Tekstong Naratib
"Tatanggapin ko" Ang salitang nagpagulat sa lahat ng tao sa quadrangle.
"Sinabi mo yan Ice. Baka naman hindi ka manalo at magsisi ka pa." Sabi naman ni Sky kay Ice.
Hinamon lang naman kasi ni Sky si Ice na magkarera sila (Takbo ). Para sa isang babae na pareho ilang mahal. Napagkasunduan nila ni Sky na kapag nanalo si Sky ay sa kanya mapupunta ang babae at isasama sa kanya sa ibang bansa. At di na muli babalik pang babalik sa Pilipinas. At kung si Ice naman ang manalo, sa kanya mapupunta ang babae at hindi na sila guguluhin ni Sky.
"Kaya mo yan Ice! Ipaglaban mo si Izzy!" Isip ni Ice. Tinanggap ni Ice ang hamon ni Sky dahil mahal na mahal nya talaga si Izzy ngunit may kaakibat na problema. Maari syang mamatay ano mang oras.
Sa kabilang dako. Alam ni Izzy na siya nag dahilan nang karera. Si Ice ang mahal niya. Nalaman niya na siya ang dahilan dahil sa mga pinapadala na sulat ni Sky sa kanya.
~~~
Sisimulan na nila ang karera. Ang kasunduan ay kasunduan.
"Kaya mo yan Ice" " Kaya mo yan Sky" Ang sigaw nang mga estudyanteng nanonod.
Sinimulan na nila ang karera. Ngayon ay nauuna si Sky.
"Sisiguraduhin kong hindi ka mananalo Ice!." Sabi ni Sky ngunit di siya pinansin ni Ice.
Mas binilisan ni Ice ang kanyang takbo at nang malapit na sa finish line, naunahan nya na si Sky. Tumingin si Ice sa kinaroroonan ni Izzy at ngumiti siya. Tuwang - tuwa si Izzy dahil nanalo si Ice. Hindi makapaniwala si Sky sa kanyang pagkatalo. Di niya matanggap na natalo siya nang isang mahinang tao na katulad ni Ice.
Tumakbo si Izzy papunta kay Ice at mabilis na niyakap nya ito nang mahigpit.
"Alam kong mananalo ka Ice." Sabi ni Izzy.
"Syempre para sayo Izzy" ani ni Ice.
Kinalas nila ang yakap. Biglang napahawak si Ice sa kanyang dibdib.
"Anong nangyayare Ice?" Tanong ni Izzy.
"Ayos lang ako Izzy. Wala lang to." Sagot ni Ice.
Umubo nang umubo si Ice at nakita ni Izzy na may dugo sa kamay nito. At bigla na lnag nahimatay si Ice.
"Ice! Ice! Tulong!" Sigaw ni Izzy.
~~~
Sa kasalukuyan, hindi mapigilan ni Izzy ang pag iyak habang tinitingnan ang nasa loob ng kabaong na si Ice. Sa huling pagkakataon nya na lng makikita ang makinis na mukha nito.
"Ice" Ang tanging nasambit ni Izzy. Tuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ni Izzy.
"Tahan na Izzy. Tahan na." Paghimas na lang ng likod ni Izzy ang nagawa ni Sky.
Lumapit ang nanay ni Ice kay Izzy.
"Bakit po?" Tanong ni Izzy.
"Anak, pinabibigay yan ni Ice." Abot nang papel kay Izzy.
Binuksan agad ni Izzy ang papel na may liham ni Ice para sa kanya.
Dear Izzy,
Mahal na mahal kita. Alam mong hindi kita iiwan. Pero siguro ngayon na nabasa mo to wala na ako sa tabi mo. May sakit kasi ako. May tumor ako. Patawad kung hindi ko sinabi sayo. Gusto ko sa mga araw na wala na ako sa tabi mo ay makahanap ka nang taong mamahalin ka. Mahal na mahal kita. Tatandaan mo yan. Miahne! Saranghae!
Nagmamahal,
Ice ♥
Lalong umagos ang mga luha ni Izzy. Hindi niya akalain na kayang magtago nang napakalaking sekreto ni Ice sa kanya.
-Makalipas ang isang taon-
Ngayon ay nasa harap ng puntod ni Ice si Izzy. Hinihimas himas nya ang puntod ni Ice at nanunumbalik ang mga alaala nya kasama si Ice. Hindi mapigilan ni Izzy na maiyak.
"Ice, alam mo ba hinding hindi kita kakalimutan. Ikaw ang naging buhay ko. Mahal na mahal kita. Saranghaeyo." Sabi ni Izzy na tila kinakausap ang puntod ni Ice.
Mas lalong umiyak si Izzy. Umupo sya sa puntod ni Ice at idinikit ang noo dito. Sa huling pagkakataon "Mahal na mahal kita. Antayin mo ako."
Sa kwento ito napatunayan na ang umibig ay di biro. Dahil nga mahal na mahal mo ang isang tao. Kaya mong gawin ang lahat. Kaya mong hamakin lahat. Mapunta lang siya sayo. Pati sariling buhay itatay mo. Wala ehh. Mahal mo kasi.
Aubery Trixie Gacutan
HUMSS11 A
2017-2018
YOU ARE READING
Iba't Ibang Uri ng Teskto HUMSS11A DCBT
RandomTekstong Persweysib Tekstong Impormatib Tekstong Naratib Tekstong Deskriptib Tekstong Argumentatib Tekstong Prosidyural