♥♡CHAPTER 9♡♥

89 6 0
                                    

Ambilis naman nitong muscle pain na toh!!Pagnaabutan ko toh muscle pain siya ulit mapapamukhasim siya ulit.....


"Aah!" ansakit!antigas naman ng likod nitong muscle pain na toh!


"Hoy!bitch lumayolayo ka sakin ah!" Lumingon siya at sinabi iyon habang ako naman hinihimashimas ang ulo ko.Aba anak ka ng nanay mo naman oh!


'Sir Eugene,Your stocks rose by 10%' narinig ko mula sa cellphone ni muscle-este Eugene..Isa lang ang ibig sabihin nito mayaman siya!Napatakip nalang ako ng bibig ko dahil hindi halata sa kaniya na mayaman siya dahil hindi siya mukhang professional sa harapan ko.Dito kaya sa kausap niya....malay mo tumino.Ito ah!kinaklaro ko ulit hindi ako chismosa dapat kasi mapagmatyag,Oo!tama mapagmatyag ako at hindi chismosa.Naiintidihan mo ba?!


"I don't care bitch!shut the f*ck up!I'm busy!"nalaglag ang panga ko sa sinabi niya kahit siguro si Bello hindi na kaya ayusin ugali nito eh.


"Ang ganda ng weather !!!" sinabi ko ito habang nakangiti este pekeng nakangiti at nagswaysway effect pa ako.Kailangan kong magmukhang inosente!!!!


"Tigil mo yan nakakainis!Ampanget." aahh...nice!hindi siya nagmura ah.Improving si kyermeugene eklavoosh..panget?!!!!! Ako?!!!!

"Hoy!para sabihin ko sayo mas pangit ka kung may camera lang ako nung

panahon na tinadyak-" pero hindi niya nga pala talaga pwede malaman na dati akong kaluluwa dahil sa tingin ko hindi siya maniniwala.


"Teka lang!!" ayun natuloy na naman ang marathon dahil nagsimula na naman siyang maglakad na ikinasanhi ng aking pagtakbo...


"Nakakahiya ka itigil mo yan!" lumingon na naman siya at sinigawan ako.Wala naman akong ginagawa eh...sinusubukan ko lang naman lakihan ang mga hakbang ko kaya napagisipan ko na gayahin yung mga nakikita ko sa TV yung mga naglalakad sa may beach yung tipong nalipad lipad yung buhok ko pero dahil wala ngang hangin kailangan kong artehan ang paglakad ko (in slow gorgeous motion.)


*Ding!*


Nakita ko naman na agad pumasok si Eugene sa elevator.Natatakot ako bumilis ang tibok ng puso ko at nanlalamig ako parang nasusuka ako na nahihilo....


"Eugene....." natatakot talaga ako at hindi ko alam kung bakit ganoon.


"Bitch just get in" sinabi niya iyon na parang kinakain ang mga salita niya ngunit naintindihan ko naman iyon.Pauntiunti akong pumasok at humawak doon sa railings na nasa gilid ng elevator.Nakita ko na lamang ang pagsara ng mga kulay ginto na pinto ng elevator.


Nagsimula na bumaba ang elevator na sinasakyan namin at napahigpit ang hawak ko sa railings.Habang nararandaman ko ang pagbaba ng elevator lalo kong narandaman ang takot at hindi na talaga ako makahinga nararandaman ko na lamang ang pawis ko na tumatagaktak sa ulo ko at sa dibdib ko.


"Tulungan mo ako..." ginamit ko na ang lakas na nalalabi upang tawagin si Eugene at makuha ang kaniyang atensyon.Hindi ko na alam ang mga ginagawa ko.Ang nasa isip ko na lamang ay kailangan kong lumabas mula dito.

UndestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon