F U N E R A L S H I F T
"She thought it will be a peaceful evening but she was wrong."
"kakainis talaga yang si Yvonn." Bulong bulong habang papalabas ng room. Katatapos lang kasi ng meeting namin para sa isang science project. Ako si Jarie Mae Faustino.
Well, hindi kami sumang ayon sa project dahil naniniwala kami sa kulto dyan sa taas ng bundok.
Pano grades ko? Hmp! bahala na si batman.
Maya maya, habang naglalakad ako ay napansin ko ang janitor na kuskus ng kuskos sa sahig sa tapat ng malaking building ng school namin.
At kulay pulang mantya ang nais nyang matanggal.
"Manong ano pong nangyari jan?'' Magalang kong tanong.
"May natapon daw na pintura sabi ng head... pero parang dugo ehh kasi natuyo na."
Na weirduhan ako sa sagot ng matanda pero usap usapan na may nagpakamatay daw na babae sa school nung isang hapon. Pero tahimik lang ang lahat sa issue.
Lumabas na ako ng gate habang hinihintay ko ang tita ko na sabi nya ay susunduin daw nya ako.
Umupo muna ako sa waiting shed at nagkukuyakoy na sa sobrang inip.
Maya maya ay nakita ko ang malditang si Margie Hari na tulalang pauwe at usap usapan na nababaliw na daw ang gaga. Pshh.. buti nga sa kanya.
Maya maya ay dumating na ang tita ko at mukhang pagod na pagod.
Pagsakay ko sa kotse nya ay tinanong ko agad sya.
"bat ang tagal mo tita?"
"Pano ba naman, may nag pa service sa funeral... nahirapan akong ayusin yung bangkay... putol putol....TApos ayaw pang ipaembalsamo ng tatay. At ang malala dun din sa shop ibuburol. Hayts nakak stress.. buti nalang at manunuod kami ng concert ni Daniel mamaya!"
Mejo nandidiri ako habang kinukwento nya pero may pagkasanay narin ng konti dahil yan ang ikinabubuhay namin... pag may namamatay kami naman ang nabubuhay.
"buti kapa... inggit ako.. hindi ako makakasama sa concert. Kasi marami projects alam mo na.. kapag nalaman ni mama at papa na bumaba grades ko siguradong papauwiin nila ako sa probinsya."
Ng dumating kami sa bahay ay agad na akong nagpaalam na magpapahinga sandali.
Pagdating ko sa kwarto ay humilata agad ako sa kama at nagkalikot ng cp.
"Alam mo ba may nagpakamatay sa building natin. Tumalon daw."
Text ng isa sa mga BfFko na si Harriet Coronel. Hmm mukhang mayaman nuh.. hahaha mukha lang naman hahaha pero mas baliw pa yan kay Rhodora...
Nagreply naman ako. "Talaga? OMG! kanina nga nakita ko yung janitor naglilinis ng parang bakas ng dugo. Ihhh kakatakot naman... Hmmm pero maiba tayo ... nakakainis talaga si Yvonn nuh... porke may issue sila ni Addy."
"Tomo... wait pren ahh gagawa lang ako ng assignment.... txt you later."
Tinamad narin akong mag text after that....
Maya maya ay naririnig ko ang tita ko na nagbubunganga sa baba kaya bumaba ako para tignan kung ano ang nangyayari.
Pagbaba ko ay nakita ko ang tita ko na mukhang stress na stress habang may kausap sa phone.