Lahat-lahat [CWC]

181 13 2
                                    

Isang umaga na naman, isang umaga kung saan muling sumikat ang araw at nagbigay liwanag sa lahat ng bagay sa mundo.

Kilala ako bilang isang taong malalim kung mag-salita, mabanggit pa lamang ang pangalang "Selene Sanchez" halos lahat ay mapapalingon na. Bakit? Simple lang, dahil lahat daw ng bagay, napapalalim ko ang kahulugan. Magulo? Oo eh. Yun ang tingin nila saken.

Ako si Selene Sanchez, ang ang lahat-lahat pa sa akin ay mga salita. I use them as my protection, defense and everything. Words is all I have.

My mother left me after she gave birth to me. My father wasted himself, dahil nga iniwan sya ng ina ko. Ah I never considered 'her' as my mother. Dahil wala akong ina. Tanging ang Papa ko lang ang kinikilala kong magulang. Kahit iniwan na nya ako.

Oo, he left me. 3 months ago... Medyo nagtagal pa ang buhay nya dahil sa akin. Natatakot siyang maiiwan akong mag-isa. Kaya itinigil niya ang mga bisyo nyang makasisira sa buhay nya. Ngunit, pagkatapos ng aking ika-labin-limang kaarawan, nakita ko siyang nakabulagta sa aming bahay at wala ng buhay. Napag-alaman kong inatake siya sa puso dahil sa mga komplikasyon na dulot ng bisyo nya noon. Hindi ko iyon inaasahan.

Eto ako, walking down the aisle, mesmerized by the wind that is slowly caressing my face. Para bang ipinapakita nyang di ako na-iisa? Well, not the creepy type. Because I feel safety. Pero natigil ang mesmerizing moment ko ng may isang taong, ah mali, nakakainis na taong sumabay sa paglalakad ko. I automatically sensed his presence. Isa pa iyong sa tinatawag nilang kawirduhan ko.

"Nag-iisip ka na naman Lene" Isang bagay na kinaiinisan ko sa kanya, tinatawag nya akong 'Lene', tanging ang papa ko lang ang tumatawag sa aking Lene... I miss my father, so much...

"Wag mo na sabi akong tawaging Lene" Pero sa kabila ng tinatawag nilang kawirduhan ko, tanging si Sky Fernandez lamang ang nagtitiis na kausapin ako, kahit itinataboy ko siya.

"Gusto kong tawagin kang Lene eh!"

"Alam mo ba? Ayoko ng tinatawag na Lene, maraing alaala sa pangalan na un. Na kahit ang simpleng pagtawag nuon sa akin ay parang hinahatak mo na akong gawin kang lahat-lahat ko?"

"Huh?" Alam kong maguguluhan sya, pero alam kong pilit nyang iniisip ang mga sinabi ko. Iniwan ko na sya, sa takot na maging sya ang panibangong lahat-lahat ko.

"Lene! Hindi mo ba talaga ako gustong maging kaibigan man lang?" Halos tatlong linggo na rin ang nakalilipas at pilit nya pa rin akong kinakaibigan. At tinatawag nya parin akong Lene. Hindi ba nya talaga naiintindihan? Unti-unti na syang nagiging lahat-lahat ko.

"Hindi ba sinabi ko na noon? Tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng Lene!" Napasigaw na lamang ako dahil kailangan, kailangan kong mapigil ang nararamdaman ko.

"Bakit ba ayaw mo? Pwede namang maging ako ang lahat-lahat mo diba?! Dahil ako, ikaw ang mundo ko, ang lahat-lahat para sa akin gaya ng sinasabi mo!"

"Ano?" Tanging ano na lamang ang nasabi ko, dahil.. Dahil hindi ko alam ang nararapat na salita. Ano ba ang dapat kong sabihin? Dapat ko ba syang tanggihan? O dapat ko bang sabihin na unti-unti na syang nagiging lahat-lahat ko? Pero, unti-unti pa lamang... 

"W-wa-wala k-ka man lang bang sasabihin?" Meron naman akong sinabi diba? Pero alam kong di yun sapat. Paano nga ba? Hindi ba mas magandang tanggihan ko ang iniaalok nyang pagmamahal dahil wala rin namang sweetness doon sa pagtatapat nya?

Lahat-lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon