Romeo and Ju-Liit ♥

648 34 5
                                    

Liit?! Ako maliit?!

Hindi no!

Tangkad ko kaya.

Kung ikukumpara sa mga Grade 1.

Haha! :p

Nakatingin ako sa reflection ko sa girls comfort room dito sa school namin.

Nakakainis naman kasi yung si Romeo eh!

Lagi nalang akong inaasar na maliit, ayan nacoconscious na tuloy ako.

Sabi pa niya wala daw magkakagusto sa akin dahil sa height ko.

Porket matangkad lang siya.

E di siya na! Siya ng basketball player!

 Kala mo naman kagwapuhan.

 Lumabas na ako sa CR at agad sinalubong ng mga kaibigan ko.

"Juliet tara na! Magsisimula na yung game."

May basketball game ngayon. Lahat ng estudyante required para manood. Championship na kasi at dito sa homecourt ng school namin yung final game.

Feeling ko nga kahit hindi i-require ang estudyante na manood, mapupuno pa rin ng supporters ang gym namin.

Hindi na kami kailangan piliting sumigaw ng DEFENSE at OFFENSE, at makipag-away kung ma foul ang isang player dahil siguradong meron mga die hard fans na magvovolunteer para gawin yan.

Pasensya bitter, andun kasi si Romeo eh. >:p

"Ewan ko ba kung bakit kailangan pa natin manood niyan."

Naglalakad na kami papuntang gym.

"Oo nga eh. Sure naman akong ipapanalo ni papa Romeo yun!"

Okay na sana yung oo nga, hindi nalang sana sinabi yung kasunod.

Romeo and Ju-Liit ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon