Chapter Twelve:
Natapos na yung game at syempre, college namin ang panalo. Nag-celebrate lang kami saglit at bumalik sa mga normal naming gawain bilang isang estudyante.
Tumigil na nga pala si Sean sa kakaakbay sa akin kaso hindi pa rin siya tumitigil sa pagiging kabute niya. Wala siyang ginawa buong araw kundi ang sundan ako. Kapag wala o umaalis ang prof namin, lalapit siya sa pwesto ko at magsisimula nanaman sa pambibwisit niya. Kahit hanggang sa pag-CR ko pa nga, nakasunod din siya. Nakakainis lang na medyo nagdududa na ang mga classmates namin sa mga ginagawa niya.
“OMG! Ayan na si Sir!!”
Nagsimula nang magpasukan yung mga classmates kong babae. Ganyan naman sila parati kapag malapit na ang subject ni Kian. Gusto kasi nila na sila ang unang mapapansin ni Kian bago pumasok sa room namin.
“Alis.”
Sabay hila niya kay Sean.
“Dun ka nalang sa upuan ko. Wala namang seat plan si Sir Kian.”
“Bingi ka talaga kahit kailan. Ang sabi ko, alis. In english, leave.”
Nakita kong biglang nag-wink sa akin si Frances. At sa simpleng bagay na ginawa niya, alam ko na ayos na ang lahat sa aming dalawa.
Nag-paawa pa si Sean sa pamamagitan ng pag-pout pero hindi yun tumalab kay Frances.
“Not a chance.”
Bumuntong hininga si Sean as a sign na sumusuko na siya. Tumayo na siya at bumalik sa dati niyang upuan nang naghahaba ang nguso.
“Antagal mo. Kanina pa ako binibwisit ng kapatid mo.”
“Ewan ba dyan. Ganyan na yan nang ipanganak ni Tita eh.”
Inayos niya yung mga gamit niya at umupo na sa tabi ko. Nagsimula na din si Kian mag-discuss ng bagong lesson. Madami siyang sinabi pero isang statement lang ang tumatak sa akin.
“Whatever it takes, you will take the risk. Bear that in mind.”
Hindi ko alam pero napangiti ako nang sabihin niya yan. Pakiramdam ko may gusto siyang iparating na hindi ko naman maintindihan kung ano.
Risks.
Ano nga bang meron sa salitang yan at bigla nalang akong napapangiti kapag naririnig ko ‘to?
“Hoy. Matutunaw na.”
Ngayon ko lang namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya.
Kung titingnan mo si Kian ngayon, parang normal lang ang lahat. Na parang hindi ko siya nakitang galit na galit kanina. Hindi kaya namamalik-mata lang ako kanina? O tama talaga yung sinasabi ni Sean na moody talaga siya?
Bakit ba kasi ang-hirap hirap niyang basahin. Kanina, galit. Ngayon naman, masaya?
Seryosong seryoso siya sa pagbabasa nung mga handouts at libro na nasa table niya. At dahil sa wala akong planong tumigil sa pagtitig sa kaniya, nakita ko na napaso siya habang umiinom ng kape.
“Kung ako sa’yo, magsasagot na ako.”
Inalis ko na muna sa utak ko ang lahat ng bagay na tungkol kay Kian at nagsimula nang magsagot ng word problems na binigay niya.
Madali naming natapos yung mga pinasasagutan niya kaya may oras pa para sa isa pang discussion. Pero dahil nga sa last subject na at halos lahat kami ay wala nang gana makinig sa panibagong lesson, pinagkwento nalang nila si Kian.
BINABASA MO ANG
Risks and Returns
Teen FictionLove is all about taking the risks and not minding its returns. Would Aianna be brave enough to take the risks and tell him how much she loves him? Or would she insist on keeping her feelings to herself and have a relationship with someone else?