Gosh.
Gosh.
Gosh.
Si Crush.
Nakita ko si Crush.
Ano kaya pangalan nun?
Weeeee. Ang gwapo niya!
Singkit ang mata, maputi tas bagay na bagay sa height ko ang height niya.
Weeeee. Nagsmile pa siya sakin or assuming lang talaga ako?
Well, ngumiti siya nung dumaan ako.
Siguro ako nga yung nginitian niya.
WHAAAAA. Feeler!!
Itext ko kaya si Navi?
Sigurado akong kilala niya yun.
OH MY GOD.
Kinikilig pa din ako.
- Navi, kilala mo ba yung singkit na lalaki na sa Neptune and Poseidon Foundation Maritime University nag aaral, yung taga jan sa inyo?
SENT.
Hala. Hala..
- Oh? Si Freed ba yung tinutukoy mo? Kabarkada ko yun. Bakit?
HAAAAAAAAA.. FREED YUNG PANGALAN NIYA!!
SHET, ang gara naman.
Ka ano ano niya sa KFC?
Kentucky Freed Chicken? HAHAH JOKE!!
- Natanong ko lang. Na curious kasi ako. Palagi ko kasi siya nakikita.
SENT.
Tas biglang nag ring ang phone ko.
Tumatawag si Navi, grabe tumawag talaga?
Na curious din to siguro.
"Oh? Bakit ka tumawag?" - Ako
"Tinatamad kasi akong magtext. So ano na pala yun? Si Freed pala, crush mo siya nuh? Heheh." - Siya
"Nge! Hindi nuh! Na curious lang ako sa kanya!" - Ako
"Sus! Curious daw? E-halatang crush mo eh!!" - Siya
"Navi! Sino yang kausap mo?" Boses ng isang lalake.
"Si Jil, yung maganda dun sa bagong bahay." - Siya
Tas pinatay ko na.
Ako na kasi pinaguusapan nila eh.
Infairness, maganda daw ako. WHAHA
- Bakit mo pinatay? Kinakausap pa kita eh!
Nagtext na naman siya. Ano kaya reply ko dito?
Tatanungin ko kung may number siya ni Freed?
Ngeee! Huwag na! Baka sasabihin niyang hinahabol ko siya.
Pero.. Ngeeeee!! Huwag na!!
- Close ba kayo ni Freed?
SENT.
HAHA. Slowly but surely.
- Slight lang. Bakit? Gusto mo bigyan kita ng number niya?
Eto na nga ba ang sabi ko eh!!
Haha. Kunin ko na or pakipot pa?
- Ngee! Hindi ko naman hinihingi number niya!
SENT.
WHUAAA.. HAHAH!!
- Bigay ko nalang number mo sa kanya, gusto mo?
Text niya ulit. Hmmp, magmumukha akong desperada. Huwag na lang. Huwag na lang.
- Ngee, nu ka ba Navi. Huwag na. Oo crush ko nga siya pero hayaan mo na lang. Okay? Hehe.
SENT.
5 minutes..
10 minutes..
15 minutes..
HINDI NA SIYA NAGREPLY!!
Ano nangyari dun?
Siguro may ginagawa.
PERO HINDI MAN LANG SIYA NAGSABI!!