This is a side story of Ivan's sister and Jazrille's brother. Please comment and vote!
Van's POV
Nahanap ko na yung nagutos dun sa mga gagong lalaki na yun para ganunin si Jaz. Naalala niyo pa ba yung nangyari sa CR ng Auburn? Yun nga yun.
Kasalukuyan akong nasa office ngayon dahil ang daming tambak na papers. Walang pasok ngayon dahil saturday. Pumapasok na rin naman ako sa Arcadia. Ilang linggo na din ang nakakalipas.
At sa ilang linggo na yun, wala paring progress samin ni Summer. Oo ilang linggo na pero ang ilap nya sakin. Ewan ko ba dun kung bakit.
Nagtataka siguro kayo kung bakit ko kilala si Summer. Not in name but in face.
Nandito ako ngayon sa isang bar sa US dahil kailangan ko mailabas ang stress ko. Sobrang stress ako dito dahil na rin sa pagaaral ko. Inaayos ko din yung iba papers para sa pagttransfer ko sa Manila. Habang nasa stool ako, humingi pa ko ng alak.
"Another whiskey please." Binigay naman agad nung bartender yung gusto ko. Habang umiinom naman ako biglang may humigit sakin. Nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko ng sobrang lapit at tsaka nagsalita.
"This is just a dare. Just shut your mouth and dont you ever gave this a meaning." Then she kissed me! I froze for a moment but suddenly I respond to her kiss.
After that, nilayo nya yung mukha nya sa mukha ko tapos tinitigan na naman. May tama na ata tong babaeng to.
"Hahahaha salamat hahahaha nagawa ko din whoo!" Nababaliw na sya. Kanina ang fierce tapos ngayon tawa ng tawa.
But I felt something wrong with me. Actually with my heart. It's beating so fast. And I just knew that I fell inlove at first sight with a stranger.
Alam ko naman na hindi nya ako naalala nun dahil bukod sa lasing sya, medyo madilim sa bar na yun. Dim lights lang at pang party talaga.
Ilang araw ko na syang kinukulit pero hindi nya ko pinapansin. Lagi nya akong tinataboy palabas ng office nya sa school. Hindi naman sya nagaaral dun sa school dahil ayaw nya daw dun. Mas mabuti na sa iba daw sya magaral kaysa daw sa pamamahalaan nya.
Ayan lang ata ang nakuha kong matinong sagot sa kanya nung tinanong ko sya.
Hindi ko alam kung babae ba talaga yun. Hindi man lang tinatablan ng charms ko. Haaay ang daming babae na nagkakandarapa sa kagwapuhan ko pero sya kakaiba!
Napaka amazona pa! Laging nambabato ng kung ano anong gamit sa office nya para lang mapaalis ako haay.
Natapos ang maghapon at stress na stress ako. 3pm na kaya naman umalis na ako ng office.
Dumaan muna ako sa starbucks dahil gusto ko mag coffee ewan ko ba bigla ko nalang nagustuhan. Papaalis na dapat ako ng maalala ko si Summer. Kaya naman ibinili ko na sya ng frappe at ng donut tapos umalis na ko.
Oo, ganito ang ginagawa ko kapag pupuntahan ko sya. Tinatanggap nya yung food pero ako hindi. Pinapaalis nya kasi ako lagi dahil ayaw nya daw akong makita. Naiirita daw sya dahil ang panget ko daw. Ewan ko ba dun. Malabo na ata ang mata.
Nagdrive na ko papuntang Arcadia dahil alam kong nasa loob lang sya ng office nya. Kahit naman kasi sabado e may ginagawa tong babaeng to. Walang kapaguran.
Pagkapasok ko palang ng school, ang dami na namang babaeng nakatingin. Oo alam ko namang gwapo ako kaya wag nyo kong titigan. Ngumiti naman ako sa kanila kaya naman napatulala na lang sila sa kagwapuhan ko hahahaha!
Nakarating naman ako sa office nya ng matiwasay at hindi tunaw dahil sa mga titig ng students dito. Kumatok muna ako syempre pero wala namang sumagot. Kaya naman pumasok na ako.
BINABASA MO ANG
My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)
Ficção AdolescenteIvan Ramirez, a basketball player, is living the life while he is making his way up through his college basketball career. Until a brokenhearted girl landed on his way who was trying to forget her past love. Start: Dec. 4, 2013 End: September 6, 2014