Part I

74 1 0
                                    

HUGUTERA meets HUGUTERO (one shot)

SAMANTHA POV

Hi. My name is Samantha Aguilar but you can call me sam and im 22 years old. May jowa ako at 3 years na kami at dalawang buwan nalang ay 4 years na kami pero hindi na kami inabot ng 4 years. Yung time na 3years and 10 monthsarry namin binisita ko siya sa bahay nila kasi doon namin balak icelebrate yung monthsarry namin pero alam nyo yung masakit? Yung monthsarry nyong dalawa pero iba yung kasama niya at sa bahay pa nila.

Nong time na nakita kong may kasama siyang ibang kalandian niya nakipag break na ako sa kaniya at ito ako ngayon 1year ng single.

Kahit na niloko niya ako nagpapasalamat parin ako sa kaniya kasi ng dahil sa kaniya hindi ako magiging malakas tulad ko ngayon. At hindi ako mtututo na bumangon sa laban ng buhay.

At nagpapasalamat ako sa kaniya kasi ng dahil sa kaniya at sa sakit na binigay niya. Ang daming opportunity ang dumating sa buhay ko. Ang dami kong award sa hugotan at spoken poetry sa lahat ng contest na sinasalihan ko.

At nabansagan pa akong hugot queen minsan nga naiinis na mga kaibigan ko kasi lahat ng sinasabi nila ay hindi ko mapigilan na hindi bigyan ng hugot.

At ngayon kahit nakamove on na ako bitter parin ako at hindi niyo ako masisisi. Hindi kasi purket bitter ka hindi ka pa nakamove on. Hindi ba pwedeng? Dala dala mo palagi yung sakit na yun at hindi mona mapigilan at iwasan ang mga sakit na yun.

Madrama ang buhay ko pramis ang dami ko ng napaiyak sa lahat ng tula at hugot ko sa kanila pero wala eh ganito talaga ako. At ngayon nasa park ako, mas gusto ko kasi yung lagi kong binabalikan yung mga masasakit na ala-ala ko sa buhay kasi mas namomotivate akong humugot at gumawa ng tula kasi damang dama ko.

Itong park na ito yung pinaka memorable sa akin sa lahat. Idunno kung coincidence lang ang lahat or sinasadya ni tadhana na mang yari ito. Biruin mo ba naman na dito ko sinagot yung ex ko dati at dito rin ako nakipag break? Hahaha napakamemorable diba?

Kaya ngayon bumabalik balik ako dito para makagawa ng bago kong tula. Tula na pinamagatang ang dating tayo. Pero nakakalahati na ako ng sinusulat ko ng mapagpasyahan kong ng umuwi.

Dahil pagod na ako at pagod na pagod na ang daming pagod noh hahaha pero hindi purket pagod kana ay susuko kana, oo pagod kana pero pahinga lang naman ang kailangan mo para lumakas at ipagpatuloy ang buhay.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad na biglang may nakabangga sa akin kasi nakatingin ako sa baba kaya hindi ko rin siya nakita. Buti nalang hindi nalaglag yung mga notebook at ballpen ko kasi nakayakap ako sa mga ito. Buti pa nga sila nayayakap ko eh siya hindi ko na siya kayang yakapin kasi iba na ang yumayakap sa kaniya.

"ay sorry miss" sabi ni kuya na mas matangkad sa akin.

"sorry? Ang salitang sorry sinasabi lang yan sa isang bagay na hindi mo naman sinasadya pero take note ISANG BAGAY lang so kapag dumalawa at umulit kapa hindi na sorry ang tawag don kasi sinasadya mo na ang mga yun" sabi ko sa kaniya ng hindi tumitingin. Ayan nanaman ang sakit ko inaatake nanaman ako.

"hindi naman nasasabi ang sorry sa iisang bagay lang miss. Kasi sa buhay hindi iisang bagay lang naman ang magagawa mo at iisang bagay na hindi mo sinasadya. May mga bagay sa mundo na kahit na ilang beses mong iwasan ay hindi mo magawa pero hindi purket naulit ulit ang mga yun ay sinasadya mona kasi miss dito sa mundo may mga bagay tayong magagawa ng paulit ulit na hindi naman talaga natin sinasadya"

Naks si kuya hinahamon ata ako pwes! Hindi kita uurungan at patitikman kita ng mga salita ko!

"talaga? Hindi sinasadya ang mga bagay bagay na iyon? Masyado na atang imposible ang mga yun. Yung mga bagay na paulit ulit pero hindi sinasadya? Ganito kasi yan kuya kapag nakagawa kayo ng isang bagay magsosorry kayo tapos pag pinatawad naman kayo gagawin niyo ulit yung bagay na iyon. Kasi alam niyong mapapatawad parin kayo eh pero ang tanong hindi niyo parin ba sinasadya ang mga bagay na iyon? kasi sinasadya niyo na ang mga yun kasi alam niyong mapapatawad nila kayo kasi ang irarason niyo hindi niyo naman sinasadya diba?"

Hugutera Meets Hugutero (One Shot)Where stories live. Discover now