Prologue

967K 34.6K 19K
                                    

Love at First Read
Copyright © chiXnita
All rights reserved. 2018

Twitter: chiXnita
#LAFRwp

-...-...-...-

< KUDOS PERESEO >

*.*.*

MAG-AALAS SINGKO ng hapon, ang MRT nag-ala train to Busan.

Nagkakagulo ang mga tao. Siksikan. Akala mo hinahabol ng mga zombies sa pagpasok. Nagtutulakan. Halos magpalitan ng mga mukha pati ng kaluluwa. May naaapakan ang paa. Ang ilan nasisinghot na ang kilikili ng katabi nila.

Kung 'di lang ako naghahabol ng oras, nakngtokwa... 'di ako mapapasakay sa bulok na MRT. Kaso usad pagong ang mga sasakyan sa EDSA. Friday kasi at uwian pa.

Tiyak na itatakwil ako ng buong angkan ng mga Pereseo 'pag 'di ako nakaabot sa family reunion. Wala namang pakialam 'yung mga ibang kamag-anak ko sa 'kin pero mayayari ako kay Bossing (papa) at kay Kuya Yuen na kakauwi lang galing Guam.

Nauna na sila doon, kasama si Master (mama) at si Ate Kira. Hindi ako nakasabay. Hindi ako p'wedeng mawala sa awarding sa school. MVP pa naman ako sa basketball. Baka isumpa ako ni coach. 'Di na nga ako sasama sa swimming nila sa Laguna dahil reunion nga ng mga Pereseo.

Tumulo ang pawis ko sa noo. Para akong nasa pugon dahil 'di yata gumagana ang aircon. Paminsan-minsan lang din akong huminga dahil halo-halo ang naaamoy ko. Amoy pawis. May maasim. May pumuputok. At may amoy sunog.

Tapos na ang bagong taon bakit may paputok at fireworks pa rin?

Nakakainggit tuloy 'yung babaeng nakamask na nakatayo sa may pinto, purong puti ang suot. Medical student siguro.

Ang advantage ko lang yata ngayon 'yung height ko. 'Di masyadong nasisiksik ang aking ulo. 'Di katulad nung isa na 'di na yata makahinga dahil napapagitnaan ng lalaking matataba.

Galing akong Boni, at talaga nga namang patayan. Lalo na't may laban yata ang Brgy. Ginebra at San Miguel sa Araneta. Sa Cubao pa ako bababa. Pagdating ng Shaw at Ortigas, kahit 'di ka yata humakbang, maitutulak ka papasok at palabas.

Nakahinga lang ako pagdating sa Cubao. Nagkakabungguan ang mga tao. May marahas na bumangga sa tagiliran ko.

"Dude, easy..." Itinaas ko ang kamay sa lalaking mahaba ang buhok pero nakapusod. Malaki ang katawan, burdado at may kausap sa cellphone. 'Di ako nilingon. Mukhang nagmamadali.

Paghakbang ko, may naapakan ako. Isang libro. O notebook. Kulay green. Kasing laki ng pocketbook. Kaso medyo makapal.

Kunot-noong pinulot ko 'to. Tiningnan ang harap at likod. Walang pangalan. Tinatamad akong buklatin ang laman. Lumingon din ako sa paligid, nagbabakasakaling balikan nung nakahulog kaso walang pakialam ang mga taong naglalakad palabas at papasok sa MRT.

Iwanan ko na lang kaya?

Nakngtokwa! Bahala na.

Kibit-balikat na inilagay ko ang notebook sa bag ko. Nagmamadali ako para hagilapin pa ang nakahulog nito. Saka ko na lang papakialaman pagkatapos ng reunion.

Dalawang linggo, pagkatapos ng reunion saka ko naalala ang napulot na notebook.

Kakatapos lang ng dota rematch naming magpipinsan. Natalo kami nina Kuya Yuen. Nagyaya pang mag-basketball si Kuya dahil hindi siya masyadong nakakalaro sa Guam, pero hindi na ako sumali. One-sided ang magiging laro 'pag nakigulo pa ako. 'Yung mga ibang Pereseo na lang inabala ni Kuya, kasama 'yung mga magtotropa dito sa Antipolo.

Umuuwi ako ng Antipolo kapag weekend. Pero may inuupahan akong apartment sa Cubao, kasama ang limang pinsan ko.

Pagkatapos maligo, nahagip ng mata ko ang green na notebook. Nakapatong sa ibabaw ng mesa.

Napangiti ako't dinampot. Baka hinahanap na ng may-ari.

Ano ba'ng laman nito?

Lectures sa school?

Mga listahan ng pautang?

Listahan ng mga taong mamamatay?

Napailing ako sa naisip. Humiga na lang sa kama't binuklat. Medyo luma na. May mga punit din na pahina sa likod. Gusot ang ibang mga papel. Halatang gamit na gamit. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa 'kin at inamoy ko pa.

Napangiti ako.

Amoy babae. Mabango.

Hindi matapang. Hindi masakit sa ilong. Saktong masarap singhot-singhutin.

Tumambad sa 'kin ang green na tinta ng ballpen. Nagsalubong mga kilay ko. Unang tingin pa lang, halata na kung ano'ng paboritong kulay ng may-ari nito.

Binasa ko ang nakasulat sa first page.

Caution: Bawal makitsismis, slippery when wet.
Translation: Bawal basahin, nakamamatay.

Bumuka ang bibig ko. Hanggang sa bigla akong matawa. Sa pagkakaalam ko... bawal tumawid, nakamamatay 'yon.

As if those statements will scare me.

The girl behind this notebook just awakened my curiosity.

Pero sana nga nakinig ako sa warning. Sana hindi ko na pinakialaman at binasa. Sana 'di ko na lang pinulot.

Hindi naman ako namatay. Subalit ang mga nakasulat sa notebook na 'to... grabe ang naging impact sa buhay ko.

I couldn't believe that a simple diary could break me.

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon