo, magkaroon ng madalas na silakbo ng paninigaw o pagrereklamo, o padaskul-daskol na pagkilos; Sinisira ang mga bagay tulad ng mga bagay na pambahay o mga laruan; Nagsasabi ng mga bagay tulad ng, "I hate myself" o "I'm stupid"; Nawawalan ng interes sa mga bagay na dating gusto niya at kadalasang gustong mapag-isa; Makalimutan ang mga bagay at mahirapan sa pag-iisip nang malalim; Matulog nang matagal, mahirapang makatulog sa gabi, o magising sa gabi at hindi magawang makabalik sa pagtulog; Mawalan ng ganang kumain, maging mapili sa pagkain, o kumain ng mas marami kaysa sa karaniwan; Maging sobrang sensitibo sa pagtanggi o kabiguan; Ma-guilty nang walang dahilan o maniwala na wala siyang kuwenta; Saktan ang kanyang sarili, tulad ng pagkagat, paghampas, o paghiwa sa kanyang sarili; Pag-usapan ang tungkol sa kamatayan at pagpapakamatay, tulad ng pagsasabi ng, "I wish I was dead" (http://www.akoaypilipino.eu/gabay/gabay/gabay/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-depresyon-sa-mga-bata-at-teens.html)
Kung ito ay hindi maagapan maaari itong lumala o mauwi sa pagkamatay ng nakakaranas nito. Kailangan nating magkaraoon ng sapat na kaalaman ukol dito. Mahalaga ang buhay ng tao. Kung meron kayong kilala na nakakaranas ng depresyon, ngayon pa lang ay kausapin na. Hatakin ninyo sila mula sa dilim na nakapaligid sa kanila. Ipakita na sila ay mahalaga, makinig sa kanila at minsan ang isang yakap mula sa iyo ay sapat na.
Aubery Trixie Gacutan
HUMSS11 A
2017-2018
YOU ARE READING
Iba't Ibang Uri ng Teskto HUMSS11A DCBT
RandomTekstong Persweysib Tekstong Impormatib Tekstong Naratib Tekstong Deskriptib Tekstong Argumentatib Tekstong Prosidyural