Ti'll The End (Chapter 1)

208 6 2
                                    

     (May umiiyak na isang lalaki kaya pinuntahan ito ni Devon)

Devon: Bakit ka umiiyak?(Tanong nito sa batang lalaki,nakaupo ito at umiiyak.Pinunasan ng batang lalaki ang kanyang luha bago sumagot)

Boy: Wala napuwing lang ako(Sagot nito,natawa naman si devon sa sinagot ng batang lalaki)

Devon: Napuwing ?eh ang lakas nga ng iyak mo(Natatawaang sabi nito,tumingin naman sa kanya ang batang lalaki at tumayo)

Boy: Bakit ka tumatawa?(Nakasimangot na tanong nito kay devon na tumatawa pa din)

Devon: Nakakatawa ka kasi kalalaki mong tao umiiyak ka(Tumatawa pa din na sagot nito)

Boy: Alam mo kung pumunta ka dito para pagtawanan ako umalis ka na(Sabi nito kay devon)

Devon: Eh kung ikaw kaya ang umalis dito ako kaya nauna dito(Nakapawewang na sabi nito sa batang lalaki,tumingin naman ang huli sa likuran ni devon at nagulat siya sa nakita)

 Boy: bakit dito ka natutulog?(Tanong nito ng may nakitang banig sa likuran ni devon)

Devon: Dito ako natutulog kapag hapon na kasi masarap ang simoy ng hangin eh ikaw bakit dito ka umiiyak?(Balik tanong nito sa batang lalaki.Umupo ulit ang batang lalaki,tinabihan naman ito ni devon)

Boy: Wala nagpapalipas lang ng oras(Sagot nito habang nilalaro ang guitar bracelet na suot)

Devon: may nagpapalipas ba ng oras na umiiyak(Sabi nito,tumingin naman sa kanya ang batang lalaki)

Boy: Honestly nandito ako para malayo kina mommy at daddy(Nakatingin na sabi nito sa kanya)

Devon: Bakit sinasaktan ka ba ng parents mo?(Seryosong tanong nito sa batang lalaki.humiling naman ang huli)

Boy: Hindi nila ako sinasaktan

Devon: Eh bakit gusto mong lumayo sa kanila?

Boy: Palagi kasi silang nag-aaway eh(Naawa naman si devon sa batang lalaki kasi nagsisimula naman itong umiyak)

Devon: Wag ka ng umiyak di bagay sayo ang gwapo gwapo mo kasi eh(Nakangiting sabi nito at ianbutan ang lalaki ng buko juice na dala niya,tinanggap naman ito ng batang lalaki at ngumiti din)

Boy: Alam mo kanina pa tayo naguusap pero di pa natin alam ang pangalan ng isat isa(Natatawang sabi nito at uminom ng buko juice,natawa din naman si devon)

Devon: Oo nga pala sige ako na maunang magpakilala(Natatawang sabi nito at nilahad ang kamay) Ako nga pala si Devon pero pwede mo akong tawaging Devs(Nakangiting pagpapakilala nito,magpapakilala na sana ang batang lalaki pero may tumawag mula sa likuran ni devon)

Yaya: Devon,uuwi na tayo(Sigaw nito habang papalapit sa dalawang batang bata)

Devon: Sige mauna na ako sayo ah(Sabi nito at di hinintay na sumagot ang batang lalaki na sumagot at tumakbo na papunta sa yaya niya)

Yaya: Naku kang bata ka pawis ka na naman(Sabi nito habang pinupunasan sa likod si devon)

Devon: ya,nandyan na ba sila mommy at daddy?(Tanong nito habang papunta sa kotase nila)

Yaya: Pauwi na sila kaya dapat makauwi na tayo(Sagot nito,di na sumagot si devon at tumingin sa batang lalaki nba nakatingin pala sa kanya.Kumaway siya dito ba go sumakay sa kotse nila)

          "At last napost ko na din first chapter ng ff ko for SamVon and DevLix....Sori kung natagalan ah medyo tamada lang aketch eh..hehehe....Hope you like and Enjoy Reading !!!

         "Pahabol lang..hehehe....Sino kaya yung batang lalaki na nakausap ni Devon?

                                             Sam or Felix????

Till The End TeaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon