Chapter 24 :Flow of Love

257 4 0
                                    

Pagdating sa bahay agad-agad kong inalis yung palda ko na may putik at inilagay sa labahin.

Kainis naman kasi yun..yan ang nasabi ko sa sarili ko kung bakit nagkaputik yung palda ko,pero ng maalala ko na naman yung full situation kanina,kinikilig na naman ako.

8:10

Nandito ako ngayon sa may duyan,at nakaupo ..hawak hawak ko syempre ang mumunti kong phone.

Ang lamig ng hangin,pero ano magagawa ko e gusto kong gawin ang hobby ko,staring at the night sky ,along with those beautiful sparkling stars.

Inopen ko yung messenger app ko,at as usual bumungad sa akin yung chat ni Rosielyn.Yung kay Calvin..asa pa kayo,e simula noon hanggang ngayon ako lang naman lagi yung nagfifirst move e,never siya yung nagumpisa na magchat..minsan nga para pa akong maiiyak kasi umaasa ako na mamimiss niya din ako,kapag hindi ako nagchachat sa kanya..

Ano ka ba naman Jayciel,paano mo nasasabi yan,e araw-araw mo kayang chinchat yun.Ayzzz.

"Uy,ang sakit talaga magsalita ng sa akin.."--Rosielyn.

"Oy,edi itigil na kaya natin ,tsaka ayoko naman dumating yung point na lalapit ka sa akin ng umiiyak."send.

"Ha..Di deal to eh,hahaha tuloy lang ..tsaka pinapamukha naman niya e,sanay na ako,nagsusumbong pa nga sa akin tungkol dun sa nililigawan niya e."--Rosielyn.

"Yieeee.Baka kayo naman talaga yung nakatadhana.."send.

"Hahah.Lol .Asa pa sa wala."Rosielyn.

Tumingin naman ako kung sino yung mga nakaonline and BOOM KILIG!!Nakaonline si Calvin,oo masaya ako,pero nalulungkot ako kasi kung tutuusin kanina pa ata siya online but hindi siya yung nauunang magchat sa akin,sabagay sino nga lang ba ako diba? :(

And yung kamay ko at puso ko ,naunahan na naman yung isip ko..

"Kuya,kaasar mo kanina."send to Calvin.

Pero sa totoo lang wala na sa akin yun,kasi mas nangingibabaw sa akin yung saya at kilig..

As usual ang tagal niyang magreply,pero minsan may mga time naman nasobrang bilis ..siguro yun yung mga time na hindi pa nagoonline yung reason niya kung bakit siya nakaonline.

"Bakit po"---Calvin.

Okay,di po talaga uso sa kanya ,kahit yung question mark,ang hindi ko lang alam kung ganyan ba talaga siya magreply sobrang ikli,dahil ayaw niya ako kausap?o dahil natatakot siyang maubusan ng letra sa keyboard niya?Ayzz.

"E,kasi alam mo ba kanina napilinsikan mo lang naman yung palda ko ng putik,kaninang uwian."send.

"Ayy hahaha"---Calvin.

"Alam mo ang lapit mo kanina,pasalamat ka kamukha ka talaga ng korean idol ko,kundi pinalitan ko na ng tenga ng baboy yang tenga mo.Haha"send.

"Hahahaha"--Calvin.

Ayzz,sa totoo lang ang swerte niya kasi tuwing ganyan yung mga reply niya ,may reply pa din ako.Ako na nga ata ang pinakamagaling magpatagal ng converastion. :(

"Nakakatawa ka nga kuya e."send.

"Bakit po"--Calvin

"Kasi nakasapi ka pa ng panyo sa likod mo"send.

Sus,e ganon ka din naman Jayciel..

"Ayy basa po likod ko ehh"--Calvin

Ayzz.Pinakalma ko muna yung sarili ko dahil kanina pa ako puputok sa kilig dito.

Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon