Chapter 41 - Threat

257 13 4
                                    





"Anak, we're so happy for you." Ani Mama habang sinusuklay ang buhok ko. Hindi ako makapaniwala na andito nga sya sa harap ko.

Totoo ba to?


"Masaya kami na masaya kana. Huwag mo nang bigyan ng sakit sa ulo ang asawa mo."

Kumunot ang noo ko. Natatawa ako na ewan kay Mama. "Wala pa po akong asawa." Ano ba itong sinasabi ni Mama.

"Anong wala. Nako, Cassandra Cavalli! Hindi na kayo bata para magpanggap pa na ganito." Hala sinermunan pa ako ni Mama.

May isang tao pa ang pumasok. "An, bakit ka naman sumisigaw."


"Nako Robert, papaano itong anak mo. Wala pa daw syang asawa."


Tumawa si Papa. "Cassandra, magagalit ang asawa mo kapag nalaman niya to." Lumapit at umupo din si papa sa kabilang side ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Papa. Nakakaramdaman ko sya. Panaginip lang ba ito?

Hindi ako nagtatangka na magtanong kung totoo ba sila o hindi. I want this feelings. I want to feel them.

"O baka naman An, naglalambing lang tong Anak mo. Gusto pa magpa-baby satin."


Mama stroke my hair again. "Sabagay, hindi naman kami magsasawa na baby-hin ka. Huwag kayong magsakitan, Mag asawa ah. Mahalin mo sya sa kabila ng mga kahinaan niya."


"Mahalin mo sya dahil tanggap mo sya. Maging totoo kayo sa isa't isa. Iyan ang susi sa magandang relasyon ang maging tapat at walang lihim. Maayos na komunikasyon." Pangaral ni Papa sakin habang nakangiti.

Pareho silang nakaputi ni Mama. May namuong luha sa aking Mata. "Opo, salamat po.. miss na miss kona po kayo, ang saya ko po sa mga bagay na nangyayari sakin. Kahit po nasasaktan ako at nahihirapan, sa huli nagiging maayos po ang lahat."


"Lagi mo lang tatandaan na andito lang kami sa tabi mo. You always have our blessings, Anak. Do whatever makes you happy."


Tumango ako habang nagpupunas ng mata.


"Ma, Pa, andyan po ba ang Asawa ko?"

My heart beats rise when i heard a blurry voice comes from the man outside of the white glass door. Hindi ko sya maaninag dahil masyadong maliwanag kung nasaan sya.

Mama and Papa tap my back and shoulder. "Sige na, Anak tawag kana ng asawa mo."

Tiningnan ko pa sila ng ilang segundo. Mama, Papa... mahal na mahal ko po kayo. Napangiti ako. May asawa pala talaga ako.. nilingon ko ang lalaki sa labas ng kwartong ito. Nakaputi din sya.

Tumayo ako. "Mauna na po kami, ng asawa ko. Lagi po kayong mag iingat. Mahal na Mahal ko po kayo."

Tumango sila at ngumiti. "Mahal na mahal ka din namin. Sige na, naghihintay na yun asawa mo."


Tumango ako at unti unting lumabas. Nani-ningkit ang mata ko dahil masyadong maliwanag ang kapaligiran sa kanya.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko sya makita. He held his hand and hold mine. Pero unti-unting lumilinaw ang kanyang mukha..

Asawa ko sya pero kumakabog ang puso ko habang papalinaw ang kanyang mukha..

He smile at me. And I'm move when i see a pair of my favorite eyes. I close my eyes and smile widely. This feelings is surreal. Ayoko nang magising.

When i open my eyes. I see a pair of grayish-blue eyes looking intently to me. Mali pala ako, gusto kong magising dahil ang lalaking nasa harap ko ang aking pangarap.

He's not my Gangster anymoreWhere stories live. Discover now