Two

19 0 0
                                    

Claire Deguzman

"Heto nanaman po tayo" -sabi ko kay Denis habang tinatapik yung likod nya- "hindi ka ba nag sasawa? Lagi nalang ganito. Lagi ka nalang umiiyak para sa walang kwentang dambuhalang yun. Alam ko mahal mo siya, pero Choi naman apat na taon ka ng ganito."

Ewan ko kung bakit sobrang nag gigigil ako, diba dapat immune na ako sa ganitong ka artehan ng joklitang ito? Tuwing mag gi-gig yung mokong na Sam na yun magpupumilit tong pumunta tas tuwing may makikita siyang kalandian ng lalakeng yun, masasaktan. Parang ewan! Paulit ulit nalng ang ending ng storyang yan, lagi nalang maghahalupaspas siya na parang namatayan.

Nakakapagod din kaya. Pero bestfriend ko siya e, ano pa ba ang dapat kong gawin diba? Gusto ko lang naman siyang sumaya at kalimutan yung lalaking ni minsan hindi siya binigyan ng pangalawan tingin. Minsan ako na nga yung tumutulak kay Denis para mag umpisa ng conversation pag kaharap na namin si Sam, pero ano?! pa demure effect ang loka. Hayyyyyyy!

"Choi" -hikbi parin siya ng hikbi- "puntahan ko lang si Nicole ha? Tas uwi na tayo. Orayt?" -hindi padin niya ako pinapansin, aba'y na iyakzoned ako. Binatukan ko nga, yung malakas. Nabigla naman siya kitangan kita. Jusko! Nakakaimbyerna kaya tinalikuran ko nalang siya at pumasok na sa bar. Nasan na ba si Nicole...

"Nicole!" Pagkita ko may kasama. Nagulat siguro siya kaya napatalon nung narinig niya yung pangalan niya.

"Mahal." Tawag niya sabay ngiting wagas, pati yung lalaking lumalandi sa kanya nakatingin din saken. Tinitigan ko nga ano akala niya mag papaindak ako sa mga titig niya. Ba! Si Claire Deguzman kaya to! Biglang pumulupot naman yung kamay ni Nicole sa braso ko kaya inirapan ko nalang yung lalake.

"Tara na?" Yun lang nasabe ko, wala kase ako sa mood makipag talo ngayon, bwiset na bwiset ako kay Choi. Lagi kaseng pinapairal yung katangahan niya. Kaya ayoko ng dagdagan ang inis ko.

"Okey" masiglang sabe ni Nicole. Habang nag lalakad kame papuntang kotse hindi ko maiwasan na maisip na napaka swerte ko. Tinignan ko si Nicole ng patago, ang sweet sweet namin hindi mo akalain na noon Crush ko lang siya. Chinky eyes, pink lips, tan skin, short hair yung bagay na bagay sakanya. Siguro nga hindi ko naiintindihan yun pinag dadaanan ni Denis, kase hindi naman ako nagkaroon ng one-sided love for four years at hindi rin ako yung pinapahiya ng taong mahal ko. Masaya ako pero mas ok sana kung sumaya narin si Choi.

**

Nung na aksidente si mama at na comatose siya. Natakot ako.. na baka isang araw mawala na siya, natatakot ako na baka pag gumising ako wala na akong matawag na mama. Nung panahon na yun na alala ko, tuwing uwian nag tatago ako sa isang chapel malapit sa school namin para ipag dasal siya, pero isang hapon, sinabe sakin ni papa na pag gumaling si mama malake ang posibilidad na makalimutan niya kame, siguro sa sobrang takot umalis ako ng bahay at nagtago sa may chapel sa ilalim ng table ng pari. Dun nadin ako nagpalipas ng maghapon. Paulit ulit kong pinagdadasal na sana hindi kame makalimutan ni mama, kahit alam ko naririndi na si God sa kakulitan ko.

"Batang mumu, bat ka umiiyak?" Paglingon ko may katabi na pala ako. Kung hindi pa siya nagsalita baka hindi ko mamalayan nandun siya.

"Mumu ka jan! Baka ikaw, pasulpot sulpot ka pa jan."

"Kung mumu man ako, atleast magandang mumu e ikaw? Ang panget mo nga, umiiyak ka pa kaya mas lalo kang pumapangit." -Nakita ko siyang umirap. Pero tahimik lang ako at tuloy padin sa pag iyak.- "ano ba kaseng problema mo bata?"

"Wala ka na dun." Tumahik naman din siya pero hindi padin siya umaalis sinamahan niya ako hanggang sa magdilim na at nung naisipan ko ng umuwi, malapit lang naman yung village namin, sinamahan din niya ako.

Dun ko unang nakilala si Choi. Simula nun kada pupunta ako ng simbahan lagi siyang nakaupo sa labas hinihintay ako tas aasarin ako tawg niya pa sakin nun kirarang dambuhala. Dun nag umpisa ang pagiging mag bestfriends namin.

Aminado naman ako na nung bata ako sobrang itim ko at sobrang kulot ng buhok ko. Nine years old palang kaya kame nuon pero sabi niya sakin malaki daw ang pinagbago ko ngayun kahit mataba parin ako.

Saakin unang umamin si Choi na bakla siya pero kahit naman hindi niya aminin madami padin nakakapansin. Lamya yan e! Natatandaan ko pa, 11 years old ako nuon siya naman 12 nung sinabe niyang pusong babae siya kaso pinarusahan daw siya ni God kase nasobrahan daw yung beauty niya tinalo pa daw ang beauty ni Venus (goddess of beauty), pagkaamin niya saakin binigyan pa niya ako ng isang death threat note ipapakain daw ako dun sa kapitbahay naming mukang halimaw. Hindi pa kame mag classmates or schoolmates nung panahon na yun dahil nasa private school ako at siya naman nasa public school. Nag kasama lang kame nung highschool na kame, nagpalipat kase ako sa public para makasama siya. Simula nun hindi na kame mapaghiwalay, kilalang kilala narin siya ni papa. Si mama? Magaling na siya sa pag kacomatose, hindi niya rin kame nakalimutan pero hirap siya mag salita at makapaglakad halos isang taon at kalahati din siyang nakahiga lang. May mga beses nga na pag dating ko galing eskwela nakikita ko siyang umiiyak tas pag nakita na niya ako titignan nya ako ng parang walang nanyare.

**

"Ang pangit ko palang umiyak!" Sabi ni Denis habang tinitignan ang selfie niya. Natawa ako dahil nawala yung momentum ko dahil sa pagseselfie niya habang umiiyak.

"Ano kayang magandang caption?!" Dagdag pa niya. "Choi ano namang kaartehan yan?" Sumbat ko sakanya. Ngumisid lang siya.

"Mahal, aalis na ba tayo o mag eemote pa yang Cholitang yan?" Singit naman ni Nicole. Kahit kailan hindi sila mag kasundong dalawa pero okey lang nag eenjoy naman ako makita silang nag iinisan. "Tara na tara na. Hoy Choi tigil mo na yan nag mumuka kang desperada!" Sinabe ko habang tumatawa.

Boy Girl Bakla Tomboy (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon