It's Friday ,October 6 ,nakaupo lang kaming apat dito sa may Learning Tambayan,dahil wala naman atang balak umatend na teachers.I think busy na sila dahil next thursday and friday na yung midterm exam namin.
Ano na yung mga nangyayari?ito laging kami ni Rosielyn ang magkasabwat about sa mga feelings namin,lagi kaming magkachat sa FB at nagsasabihan kung ano na ba yung ganap sa bawat crush namin.
Sa mga araw na lumipas ,may pagkakataon na naisip namin na itigil na yung deal,but laging nauuwi sa "a deal is a deal,walang ayawan kahit anong mangyari."
"Ang sakit niya magsalita,ipinapamukha niya nalang lagi sa akin."iyan ang laging bungad sa akin ni Rosielyn tuwing magkachat kami about kay Renzo.
Ayon din yung nararamdaman ko,kahit na di sa akin ipamukha ni Calvin ,alam ko naman na parang ayaw niya akong kachat... :(.Alam niyo ba yung situation ko?yung sandali na ang bilis niyang magreply at maiseen yung message ko sa kanya,then habang tumatagal bago nalang ata siya magout nagrereply and ang masakit pa minsan talagang seenzoned ka.Pero di ko naman maitanggi na masaya din ako kahit ganon nalang lagi.
"Hoy,bakit ganyan yung mga pagmumukha niyo?mukhang parehas na broken yung mga lovers ah."pagbasag ni Camille ng katahimikan.
"Ayan kasi sabi ng itigil niyo na iyang deal na iyan eh."sabi naman ni Maureen.
"Hahaha.Basta ako go lang,hindi naman na ako umaasa,ala e ipinamumukha niya na sa akin."sabi naman ni Rosielyn.
Mas lalo pa akong nanlambot ng makita namin yung barkada nila Calvin ,na dala na yung mga bag nila,siguro uuwi na.
So,as usual internal kilig with matching heartaches na naman ang peg ko.Tinitingnan ko siya at umaasa na naman na mapapatingin man lang siya kahit isng segundo man lang.
"Oh,tingnan niyo pinansin ba kayo?"sabi ni Maureen,ako naman tahimik lang dito,sa totoo lang hindi ko alam o-ey man pero nagtatampo ako kay Calvin.
"Hoy,ba't ganyan itsura mo Jayciel.Wag mong seryosohin.Haha."natatawang sabi ni Rosielyn,at tumingin naman ako dito ng walang gana.
"Ang hirap kasi pigilang isipin na baka one day,matupad din yung pinapangarap ko..Pero bahala na,siguro sasabay nalang ako sa agos ng buhay,at sa alon ng tadhana."malungkot na sabi ko.
"Opps.I smell something serious mode here."sabi naman ni Maureen.
"Alam niyo ,huwag na kasing ipilit ang mga "BAKA" at BAHALA na.Ayaw na nga sa inyo ipipilit niyo pa.Pleasee lang ,wag nga kayong tatanga tanga."sabi ni Camille.
"Maka -tanga naman ito.Slight lang.Haha"sabi ni Rosielyn.
Hindi rin nagtagal ay umuwi na kaming apat dahil wala naman na talagang umaatend na teacher,at hindi napag-uspan nadin namin na huwag ng pumasok mamayang tanghali.Nagpaalam nadin ako kay Ace na mauuna na ako,dahil di pa nila dismissal.
"Oy,wait niyo ko ah,bibili lang ako ng maiinom"paalam ni Camille,at naghintay naman kami dito as harapan ng gate ng school.
"Oyy si Calvin oh..kapogi..,"bigla naman akong di makagalaw ng sinabi ni Maureen yun.
"Hahaha.Nakasapi pa ng panyo ah."natatawang sabi naman ni Rosielyn.
Ako naman parang ayaw ko siyang tingnan kasi naman nakakasama ng loob yung di naman niya ako kilala.Sabagay wala namansiyang kasalanan dun.:(And di rin ako nakatiis at lumingon ako kung saan nakatingin yung dalawang abnoy na nakangisi pa.
And dapat pala kanina pa ako lumingon,kasi ang lapit na naman niya sa akin habang dinadrive niya yung single niyang motor..
Kyaaaaaah.Mas kita ko tuloy yung seryoso niyang mukha at yung mga mata niya na parang kumikinang ..Ang lapit lapit niya ,actually igalaw ko nga lang ng kaunti yung mga paa ko e mahahawakan ko na siya...
Ayun nakatitig ako sa kanya..2 mins .3 .4..5..6..7..8..9..Ayzzz kahit umabot ka pa diyan ng ilang minutes hindi siya mapapatingin sa iyo Jayciel..
Kilig------broken------kilig-----broken
Ayzz.Ganyan naman lagi ang situation ko,hanggang tingin lang ako sa likod ng taong pinapangarap ko.Dapat kasi hindi ka na lumingon Jayciel e,para hindi ka ulit umasa na mapapalingon siya. :(."Guyss.Dito na m---"bigla nalang nagtransform yung kilig ko sa pagkaasar.
Ayzz.Paano ba naman kasi napilinsikan niya na putik itong palda ko,e kung kanina nga dahan dahan pa kaming naglalakad para hindi maputikan,kasi medyo umuulan ulan na.Tapos siya napilimsikan niya yung palda ko.And gets what umasa naman ako na magsosorry siya.pshh.
"Ohh.Hahaha.Sugurin mo,double advantage pa yun..makakaganti ka na ,makikilala ka pa niya."natatawang sabi ni Rosielyn.
"Sira"tugon ko naman dito,habang pinupunasan yung palda ko.
Ayzz.Kung wala lang talagang maraming tricyle na nakapila dito sa labas ng school na ito,kanina ko pa hinila yung tenga ni Calvin at pinalitan ko ng tenga ng baboy,pasalamat siya at siya ang aking SLMH.
Pagkatapos nun,ay sumakay nadin kami sa tricycle at umuwi na..
"The hardest battle is between what you know in your HEAD and what you feel in your HEART.."
Ayzz.Bakit nga ba?Kung pwede lang sana na isip nalamg yung sundin mo hindi yung puso.Sa totoo lang kapag kasi nagmahal tayo ,puso yung gumagana,kaya siguro madalas nasasaktan tayo.
Ang hiral kasi na taliwas yung sinasabi ng isip mo,sa tinitibok at idinidikta ng puso mo.Yung tipong sa isip mo ayaw mo na,na suko ka na kasi nahihirapan ka na sa lahat ng mga nangyayari,but yung puso mo gusto padin lumaban,gusto padin umasa..
Dreaming Calvin is full of happiness but along with heartaches... :(
BINABASA MO ANG
Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)
Teen Fiction"Never force something or someone just let it be,if it's meant to be it will be"all of a sudden iyan ang kataga na itinatak ko sa puso't isipan ko,pero di ko akalaing maglalaho simula ng makilala ko siya,when I start to dream a Mr.Hearthrob like him...