Tekstong Prosidyural

744 0 0
                                    


Tekstong Prosidyural

Tips sa 'PANLILIGAW'

"Uy pare, may nagugustuhan akong babae ngayon. Baka naman meron kang tips dyan sa panliligaw. Pers time ko kasi to." sabi ni Caloy sa kanyang bestfriend.

"Tama ka nang nilapitan Caloy. Wala man akong lovelife pero alam ko ang mga gagawin sa panliligaw. Oh eto isulat mo at makinig kang mabuti." tugon ni Kiko.

"Una sa lahat at hindi sa huli ang panliligaw sinisimulan sa sarili, kailangan mo maging presentable kung baga ssa ingles 'Groom – Up'. Sinong babae ba ang magkakagusto sa lalaking hindi maayos manamit?"

"Pangalawa yung pabango, sa parteng ito maraming sumasablay. Sa pagpili ng pabango dapat yung magugustuhan ng babae (sensitib ang kanilang pang-amoy) hindi yung dahil nabanguhan ka gagamitin mo na."

"Ang sunod naman ay kilalanin mo yung babaeng nililigawan mo. Ngayon, paano mo gagawin ito?. Makinig kang mabuti Caloy isa to pinakaimportanteng gagawin mo." sabi ni Kiko. At tumango lamang si Caloy.

"Para hindi mahalata na gusto mongmanligaw, unahin mong kaibiganin yung mga nakapaligid sa kanya (mga kaibigan). Hayaan mo muna na maging malapit ka sa kanila at sa parte ding ito ay sabayan mo na ng pagkuha ng mga impormasyon tungkol dun sa taong gusto mo (mga gusto at ayaw niya, mga paborito niya, at iba pa) Pero wag masyadong agrisibo, mag dahan-dahan lang."

"At dahil naitanong mo na kung sino siya, kasunod na niyan ang kaibiganin mo si ateng gurl pero wag masyadong malapit kasi ba mauwi lang sa pagkakaibigan ang tinatamo mong pag-ibig. Pagkatapos nito ay kailangan mo na ng damoves, gamitin mo na yung mga impormasyong nakalap mo. Samahan na ng paunti-unting sweetness. Magtutuloy tuloy na yon hanggang sa makuha mo na ang matamis na oo ng minamal mo maging consistent at honest ka lang."

"Oh ano Caloy naisulat mo ba lahat ng sinabi ko?" tanong ni Kiko.

"Oo naman pare. Salamat ah. Susundin ko lahat ng sinabi mo saakin." tugon ni Caloy.

Ed Christian Evander Morga

HUMSS11 A

2017-2018

Iba't Ibang Uri ng Teskto HUMSS11A DCBTWhere stories live. Discover now