Chapter 26:Choices

267 4 0
                                    

.

Sunday..

Hindi ko alam pero tinatamad akong bumangon ngayon sa higaan ko.Kung dati sobrang excited akong bumangon dahil makakachat ko na ulit si Calvin,ngayon parang wala ako sa mood.

"Ate,ano ba ..tanghali na bumangon ka na diyan."rinig kong sabi ni Ace.

Tiningnan ko kung anong oras na..10:20 .Bigla akong napatayo sa pagkakahiga ko.Kanina pa ako gising pero inabot na pala ako ng ganitong oras dito.Kasi naman di ko lang mapipigilan yung sarili ko na nagonline at ichat is Calvin kapag bumangon na ako.

Ayoko na gusto ko ng itigil yung deal,pero ang nakakabwisit lang kasi ,e yung tipong kahit na may part sa akin na nasasaktan na kapag kachat siya,konting ramdam ko lang ulit ng kilig,nagiging tanga na naman ako,umaasa na naman ako.Nakakainis lang...

"Ace,pwede ba kitang maka-usap?"tanong ko dito,habang tamad parin akong nakaupo sa kama ko.

"May problema ka Ate alam ko.Tell me ..what's that?"tanong ni Ace at umupo sa tabi ko,para tuloy akong maiiyak ,kasi naman parang ako pa yung mas bata dito.

"Ace..nasasaktan ako.."malungkot na sabi ko,habang nakatingin sa bintana ng kwarto ko.

"I warn you earlier about that Calvin,alam mo ba kung bakit ka nasasaktan Ate?Nasasaktan ka kasi nagmamahal ka na ng taong hindi naman nakikita yung halaga mo."sabi nito ,malungkot naman akong napatingin sa kanya.

"Ang malas ko ata Ace,kasi minahal ko na yung taong hindi ako kilala.Na hindi ko na napigilan na pangarapin siya."pinipilit ko naman hindi mabasag yung boses ko,kahit na sa totoo lang gustong -gusto ko ng umiyak.

"Nahihirapan kasi ko e,nasasaktan naman na ako,pero nararamdaman ko padin yung saya at kilig.Kaya hindi ko alam kung dapat bang ipaglaban ko pa yung nararamdaman ko.Parang nahihirapan akong bitawan yung feelings ko para kay Calvin.."sabi ko,habang pinipigil padin na umiyak,ayoko naman ipakita na nagkakaganito na ako dahil lang sa isang lalaki.Dahil first of all hindi naman talaga ako ganito.

"Alam mo Ate Jayciel,kaya siguro ang hirap bumitaw para sa iyo,kasi kumakapit parin yung imahinasyon mo na may chance kayo."parang nauntog ako sa pagkakasabi ni Ace ng mga salita na iyon.

Tama siya,siguro nga umaasa parin ako,nageexpect padin ako ,na one day may matutupad sa isa sa mga pangarap ko.Yung kahit makilala niya lang ako,kahit wala ng picture .. T_T

"Ganyan talaga Ate,one of the hardest decisions you'll ever face in life is choosing whether to walk away or try harder."sabi ni Ace,habang tinatap yung shoulder ko.

"Yes.Your right..Hindi ko alam kung kailangan ko na bang tumigil sa pangangarap sa isang bagay na imposible namang mangyari,o magpatuloy dahil sa paniniwala na baka may pag-asa pa."

Ayzzz.Ayoko na sobrang sakit pa sa pakiramdam lalo na at di ako makaiyak.Sa totoo lang gusto kong pumunta sa mataas na lugar ngayon,dun sa walang tao at isigaw lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.Lahat lahat ng gusto kong sabihin especially to Calvin Dreile..

"You're matured enough Ate Jayciel,kung ano man yung magiging choice mo,alam natin na part ng buhay mo yun,na nakatakda mo talagang maranasan yun for a good purpose.

"Thanks Ace..For being a good little brother."sabi ko dito.

"Welcome Ate Jayciel..Kaya tumayo ka na diyan,at di bagay sayo na magemote."sabi nito ,natawa na tuloy ako at nag-ayos na ng sarili.

***
8:23 pm.

Nakaupo ako dito mag-isa as usual sa may duyan dito sa may mini garden namin.Sabihin na natin na nagmumuni muni ako..

Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon