Tanong ng Isip Ko

68 2 2
                                    

Hindi ko maintindihan ang sarili ko

Hindi ko kayang maipaliwanag ang nararamdaman ko

Hindi ko masagot ang tanong ng isip ko

Pero isa lang ang alam ng puso ko

Mahal na Mahal kita

Mahal mo ba ako?

Importante ba ako sayo?

Bakit ka nagpaparamdam ng ganito?

Bakit ang sweet mo?

Ang dami kong mga tanong

Pero isa lang ang kailangan ng puso't isip ko

Sabihin mo yun totoo

Isigaw mo kung ano ang totoo

Sabihin mo kung sino talaga ako para sayo? 

Wag mo nalang iparamdam

Na mahal mo ako

Kung hindi naman pala,

Wag mong ipakita

Kung hindi naman yan ang totoo

Ang gusto ko lang,

Sabihin mo at gawin mo

Yung tunay na nararamdaman mo,

Kung ano talga ang totoo.

Dahil tao lang ako,

Takot na Takot akong masaktan. 

Tanong ng Isip KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon