WALA sa sariling naglalakad si Lora papunta sa parking area nang tawagin siya ni Alex.
"I just want to ask something," bungad nito nang makalapit.
"Ano 'yon?"
"How are you related to Carrey Quijano?"
Bigla siyang binundol ng kaba. Ganoon na lang ang epekto ng pangalang iyon sa kanya.
"Habang nasa Bangkok kasi kami, marami siyang itinatanong sa akin tungkol sa 'yo. Nagulat nga ako nang malaman kong Quijano siya. Sa Amerika na raw nakatira ang pamilya niya. Pero sabi niya, related daw kayo."
"H-hindi kami magkakilala. Sa Bangkok ko lang din siya nakilala. Wait, how did you meet her?"
"Sa Bangkok lang din, sa mismong lobby ng hotel. She was drunk then. I offered to assist her. And the rest was... you know..."
Naintindihan ni Lora ang ibig sabihin ni Alex. Every man would find Carrey attractive. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung paano nasabi ni Carrey na related sila. At bakit hindi nito sinasabi sa kanya.
"I really don't know her. Bakit mo itinatanong?" curious na tanong ni Lora.
"I like her."
You like her? Noong isang araw lang, sinabi mo rin sa aking crush mo ako.
Napailing siya nang palihim. Mali yata ang impression niya kay Alex. Tulad din ito ng ibang lalaking papalit-palit ng damdamin."Akala ko kasi magkakilala talaga kayo. Nabanggit niya sa 'kin na uuwi siya sa Pilipinas because of some unfinished business. I didn't clearly understand but it's something like that. I thought you two have a communication. Hindi ko kasi... Oh, well, I have to go back to office," agad na paalam ni Alex.
Naguguluhang tumango na lang si Lora. Hindi rin niya maintindihan kung bakit kakaiba ang nadarama niyang kaba nang mga sandaling iyon. Para bang may nagbabantang panganib. Hindi pa nga nasosolusyunan ang problemang nabuksan niya kay Chesney, heto at may dumagdag na namang nakakapagpa-stress sa kanya.
Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Nagpunta siya sa mall para tumingin ng accessories. Kaninang umaga, idineliver sa unit niya ang kanyang gown para sa party mamayang gabi. Si Tita Cecille mismo ang pumili ng disenyo para sa kanya. Red haltered gown in silk jersey, bagay raw sa fair complexion niya.Nasa cashier na siya nang mag-ring ang kanyang cell phone. Si Wesley ang tumatawag.
"Hello, babe! How's your day?" masayang bungad nito.
"Fine. Ikaw?"
"Great! Dahil narinig ko na ang boses mo, buo na ang araw ko."
Halos nakikini-kinita na ni Lora kung paano nakangiti si Wesley. "Bolero ka talaga."
"Ako naman ang bolahin mo."
Tumawa siya nang mahina. "Busy ka ba?"
"Uhm... Medyo. May mga importante lang akong inaasikaso para sa auditing for sanitation. But don't worry. I won't miss the party for anything. I'm very excited!"
"Huwag kang masyadong magpagod."
"I should be the one telling you that. Dala-dalawa ang trabaho mo. Kapag ikinasal na tayo, papipiliin na lang kita ng isa sa-"
"Babe!" Bumuntong-hininga si Lora. Puno ng pangarap at pag-asam si Wesley para sa kanila. Nakokonsensiya siyang sirain na lang ang lahat ng iyon. "May sasabihin sana ako."
"Sige, ano 'yon?"
"I want to discuss it with you personally."
"Hmmm. Okay, pero mamaya na lang sa party. Marami kasi akong inaasikaso ngayon. But surely, sa 'yong-sa 'yo ang buong oras ko mamaya."
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
RomansaRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...